Jaw dropping!!
Yan ang masasabi ko sa nasa harap ko. Is this even real? I blinked multiple times because who knows, this might be some sort of illusion. Pero hindi! I even pinched my cheeks and bite the insides of my mouth. It hurts you know.
"Is this real?" I asked to headmistress who's now beside me.
"Yep" sabi niya. "Now come, let's go to my office first and discuss some things."
Nagpaalam muna ang mga guards na kasama namin kanina para daw bumalik sa gate. Matapos nun ay sumunod na ako kay headmistress nung pumasok siya.
Napapanganga talaga ako sa nadadaanan ko. May mga dragon statue sa magkabilaan bago ka tuluyang makapasok sa ground entrance. Sumunod naman ay pathway made of, err~~ parang crystal pero may disenyo sa loob nun. Yun bang makinis sa panlabas ung texture niya pero may bagay na nakapaloob dun? Gets niyo? Basta ganun yun.
After nung pathway ay bubungad na saiyo ang isang golden statue ng isang babae at lalaki na magkahawak kamay. Pagkakita mo pa lang ay masasabi mo nang magkasintahan sila. They look good together dahil sa facial features palang nila. Ugh!~ Parang demigods.
May hawak na bow ang kaliwang kamay ng babae at nakasuot sa kanya ang lalagyanan na may kasamang pana. Ang lalaki naman ay may nakasuot na shield sa kanang siko at hawak din nito ay espada. I can say that they're warriors.
Tinitigan ko yung sa statue at napansin kong nakatatak sa mga sandata nila ang logo ng paaralang ito. Amazing!
"Hey, Grave!" napalingon ako dahil sa sigaw ni headmistres. Nakalayo na pala siya at di ko man lang namalayan yun dahil sa pagtitig ko sa statue. Dali-dali akong sumunod sa kanya. Mahirap nang maiwan, hindi ko pa naman alam kung saan ang opisina niya dahil bago pa lang ako dito.
Paling-linga pa rin ako sa bawat sulok at kinakabisado ang bawat nadadaaanan namin ni headmistress. I can't help to admire the surroundings. More on nature din ang paaralang ito. Marami kang makikitang bench na sa harap nito ay garden. May oval din sa bawat sulok pero mas kapansin-pansin ang malawak na open space sa gilid na maraming kulay lilang ovals.
Ano naman kaya ang mga yun? My curiousity suddenly attacks and at the same time, this looks surreal and magical.
Hindi ko namalayang napahinto kami sa tapat ng isang pintuan na may makintab na figurine ng isang fairy. Hinawakan ito ni headmistress at pinihit pakaliwa kaya bumukas ang pintuan.
Bumulaga sa akin ang malawak na opisina at napapalibutan ng mga paintings at may shelf din ng figurines at libro. I looked around memorizing every corner of their room including the sofa, mini table beside it at ang malaking mesa na may tambak na envelopes at papeles.
No doubt. Napakaganda ng opisina ng headmistress na to.
"Please take your sit, Grave Castillo. Be comfortable."
Tumango na lang ako sa sinabi niya at umupo. Sumunod din siyang umupo sa mesa niya at mariing tumitig sa akin.
"So, what can you say about this school?"
"Magical. I-it feels surreal, I'm actually out of words how to describe this you know." I honestly answered. Tumango lang siya sa sagot ko na kinairap ko mentally. Yun lang sagot niya eh.
"So, as what I mentioned a while ago, kailangan mo munang ipasa ang pagsusulit na ibibigay namin bago ka makapag-aral ng lubusan sa academia. Hindi naman mahirap yun, basta gusto mo talagang mag-aral dito. Ang tanong, gusto mo ba?"
Like dugh! Tinatanong pa ba yan? Of course. Ngayon lang ako nakaramdam ng excitement kaya sunod sunod akong napatango. "Gagalingan ko sa pagsusulit."
"Alright. That's settled then! Buena suerte en tu examen" aniya at pinalabas na ako sa opisina niya. Tinitigan ko ang pinto. Anong sabi niya? Buena... Hindi ba Bueno yun para okay? Tsaka, anong gagawin ko? Hindi ko naman alam kung saan magaganap ang pagsusulit. Kainis naman si HM.
