Chapter 3

1606 Words
Antarah's POV "Ito ang susuotin ko mamayang gabi beast" sabi ko kay Scarlet tsaka ipinakita sa kanya ang gown na hawak ko. Binigay ito ni Alexander sa akin noong nandito pa siya Pinas. "Saan mo 'yan nakuha?" tanong niya habang naglilinis ng mga toenails niya. Kailan daw ready siya from head to foot tsk ang daming alam. Hindi naman siguro titignan ng mga guards doon ang mga daliri. "Ano ka ba beast ito kaya yung regalo ni Alexander sakin noong pasko" sagot ko sa kanya. Napaisip naman siya bigla. Alright, maybe she forgot about it. "Ay oo nga pala! Binigyan rin niya ako" sabi niya tsaka tumayo. "Teka saan ko ba iyon nilagay?" tanong niya sa sarili niya tsaka nagsimula ng maghanap. Ayan kasi napaka kalat sa mga gamit niya. Ilang sandali lang ay dumapa ito sa sahig tsaka may inabot sa ilalim ng kama. Para siyang timang na nakadapa doon. "ITO!" biglang sigaw niya at hinugot yung box mula sa ilalim ng kama niya. Kinuha niya naman ang laman no'n habang napakalaki ng ngisi niya. "Ito beast tignan mo. Bagay sakin 'di ba?" tanong niya at sinukat sukat kung fit pa ba sa kanya ang gown niya. "Oo beast. Ang ganda ng kulay niya." sabi ko which is totoo naman. "Sigurado akong matatalbugan natin sila Natasha mamayang gabi. Tignan lang natin" sabi ni Scarlet at parang excited na lulusob sa gyera mamaya. "Bakit beast?" tanong ko. "Alam mo na mga feelingera 'yon. Feeling mayayaman ang peg ng tatlong bruhilda" inis niyang sambit. Hahaha kahit ako din naman naiinis sa pagka feeling richkid nila. "Hayaan mo na sila" sabi ko nalang sa kanya. "Iyan ang sinasabi ko sayo palagi beast na wag kang paaapi sa tatlong iyon. Sus try lang nila ulit na lapitan ka talagang sasabunutan ko sila hanggang sa matanggal ang buhok nila. Tignan lang natin" sabi ni Scarlet at tumaas ang kilay niya. "Ang harsh mo naman beast. Kaya ko namang protektahan ang sarili ko laban sa kanila. Nakita mo naman siguro kung gaano sila nainis sakin noong pumatol ako hahaha" sabi ko at tumawa. "Hmm, guardian angel mo yata ako kaya ganun. Walang makakapang-api sayo"sabi niya at ngumiti. Nanlaki naman ang mata ko nang may naalala ako. Omg! "Kyaaahhh beast hindi pa tayo naka saing ng kanin at ulam!" hesterikal kong saad. Magugutom kami!? Magugutom kami!? Nooooo! "Don't worry beast bili nalang tayo ng makakain diyan sa karenderya. Hindi ba sabi mo nga doon tayo kakain sa party." pagpapa-alala niya sakin. "Oo nga pala hehehe" pagsang-ayon ko Nang matapos na kami sa mga gagawin namin ay pumunta na kami sa karenderya para kumain na. Nang sumapit ang gabi ay nauna na siyang maligo sa akin. Pagkatapos niya ay sumunod na ako at medyo natagalan ng konti sa banyo kasi napasarap ang pagligo ko. "BEAST ANO BA NAMAN 'YAN LUMABAS KA NA DIYAN. MALE-LATE NA TAYO SA PARTY BAKA WALA NG TAO DOON PAGDATING NATIN!" sigaw ni Scarlet mula sa labas ng banyo. Trip niya ata sumigaw lagi, hindi na ako magugulat kung mapaos ang isang 'to. Nang makalabas ako ng banyo ay wala na siya sa loob ng apartment, baka lumabas na. Napailing na lamaang ako at nagsimulang mag-ayos na para matapos na agad kasi baka magsisigaw-sigaw na naman iyon mamaya. Pumasok naman siya sa loob ng apartment at sinimulan akong make-up-an. "Hinaan mo nga ang boses mo. Parang wala tayong kapitbahay ha" saway ko sa kanya nang makalabas na ako ng apartment. Kailangang sawayin 'to baka magtanda eh. "Omygod