Chapter two

1972 Words
"Ma'am, andito na po tayo" pukaw sa akin ng driver. Agad naman akong tumango sa kanya at lumabas ng sasakyan. Nagpahatid kasi ako kay Kuya Lenard dito sa bago kong school, ang Western High School. Psh. New school na naman. Lagi lang naman kasi akong nasasangkot sa gulo sa mga dati kong paaralan. Worst, bago pa ako mapatawan ng expulsion, ayun, pinapatransfer na ako ni ate. Hayst. Siguro, dito na ako magbabagong buhay. Gagawin ko ang lahat para hindi na ako masangkot sa gulo. Mahirap kaya pag laging nag-aadjust. Binalingan ko si Kuya Lenard at tinanguan siya. Ngumiti ako at nagpasalamat. Napakamot pa ako tuloy ng makita kong natulala siya sa ginawa ko. Sabagay, ngayon lang naman kasi ako nagpasalamat sa ibang tao maliban kay ate. Mataas ang pride ko eh. Pero sa gusto kong makaiwas sa gulo, magpapakabait na lang ako. Wahahaha. The Very Kind Grave Castillo in Western High is very exciting. Lels! Pagpasok ko ng eskwelahan ay napatango tango na lang ako sa loob ko habang tumitingin sa kabuuan nito. Not bad. The landscape design is not bad after all. Natanaw kong maraming nakatambay sa bawat gilid ng corridor. Pansin ko ring may kanya-kanyang grupo ang mga mag-aaral dito. Kapansin-pansin ang grupo ng mga maaarte. Sila ba naman kasi yung makikitang sinasadya na ipakita ang nagmamahalan nilang kagamitan kuno. Tss. Pagkakita ko pa lang sa mga gamit nila, fake na. Mga geeks or nerds. Walang kafashion fashion sense at laging may mga hawak na libro. Hindi naman sila lahat baduy, or having thick eyeglasses or braces, was just that mapapansin talagang mas pinapahalagahan nila ang pag-aaral. Varsities. Tikas pa lang ng katawan, halata na. Saka sama mo pa yung mga uniforms nila and yung mga hawak nilang racket or balls. Badboys. Ay, jan tayo eh. Grupo ng mga kalalakihan na sadyang makasalanan para sa mga kababaihan. Hay naku. Syempre, mukha pa lang, ulam na. Ay hindi. Let me rephrase it, mukha pa lang, appetizer na. Tapos pag nakita mo na ang katawan, ayun. Main course na. Ampp! Tsaka, aside from looks, syempre mapapansin mo rin naman yung mga aura nila noh. May mga womanizer, basagulero at iba pa. Tsaka marami pang grupo na mapapansin dito. At kasama na din ang mga bully, Tss. Kahit saang paaralan talaga, may mga bully. Sarap isako at ihagis sa Bermuda triangle. Tiningnan ko ang relo ko, shookt! 7:45 na! May kinse minutos na lang ako para kunin ang schedule ko. Hindi man lang kasi nag-abalang kunin ni Ate para di na hassle sakin. Naglakad na lang ako sa corridor at pansin kong tumatahimik ang bawat madaanan ko. Hindi ko na lang sila pinansin at tuloy tuloy maglakad. Kaso narealize kong, di ko pala alam kung saan makukuha ang schedule. Magtatanong na lang ako dito, pero kanino kaya? Ayoko namang mapahiya noh. First day na first day. Namataan ko ang isang grupo ng tatlong magagandang babae na naglalakad. Nangunguna ang isa at talagang mapapansin na mataray. Sa korte pa lang ba naman ng kilay. Lahat ng dinadaanan nila, napapayuko o kaya ay iniiwasan sila. Ah, alam ko na kung ano ang mga ito. Mga bully. Nakita kong tumigil sila malapit sa isang babaeng nerd na nagbabasa pa rin ng libro. Tipong walang kaalam-alam sa nangyayari. Napailing-iling na lang ako ng makita kong agawin ng babae ang libro nito at isinampal sa mukha. Awts! Sakit nun ha. Sigurado akong babakat yun sa mukha ng babae. "Luhod! I want you to kiss my shoes" utos ulit ng pinaka leader nila sa babae. Nagbaba naman ito ng tingin at unti-unting lumuluhod. Don't tell me, gagawin niya yun? Tumingin ako sa paligid pero wala man lang magtangkang tumulong. Napapaiwas pa sila ng tingin sa ginagawa ng bully. Like the heck? Sino naman to at kung makaasta kala mo kung sino? Napatingin sakin ang nerd. She looks so helpless at konti na lang ay luluha na siya. Fvck this! "Gosh! Why so slow? Halikan mo na ang sapatos ko Nerd!" Kasabay naman nun ang tawanan ng dalawang kasama nung babae. Napabuga ako ng hangin nang makita ko ang pagpunas ng nerd sa mata niya. Aissshhh!!! 'Wag makikipag-away. Keep away from any fights as possible' Muli akong napapikit ng marinig ko ang bilin ni ate. Makakalbo ako nito pag makipag-away ako eh. Tumingin ulit ako sa nerd at nakita kong sinulyapan niya ako. Ha! Bahala na kay Shiela. Wala naman siyang sinabing hindi ako pwedeng magtanggol ng kapwa ko noh. Hindi naman to pakikipag-away. Tutulong ako. Mabilis akong naglakad sa kinaroroonan ng nerd at agad hinablot patayo. Pansin kong maraming nagulat sa ginawa ko dahil lahat sila napatingin sa akin. Great scene Grave! "Oh? Mind introducing your name loser?" pang-iinsulto ng leader nila sa akin. "Bago pa lang siguro yan Crialyn kaya ganyan kung makaasta" sabad nung isa. So, Crialyn is the name pala. "I'm not talking to you Fatima kaya shut up!" iritado namang sagot niya. "Hey, what's your name daw tanong ni Crialyn?" ulit na tanong nung isa. Hindi ako sumagot at binalingan ng tingin ang nerd. I took out my handkerchief at binigay sa kanya para punasan ang mga luha niya. How pity. "Baka hindi nakakaintindi ng English yan Crialyn?" ani Fatima "Anong pangalan mo babae? Baka nakakalimutan mo, bago ka lang dito. Lakas ng loob eh hindi ka naman namin kilala" may diin sa tono ni Crialyn. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong akala niya sakin, kilala ko rin siya? Kapal ha. "Hindi rin naman kita kilala kaya patas lang noh!" Hysterical naman na nag-react ang dalawang alipores niya. Ugh! This is what I hate sa mga paaralang ekslusibo lang sa mga mayayaman eh. Typical bullies. Mga maarte. Magaling humamo at manlait, wala namang maibubuga pag pisikalan na. "Did you hear that Bethany? Ang kapal ng mukha niya" "Yeah! Kapal ng mukha mong transferee ka" sabi nung Bethany. Makapal daw ang mukha ko eh literal naman na mas makapal sa kanila. Puno ng make up ang mukha nila, buti sana kung bagay sa kanila. Hindi pa pantay dahil mas puti yung mukha nila kaysa sa leeg. "Mas makapal ang mukha niyo noh! Tadtad ng make up. Ilang layers kaya yan para matakpan ang butas butas na kutis niyo?" asik ko. Makapal pala ha. "H-how dare you!" sigaw nung Crialyn sakin at dinuro ako. "Oh? Guilty agad?" pangungutya ko kaya agad niya akong sinampal. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Pers taym yun ha! May sumampal na sakin, samantalang sabunot agad ang ginagawa ng iba. "Yan ang nababagay sayong babae! Akala mo kung sino ka. Sa susunod, wag ka nang makialam!" sasampalin pa sana niya ako ng maunahan ko siya. Mas malakas ang binigay kong sampal para naman mayanig ang bungo niya at nang maayos ang utak niya. Iba siguro placing ng utak niya kaya ganito siya. Kaso nasobrahan ko ata dahil napaupo siya. My bad. "Oh my god Crialyn!" sabi nung dalawang kasama niya at agad siyang dinaluhan. Oh, my god Crialyn. I mentally imitated them. Tangina. Kairita mga boses nila. Ang aarte. Siguro naman matatauhan na yang babaeng yan sa ginawa ko. Liningon ko ulit ang nerd at hinawakan sa palapulsuhan para hatakin. Tinulungan ko na nga to para makaalis pero wala namang ginawa kundi tumunganga lang. Tanga lang. Hindi pa man kami nakakalayo nang makaramdam ako ng paghablot sa buhok ko. Sht. My precious hair. Ilang beses ko tong sinuklay suklay kanina tapos hahablutin lang. Pati yung schedule ko, di ko pa nakukuha eh! "Magbabayad kang babae ka sa pagsampal sa akin!" gigil na sabi niya. Ang sakit sa anit talaga. Ayoko yung basta-bastang nahahawakan ang buhok ko pero mas lalo naman ang masabunutan. Hinarap ko na agad siya at baka mas lalo akong mahirapan mamaya sa pagsuklay kaya sinipa ko siya sa kaliwang