Eva POV NANG ARAW ding iyon ay nakarating si Glaiza, galing Hongkong, kahit na alam kong busy ang babaeng iyon, pag si Rolyn ang pinag uusapan ay ura-urada agad iyon. Tapos ng maoperahan si Rolyn and her operation is successful, natanggal na ang mga bobog na nasa mga mata nito. Sa lakas ng impak ng pagkakabangga nila siya ang labis na napuruhan. Kinausap na din namin ang doktor tungkol sa paglipat ni Rolyn at Laurence at we need to wait until tomorrow, dahil daw di pa masyadong stable ang kalagayan nito ay maselan pa. Baka daw magkaproblema. Nandito kami ngayon sa labas ng ICU, dito nilagay si Rolyn para mamonitor ang kalagayan nito, may takip ang dalawa nitong mga mata, mabuti na lang at di tinamaan ang cornea nito. Palaging umiiyak ang ina nito. Di naman maawat, lagi nitong sinisisi

