Rolyn POV NAGISING akong para bang may bubuyog na nagbubulungan sa aking gilid. Di ko muna idinilat ang aking mga mata, dahil ang hirap, idilat ng mga ito. Kaya nag antay pa ako ng ilang segundo, bago ko muling idilat ang aking mga mata ay tsaka pa lang ito naibuka. Agad kong iginala ang aking mga mata sa paligid. Akala ko namamalik-mata lang ako na nasa ospital ako. Pero hindi pala. "Mom, you're awake." masayang sabi ng aking anak. Ano ang ginagawa ko sa ospital na ito? Ang naalala ko ay nasa byahe ka----wait na aksidente pala kami. At sa tingin ko ay ayos lang ang anak ko. "Tita Ninang, Mom is awake." sigaw ng aking anak. Agad na nasilapitan ang aking mga kaibigan. Lalo na ang aking ina na lumuluha. "I'll call a Doktor." sabi ni Nickie. Kaya ang naiwan ay si Glaiza at Eva. "How's y

