Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang isang talon. Teka, mali ata ako nang napasukan. Lumingon ako sa pintong pinanggalingan ko pero wala na yung pinto. Ay shuta. Na engkanto ba ako o tuluyan ng nabaliw?
Lumingon lingon ako sa paligid at nakita kong nakalinya ang ibang mga estudyante sa gilid mismo ng talon. Nakita ko pang kinakawayan ako nung sundutera kanina kaya matulin akong lumapit.
"Andiyan na pala ang hinihintay natin," saad ng nasa harap namin na batid kong isang guro. "Bueno, bago natin simulan ang pagsusulit, gusto kong sabihin na wede niyong gamitin lahat ng alam niyo para lang makapasa pero bawal niyong gamitin ito laban sa isa't isa. No cheating as well, dahil malalaman rin namin iyon. Take note that me and other admins will watch all of your moves and no one is an exception to that, understood?"
Tumango naman agad kami. Nakakaintimida siya lalo na ang paraan ng pananalita niya. "Any questions before we proceed to your exam?"
Nagtaas naman ako ng kamay at binigyan ako ng permiso para magsalita. Nakalimutan ata niya ang isang bagay na sabihin. "May I know what kind of exam are we going to take, madame?"
Napangiti siya sa tanong ako at sinabing hanapin daw namin ang gagamitin naming form para officially enrolled na sa academia. Sinabi niyang isa itong enrollment form at isang lapis na may seal ng academia. Yun lang ang ibinigay niya na impormasyon. Nagtanong naman yung kasama namin kung saan makikita pero kami na daw bahala basta pumasok kami sa pintong pinapagitnaan ng bato. Shuta! Ano na naman kaya ang madadatnan namin dun?
Hanggang ngayon nga eh palaisipan pa rin sa akin kung paano kami nadala ng pinto dito sa talon. Pero mamaya na ako mag-isip ng kung ano ano. Kailangan kong magfocus sa exam at ito na ang huling pag-asa ko. Magiging good girl pa ako. Psh! Gross.
"Handa na ba kayong lahat?." Naghanda naman kami at kanya kanyang posisyon para mabilis kaming makapasok. Tatlong oras pa man din ang binigay na palugit sa amin para gawin ang aktibidad.
Sinigurado kong mahigpit ang pagkakasintas ng sapatos ko para hindi ako madapa, nagpony tail na din ako para walang haharang harang na buhok at linislis ang manggas ng suot kong t-shirt. I bend forward and touched my knee.
I heard a chuckle beside me and saw the annoying girl grinning. "Ang seryoso mo naman, sis. I'm Millen by the way, hindi ko pa nasasabi ang name ko pero ang daldal ko na."
She sighed when I didn't bother to tell her my name. "Sabagay, kailangan nating pumasa sa exam na ito." she said and copied my position. "I have a bad hunch about this exam. Pakiramdam ko hindi madali ito. Baka may makakalaban pa tayo bago makuha ang kailangan natin."
I silently agreed to her. Kung ako lang din ang magpapa-exam ng ganito, siguradong papahirapan ko din ang mga estudyante ko. Lalo na at ang ganda ng paaralan tapos wala pang gagastusin. Dapat nga namang worth it ang lahat ng makapasok.
Kinuha ng guro ang aming atensyon at ngumisi. Sabi na nga ba at may hindi magiging madali ito. Ngisi pa lang niya. "Go! Buena suerte para ti" sigaw niya sinyales na pwede na kaming magsimula.
Magkasabay kaming tumakbo ni Millen at nag ngisian pero dahil nakatingin pa rin siya sa akin, hindi niya nakita ang isang bato kaya nadapa siya at nagpagulong-gulong. Oops. Tinawanan ko siya at ako ang naunang magbukas ng pinto.
Tangina talaga!
----
A/N: Sorry for the lame and short UD, mga ka nirvanians. Babawi na lang sa susunod. Paduduguin ko pa utak ko. Charet! ?