beast! Ang ganda ganda mo. The best talaga pag ako ang nag make-up!" sabi niya nang matapos na siyang mag make-up sa akin. Well, totoo naman ang sinabi niya na magaling siya mag make-up. "Kaya nga. Thanks to you" nakangiti kong saad. "Mag taxi tayo" sabi ni Scarlet at agad pinara yung dumaan sa tapat namin na taxi nang tuloyan na kaming makalabas. "Kuya sa five star hotel tayo na pag-aari ng AKY Company" sabi ko sa driver nang makapasok na kami sa loob ng taxi. "Yes ma'am" sagot nito at nagsimula nang buhayin ang makina ng sasakyan. "God, beast ang ganda mo para kang manika" sabi ni Scarlet at hinaplos ang buhok ko. "Paulit-ulit ka beast" natatawa kong saad. "Ikaw rin naman eh ang ganda mo tsaka ang sexy pa" sabi ko kasi backless ang gown niya. Kitang kita ang makinis niyang likod. "Thankies" sabi niya "Sigurado akong star of the night tayo ngayon beast hahaha" sabi ni Scarlet. "Nagbaon ka ba ng plastic?" bulong ko baka kasi marinig ni manong driver eh. "Wala. Aanhin ko ang plastic?" bulong niya rin sa akin pabalik habang nakakunot ang noo. Para kaming timang. "Naku beast bakit hindi ka nagdala wala tuloy tayo masisidlan mamaya ng pagkain na iuuwi natin. Hindi bali na nga lang bibili nalang tayo doon baka may tindahan doon" bulong ko. Pinitik niya naman ang noo ko at tumawa. "Baliw ka. Plastic talaga?" tanong niya. "Anong gusto mo, sako?" tanong ko. Sayang kasi ang mga pagkain doon mamaya. For sure puro masasarap iyon hays. "Ewww" nandidiri niyang saad. Tumawa nalang ako ng mahina tsaka tumingin sa labas. Kailangan kong mabusog mamaya hays gutom pa naman ako. Baka pumayat na ako nito, hindi pwede. I love my babyfats so much. Hindi naman ako payat pero hindi din mataba, sakto lang. "Nandito na tayo ma'am" untag ng driver sa amin. Lumabas naman kami sa taxi at binayaran ni Scarlet si kuyang driver. "Tara beast pasok na tayo" sabi niya. "Dala mo ba ang invitation natin?" tanong ko. "Oo" sabi niya at pinakita sakin ang hawak niya. Nagsimula na kaming pumasok sa loob ng may napansin ako. Napaka daming mga naka men in black. Parang napapalibutan na talaga yung buong hotel grabe. "Beast bakit andami yatang men in black?" tanong ko "Hindi ba nga may rumors na mafia boss daw ang may ari ng kompanya kung saan nagtatrabaho tayo" bulong niya. Tumango tango nalang ako. Andami nila mga nasa singkwenta ka tao sila. Secured talaga ang buong paligid. Malay natin diba baka biglang may magpaputok ede end of the world na. Tsaka, sana naman hindi totoong mafia boss ang big boss. Ngayon pa lang ay parang natatakot na ako sa posibleng mangyari. "Ma'am invitation po" sabi no'ng nasa front desk kay Scarlet. "Here" sabi ni Scarlet at ibinigay sa babae ang invitation. "Pwede na po kayong pumasok ma'am" sabi niya sa amin. "Thank you po" nakangiti kong sabi. Pumasok na kami sa loob at bumungad agad sa amin ang grupo ng mga tao kung saan may mga nagsasayawan ang iba nag iinuman. Taga madadaanan namin lahat lumilingon sakin. Confused naman akong bumaling kay Scarlet para makapagtanong. Parang mga tambay lang doon sa amin kasi laging tumitingin. "Beast bakit sila tumitingin sa akin?" kinakabahan kong bulong kay Scarlet tsaka ako humawak sa braso niya. Kinakabahan ako. "Syempre beast ang ganda mo kaya ngayon kaya turn head ang lahat sayo" sabi niya sakin at halatang proud pa siya. "Tara beast doon tayo sa bakanteng mesa" sabi ko at itinuro ang lamesa. "Tara" sabi niya. Pagdating namin doon ay kumuha naman kami ng mga utensils. Mabuti nalang malapit lang ang buffet sa mesa namin hehehe kaya hindi na kami mahihirapan. Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay umupo na kami pabalik. "Beast ang sarap naman nito" sabi ko habang sinusubo ang manok, ewan ko ano tawag sa luto na ito. "Oo nga" sabi ni Scarlet at sumubo din. "Tignan mo nga ang mga patay gutom oh" narinig kong sabi ni Natasha mula sa likod ko kaya tumigil muna ako sa pagkain. Istorbo naman nito. Hindi siguro pinalaki nang maayos ng parents niya, walang manners. "Ano na naman ang hanap niyo mga feelingera?" Scarlet asked them. "Talas ng dila mo ha!" asik ni Tere.  "Talagang matalas ito at pwede kong isaksak sayo kung hindi pa kayo aalis" sabi ni Scarlet. Scary best hahaha. Pwede na ito pang grammy. "Na impress mo ako ngayon Antarah in fairness nagmukha kang tao" Natasha said with full of sarcasm. "I'll take that as a compliment. Thank you" may halong pang aasar kong saad. Wag mo ako subukan ngayon. Pag gutom ako nawawala ako sa katinuan ko. "Tara na Natasha we're just wasting our time here. Baka dadating ni si big boss at hindi tayo mapansin." maarteng sabi ni Ava. "Mabuti yan, pag igihan niyo ang pag akit mamaya sa big boss. Sige na lumayas na kayo, hindi naman kayo namin kailangan para mabusog kami" sabi ni Scarlet Inirapan lang siya ni Natasha at umalis na sila. "May pa irap irap pa siyang nalalaman. Dukutin ko ang mata niya eh.Sa susunod awayin mo talaga beast! Turuan kita" sabi niya sakin. "Marunong ako no. Sadyang wala lang ako sa mood this week. Pwede next week nalang? Tsaka kain muna tayo hahaha " sabi ko at tumawa. Pagkatapos naming kumain umalis si Scarlet dahil sasayaw daw siya dun sa dance floor inaya niya ako pero nahihiya ako because most of the folks were staring at me na para bang ngayon lang ako nila nakita. Hindi naman ganun kakapal ang nilagay na make-up ni Scar. Prente akong nakaupo habang nanonood sa mga sumasayaw. Nakita ko naman si Scarlet na mukhang nag e-enjoy na. Ilang sandali ay may dumaang waiter at may hawak ito na tray na laman ay mga alak. Try ko kaya uminom, ngayong gabi lang naman eh. Hindi naman ako magpapakalasing. "Waiter. Pahingi ako isa" sabi ko habang tinuturo ang bitbit niya. "Here ma'am" sabi niya at ibinigay sakin ang isang baso Nagpasalamat naman ako at nagsimula nang uminom. Ang pait omygod alak ba'to? Bakit para naman atang ampalaya juice. Umiling nalang ako at inisang lagok ko nalang para hindi masyado maramdaman yung pait dahil hindi ko talaga masyadong gusto ang lasa. May waiter ulit na dumaan and this time ibang klase na naman ng alak ang hiningi ko, medyo type ko ito kasi hindi masyadong mapait pero ang lakas ng epekto para akong nawawala sa sarili ko ng ilang saglit. Lasing na ba ako? Ang sakit ng ulo ko, parang pinupukpok. Naka-ilang shots na rin ako habang prenteng naghihintay kay Scarlet.  Bakit ang tagal naman yata i-introduce ng may ari ng kompanya? O baka naman na introduce na pero hindi ko lang napansin kasi uminom lang ako ng alak the whole time? Hays sakit na ng ulo ko. Nasaan naba si Scarlet? Tinignan ko naman ang nagsasayawan pero medyo hindi ko na makita ang mga mukha nila, nanlalabo ang paningin ko. Shit nasusuka ako! Where's the wash room located? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD