Sheila's POV
Pasulyap sulyap lang ako kay Grave na blangko ang mukhang nakaupo sa backseat habang nagbibiyahe kami papunta sa huling paaralan na alam kong tatanggap sa kaniya. Ang tigas tigas naman kasi ng ulo. Kung bakit hindi man lang niya maiwasan ang hindi makipag-away kahit minsan lang. Laging mainitin ang ulo at talagang makikigulo.
Sana nga magtino na siya ngayon lalo na at hindi pangkaraniwan ang papasukan niya. Wala akong magagawa kahit hindi ako makampante sa desisyon kong ito, but I have no other choice. Sinulyapan ko siya uli sa side mirror dahil nasa gilid siya pero nakita niya ako at inirapan. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagmamaneho.
Parang gusto kong umatras at bumalik na lang. Nag-aalala ako sa magiging resulta ng pagpasok ko sa kanya.
"She needs to enroll and train at that school Shiela. Hindi natin alam kung kailan siya malalagay sa panganib."
"But she's not yet ready. Papasok na lang siya pag handa at kaya na niya." salungat ko kay Z.
"At kelan siya magiging handa Shiela? Kikilos ka na lang ba kapag malagay na siya sa alanganin? I know you're trying to protect your sister, but I hope you know what's best for her."
"We don't even know what are her capabilities at kung kaya niya nga bang kontrolin ang nasa kanya. Look at her temper for example. I'm sorry Shiela but if this may come to worst, I hope I'll not be the one to kill her." matiim niyang saad at naglaho sa harapan ko.
I clenched my fist at that thought. Will she cope up with my revelation? Pero hindi pa siya handa. Sinulyapan ko ulit siya at nalaman kong nakatitig pala siya sa akin habang nakakunot-noo.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Buntong hininga lang ang sagot ko sa kanya.
"Sus, baka nag-aalanganin ka nang ipasok ako sa paaralang yan ah," saad niya saka ngingisi-ngisi. Kahit kelan talaga to, may gana pang mang-inis.
"Malapit na tayo. I need you to do your best on settling your anger issue, Grave", saka ko siya sinulyapan. "Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sayo. And to remind you, dito ka sa paaralang ito mag-stay. I will not be always on your side."
"What??! Seriously, Ate Shiela?"
"Seriously." Matiim kong saad. Bubuka at sasara ang bunganga niya na waring hindi alam kung ano ang sasabihin. Alam kong salungat siya sa kasong dito siya mag-stay pero nangako na siyang maging good girl kuno. Umasa na lang ako na sana nga.
"Cat got your tongue, baby?" asar ko sa kanya at pinatay ang makina ng sasakyan ng nasa tapat na kami ng gate. Inirapan na lang niya ako at sumilip sa bintana. Lumabas na din ako at sumandal sa hood ng kotse. Wala pa ring pinagbago dito sa labas matapos ang ilang taon na hindi ako nakabisita. It still emits the same aura.
Grave POV
Weird. I don't know if it's just me or talagang nakakakilabot ang dating ng nasa harapan kong matayog na gate. Hindi ko nga alam kung gaano kataas ito kaya hindi kita kung ano ang nasa loob.
Academia de Magos
Yan ang basa ko sa gold-like na nakaukit sa taas nito. Nakaka amazed kung paano nila nagawang iukit ang kalalaking letra na ito sa bakal.
Sa gilid naman, sa magkabilaang poste ay baging na nakapalibot dito hanggang sa gitna kung saan parang itinuturo nito ang crest sa pinakagitna.
Lumapit pa ako para titigan ang crest. I don't know but I find this mysterious. Para ngang may bumubulong sa akin na lumapit pa.
Pinilig ko na lang ang ulo ko to erase that thought and feeling. Ganito lang siguro pakiramdam ko kasi first time kong mawawalay kay ate Shiela. I hate staying at dorms actually. Mas gusto ko kasing nakikita si ate, reminder na hindi ako nag-iisa.
Humakbang pa ako ng dalawang beses at yumuko konti para titigan ng mabuti ang crest.
May apat na kulay ang bumubuo ng pabilog. Nasa taas ang asul, sa kaliwa ang berde, kanan ay pula at sa baba nito ay kayumanggi. Ang nasa gitna naman ng mga ito ay hugis pusong hinati ang kulay sa dalawa: ginto at pilak. May magkabilaan ding pakpak dito.
Mas lalo ko pang tinitigan ang hugis puso at dun ko lang napansin ang parang dragon na nakaukit sa kanang gilid at sa kaliwang gilid naman ay pinagsamang arrow at espada. Meron ding shield kasama ang bow nito.
Ang astig naman ng gumawa nito. I admire the way how they did it and I can't wait to know the meaning of these symbols. Nabigla ako ng parang gumalaw ang dragon na nakaukit kasabay ng pagkinang ng mga kulay nito. Hahawakan ko na sana ang crest ng may magsalita sa gilid ko.
"Hey. I don't think you wanna touch that." Liningon ko si Ate Shiela na muntik ko nang makalimutang kasama ko pala. Inirapan ko na lang siya. Lumayo na lang ako ng bahagya sa gate at tiningnan ulit ito. Nawala na ang aura nitong nakakakilabot at napalitan ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.
"So, ano ng gagawin natin dito? Hindi tayo papasok?" Ate Shiela chuckled at may binulong.
"What are you whispering?", sabi ko at lalapit na sana ng unti-unting bumukas ang gate ng school. Half opened na ito and all I can see is a ...way made of bricks???
But what caught may attention first are the guards standing at each side na nakayuko at naka-suit. Wow. Men in black pala ang peg ng mga ito. Paano ko ba namang hindi malalaman na guards sila eh, sa may collar ng suot nila eh may nakatatak na 'guards'. Psh.
Tiningnan ko ang nasa kaliwang guard at sa kanan naman na sana ng may mahagip akong babae na nakatitig sa akin habang nakahalukipkip. Wala siya kanina diyan ah? Tahimik itong naglakad palapit sakin at tiningnan ako head to toe.
"Tinitingin-tingin mo jan? Wag mo ko ihead to toe kundi babalian kita," banta ko sakanya pero umiling lang ito at tiningnan si ate Shiela. She smiled upon seeing ate, pero ako head to toe? The heck! Kelan pa na-ignore ang beauty ko? Bumaling si ate sakin na nakangiti.
"That's the headmistress of your future school, Grave. Meet HM Mystique."
Tiningnan ko ulit ang babaeng nasa harap ko na mariin pa ring nakatitig. I think she's in her mid 20's. Ang bata naman niyang maging headmistress. Ilang taon lang ang agwat niya sakin.
Nakakapagtaka lang at mariing titig ang binibigay niya sa akin. Ang alam ko naman na mga headmistress eh dapat nagpapakita ng malugod na pagtanggap. Pero siya eh, wala man lang ngiti o kahit anong Hi o Hello. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.
I don't like the way how she stood there and stare at me like I'm nothing sa harap pa ng ate ko. And seems like my sister is oblivious at that.
"Well, I'm Headmistress Mystique of this academy, hoping you'll be one of our students then," sabi niya pero mukha namang ayaw nia yung sinabi niya mismo sa tamlay ng pagkakasabi. Tsaka anong ibig niyang sabihin na hoping? So, hindi pa ako siguradong makapasok sa school na to? Is there some sort of entrance exam?
Magtatanong na sana ako pero biglang tumikhim si ate. Alam niya sigurong dire-diretso na naman akong magsalita lalo na at marami akong katanungan. I pressed my lips thinly at sinulyapan si ate Shiela na pinandilatan ako. Ugh! I mouthed "what?" and rolled my eyes in response pero pinapanood pala ako ng headmistress.
"I'm sorry for her attitude Mystique. She just got a little spoiled and has a bratty attitude. But I assure you, she's easy to handle... I hope so"
Binalingan ko si ate at pinukol ulit ng matalim na tingin. Dinig ko ang huling sinabi niya ah. Tumikhim naman si headmistress para agawin ang atensyon namin. Ngayon naman wagas na kung makangiti. Napakunot tuloy ako ng noo. Kanina lang ang cold niya, ngayon naman Bipolar ba to?
Naku ha. Baka mamaya, masama na naman ang pasok ko sa paaralan na to. Baka paaralan pala ng mental to o kaya eh mga baliw or mga taong mahirap ihandle like bullies or what not. Ayoko pa naman nang ma-expel. Baka kasi mas lalong magalit sa akin si ate Shiela at ipatapon na ako sa God knows where to. Isa pa, nangako na akong maging good girl kahit sa kumukontra ang isang bahagi ng utak ko. Sinasabi pang good girl my ass. utot mo, Grave.
"Well, tama lang ang pagdating niyo dahil ngayon ang huling araw ng pagsusulit para malaman kung makakapasa ba ang isang estudyante sa academia. Kabilang na siya sa last batch kung ganun."
Ah. Tama nga ako, may entrance exam pa sila. Maipapasa ko naman siguro yun dahil marami naman akong stocked knowledge.
"Salamat naman kung ganun. Akala ko hindi na kami makakaabot."
"Pero, is she qualified for this school? Alam mo namang may qualification pa kami dito Shiela, and you know what I'm talking about before siya mapasok sa gate na yan." sabi ng headmistress at sinulyapan ako. Ang istrikto naman pala ng paaralan na to. May qualification pa bago makapasok sa gate at entrance exam muna bago makapag-aral.
Napakagat labi naman si ate Shiela sa akin at sinenyasan akong tumalikod. Nagtaka man ako ay tumalikod pa rin. Makalipas ang ilang segundo ay pinaharap din ako.
"Very well then, you are qualified to enter the school's premises. You'll take the entrance exam and if luck is with you, you'll get to study here. Don't worry about anything, we handle all expenses here. Ang kailangan mo lang ay pumasok at mag-aral ng Mabuti," ani niya. "Say goodbye for now sa ate mo. You'll stay here unless you are permitted to go out".
What the?
Binalingan ko si ate na tumango at maluha-luhang nakatingin na sa akin. Lumapit siya at yinakap ako ng mahigpit.
"Tang-ina mo ate", yun na lang ang naiusal ko sa inis ko sa kanya. Tumawa na lang siya at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Pero pwede naman siguro akong tumakas.
"I just want the best for you, Grave. Huwag mo ding tatangkaing tumakas dahil hindi mangyayari yun. You promised to be a good girl. Kapag tumakas ka pa o kaya eh maexpel dito, wala na akong alam na paaralan." Nanlumo naman ako sa sinabi niya.
Fuck. If I only knew na mahihiwalay ako sa ate ko, my only family, dahil lang sa pagiging palaaway ko, di sana noon ko pa hininto. Kaya ko kayang magising ng hindi nasisira ang pintuan ng kwarto ko? Ang magising sa bunganga ni ate na nagsilbi ko nang alarm clock?
I don't think I can.
"Uwi na lang kaya tayo ate? Ayoko dito kasi may dorms. Promise, magpapakabait na ako", saad ko. I want to stay with ate kahit nag-aaway kami niyan o nagsasabunutan.
"Gaga ka. Huwag na. Dito lang din naman ang bagsak mo, napaaga lang dahil sa tigas ng ulo mo. Saka, you belong here. You'll find yourself here." Huh? Kumalas ako sa yakap niya at tinitigan siya. Pinagsasabi naman nito? Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sakin pabalik.
"Kung ano man ang naghihintay sayo sa paaralang yan, harapin mo Grave. You belong there and don't forget, that is your world. Sorry kung hindi ko masasabi sayo ang katotohanan but I know that you'll be able to find out", she smiled at me.
Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Ano namang katotohanan ang sinasabi niya? May hindi ba ako alam? Mahahanap ko ba ang katotohanang sinasabi niya? Ughh!!
"Pakabait ka na talaga, Grave ha. O kaya eh bawas bawasan na ang attitude." bilin niya kaya tumango na lang ako. Bumaling ako kay headmistress at sa dalawang guards na nakasuit habang nakayuko pa rin. Buti hindi sila napapagod yumuko.
"Shall we?" sabi ni headmistress at naglahad ng kamay. I stepped forward at ng malapit na akong makapasok sa gate, nilingon ko si ate na kumakaway sa akin.
Kinawayan ko na lang siya at pumasok na. Bago man maisara ng husto ng guards ang gate ay sinulyapan ko lit siya at may narinig akong bulong na sigurado kong galing sakanya. Weird man na narinig ko pa rin pero tinatak ko pa rin sa isip ko ang huling habilin niya bago ako pumasok.
"Don't ever wear any revealing clothes, Grave. Especially if you're infront of anyone. Don't trust easily as well. Not everything can be seen by a naked eye. This is for your safety. I love you"
Sumusunod lang ako kay headmistress habang nasa likod niya ako kasama ang dalawang guards na naka-black suit at buhat buhat ang mga bagahe ko. Tinitigan ko silang mabuti at diretso lang ang tingin nila. They're cold actually. Ni wala man lang silang kangiti-ngiti. Hindi tulad nung sa mga guards na nakikita ko previously na nakangiti pang bumabati sayo tuwing papasok at lalabas ka sa paaralan o sa isang establisyimento.
Bat ko nga ba kinukumpara? This school is very different and I can feel it. Sa gate pa lang at pakikitungo ng mga kasama ko ngayon, alam kong may malalaman akong may malaking parte sa pagkatao ko. Parang may misteryo na nakabalot at kailangan ko iyong malaman.
Diretso pa rin naming tinatahak ang daanan, at may sampung minuto na ata kaming naglalakad pero wala pa rin akong nakikitang paaralan. Naaasar na ako kasabay pa ng mas lalong pagbilis ng t***k ng puso ko. May it be nervousness, excitement.. Hindi ko mapangalanan.
Yumuko na lang ako habang patuloy pa ring naglalakad. Matagal pa kaya? Gustong-gusto ko nang magsalita at magreklamo pero hindi ako makaimik. Dagdagan mo pa ng mga kasama kong may initimidating na aura. Maya-maya pa ay tumigil na sila sa paglalakad kaya napatigil din ako.
"Finally, welcome to your new school, Academia de Magos"
Someone beamed in front of me at alam kong ang bipolar naming headmistress ang nagsalita. Unti-unti kong inangat ang tingin ko at napanganga na lang sa nasa harap ko.
Hindi ito dahil kay headmistress..
But because of the school....
Oh My god... Is this true?