Kakatukin ko sana ulit pero saktong bumukas ang pinto. May binulong si headmistress tsaka ko naramdaman na kusang naglakad ang paa ko patungo kung saan.
What the?! Ano ginawa niya? Kumaway pa siya sa akin at malakas na sinara ang pinto.
I tried to control my feet to stop them from moving but seems like they have their own mind. Gulong gulo na ako. Nababaliw na ba ako?
Saka ko lang napansin na tumigil na ang paa ko at nasa gitna ako ng quadrangle. Hindi ko to nakita kanina dahil puro ovals lang ang meron.
"Oy sis, pumila ka na." Napalingon ako sa sumundot sa akin. Anghel. Yun ang unang pumasok sa isip ko dahil sa ganda niya. Nakaka insecure naman. Unat na unat yung buhok niya tapos bumagay ang nubian shaped na ilong niya. She has this deep set of blue eyes. Amazing!
Sinundot niya ulit ako sa tagiliran at nginisian. "Ano na sis? Mahaba naman na siguro yung isang minuto na pagkatulala mo sa akin."
I rolled my eyes at her ng makabawi. Mahangin siya ah. Linibot ko ang tingin at pansin ang mga estudyante na nakapila. Pumila na din ako sa likod nitong babaeng to dahil siya pala yung huling nasa linya. Pinanoood ko ang mga nasa unahan.
Bat sila pinapatalikod?
Irita kong sinulyapan ang sumundot na naman sa tagiliran ko. Bakit ba ang hilig nito? "We need to go through the inspection process first before we do the examination. That's what they are doing right now." saka tinuro yung mga nasa unahan.
Inspection?
"Bakit kailangan pa?" She frowned at me. "Of course, for our safety and security," sabi niya as if stating the obvious. Makapagsalita siya parang manganganib ang paaralan kung sino sino na lang ang makakapasok. Napatango na lang ako sa sinagot niya.
Si sundutera na ang sumunod makaraan ang ilang sandali. Mabilis siyang nagtungo dun sa maliit na stage kaya hindi ko na makita at marinig kung anong ginawa niya. Nakita ko na lang siyang pinapasok sa isang silid kaya lumapit na ako sa stage.
"Anong pangalan at sino ang sumundo sayo sa portón?" tanong ng babae habang nakayuko siya at may sinusulat sa papel.
"My name is Grave Castillo..." hindi ko pa naitutuloy ang sasabihin ko nang matiim akong tiningnan ng babae. "Miss, if you are interested to enroll, state the truth."
Naintimidate naman ako sa kanya. She said those words in a calm manner but her voice made me quivered. I just sighed and found myself telling my real name for the first time.
"My name is Grave Locket Medallion el Castillo and... ano yung portón?" Hindi ko alam kung ano meaning nun eh.
"Medallion el Castillo?.." I heard her mumbled kaya hindi ko narinig. Tumikhim pa siya at sinabing gate pala ang ibig sabihin ng portón. Ano namang salita kasi yun?
Sinabi kong si headmistress Mystique ang sumundo sa akin kaya mas lalo niya akong tinitigan. May problema ba? Parang kanina pa siya naguguluhan sa akin.
Ilan pang segundo ang lumipas bago siya nakahuma at hiningi ang kaliwang kamay ko. Naguguluhan man pero hindi ko napaghandaan ang mabilis niyang paglabas ng maliit na kutsilyo at sinugatan ang middle finger ko.
Napaigik ako at bawiin sana pero mas hinigpitan niya ang paghawak sa daliri ko at pinantatak ang lumabas na dugo sa papel.
Binitawan naman niya pagkatapos. I hissed and glared at her. Hindi man lang ako sinabihan para nakapaghanda man lang ako. Its okay for me if it's a short notice, basta may paalam.
Tiningnan ko ulit ang middle finger ko na may maliit na sugat at hindi napansin ang saglit na pagkislot ng labi nung babae.
"You can enter the door to start your exam na, señorita." at isinenyas ang pinto na pinasukan kanina nung sundutera. Nakasimangot ko siyang sinulyapan at nagmartsang pumasok sa pintuan. Inaasahan kong silid na puno ng upuan at estudyanteng nagsusulat ang madadatnan ko, pero ano ito?
--
Vote and comment ♥