paa. Medyo nabitawan niya ang buhok ko kaya pinilipit ko ang kamay niya. "You b***h! Sinoli ko lang yung sampal mo kanina. Pero mukhang hindi ka naman kuntento kaya papasobrahan ko na" saad ko saka kinaladkad hinila siya sa buhok. Sinamaan ko ng tingin ang mga estudyanteng nagtatangkang umawat. Ngayong naagrabyado lang itong babaeng to saka lang sila aaksyon eh kanina pa nila sinimulan! "O-ouchh! Get off me, b-b***h!" daing niya habang pinipilit na kumawala pero sorry na lang siya. "Fvck you! D-dont you know who I am?" Hindi ko pa rin siya pinansin at patuloy pa rin siya sa pagkaladkad. Pake ko naman sa kanya. "I'm the daughter of the one who own this school, b***h!" gigil niyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya at saglit na nagload pa sa utak ko kaya nabitawan ko siya. Resulta nun eh sumalampak siya sa sahig. Dinaluhan naman agad siya ng mga alipores niya. "Anak ka ng may-ari ng school na to?" pang uulit ko. Sht. Sa puntong ito eh alam ko ng lagot ako kay Ate. "Oo, kaya magbababayad ka sa ginawa mo kay Crialyn!" sigaw sakin ni Fatima. Tangina, anu nang gagawin ko. Napatingin ako sa nerd na tinulungan ko at napakagat labi naman siya. Kaya pala walang umawat tapos ang lakas ng loob. Putspa. Panu pag malaman to ni Ate. Balak ko na sanang utuin siya at humingi ng tawad ng marinig ko ang pamilyar na boses. " Grave??" Napatingin ako sa pinang galingan ng boses at nakita si ate dun na nakapamewang. Wala na. Pinish na ako. Patay na! Hindi ko na natuloy ang pagpasok ko sa paaralang iyon dahil inaya agad ako ni ate na umuwi. Pagpasok pa lang namin sa bahay ay pabagsak na binitawan ni ate ang kanyang bag at marahas na tumingin sa akin. Napalunok tuloy ako. "Last mo na talaga dapat to Grave. Yun na ang alam kong last na paaralan eh." madiin niyang sabi. Akmang lalapit siya pero agad akong lumayo. Baka sabunutan niya ako. "Op op op ate. Wait ha. Let me explain!" sigaw ko na may pasenyas senyas pa. Gosh. Hindi ko maatim mawalan ng buhok. Pero hindi ata talaga papipigil si ate. Dali dali siyang lumapit sa akin at huli na para makatakbo dahil hawak na niya ang buhok ko. Kotang kota na sila sa buhok ko! "Ugh! Sabi ng wag ang buhok ko eh!" sigaw ko at pinilipit ang kamay niya. Napahiyaw naman siya sa sakit at tumigil. Lumayo agad ako sakanya at inayos ang buhok ko. Nagulo na naman! "My god Grave! Wala ka na ba talagang ititino?? Yun na ang kahuli-hulihang paaralan na alam kong mapapasukan mo!" sigaw ni ate kaya napapikit na lang ako. Ang sakit na ng tenga ko tas inulit na naman niya ang sinabi niya. "Ano Grave? Sumagot ka! Ni hindi ka man lang nagtagal ng isang oras sa paaralang iyon. Sa lahat ng makaka-away mo, anak pa ng may-ari!" I know. Napabuntong hininga ako dahil dun. "Sorry na nga ate. Tinulungan ko lang naman yung nerd dahil binubully siya pero hindi ko naman alam na anak pa lang ng may-ari yung Crialyn na yun." "Ang problema kasi sayo, Grave eh sugod ka ng sugod. Hindi ka nag-iisip." I just rolled my eyes at her statement but she returned a glare. Inis na inis na talaga nga siya. Now what? Nanlulumo ko siyang tiningnan at gigil akong binatukan. Sakit nun ah! Pero saan na ako niyan? "Baka hindi talaga para sa akin ang pag-aaral ate?" Lumayo ulit ako nung akmang babalikan niya ako. Sabi ko nga, hindi pa siya pwedeng biruin ngayon. "Last na dapat talaga yun Grave eh. Yun yung mas magugustuhan mong paaralan kaysa sa isang paaralang alam ko. Buti sana kung kaya mo nang mag-isa, eh ayaw mo nga malayo sa akin." My face lit up at what she said. So may isa pang natitirang paaralan? "I'll enroll there ate. I promise, I'll do my best to be a good girl na." I abruptly stated. Napailing iling siya at saka ngumisi. Uh-oh. What have I gotten into?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD