Rolyn POV INIISIP ko palagi ang mga nangyari sa akin 5 years ago. Sobrang masalimoot ang nangyari sa akin. Kung wala siguro ang anak ko, baka bumitaw na ako ng tuluyan. Baka nabaliw na ako at di kinaya ang sitwasyon. "Iniisip mo na naman ang mga nangyari?" tanong sa akin ni Dave. Di ko talaga mapigilan ang bumalik sa nakaraan, lalo na't sobrang sakit ang naramdaman ko noon. "Di iyon maiwasan Dave. Kaakibat na yata iyon ng buhay ko. Buong buhay ko na iyong dadalhin. Buong buhay ko na din mararamdaman ang guilt at sakit ng pagkawala ng dalawang taong mahalaga sa akin." sabi ko sa kanya. "Wag mong masyadong sisisihin ang sarili mo, Aya. Hindi mo kasalanan ang lahat." nilingon ko siya. Naninigarilyo na naman ito. Binibuga nito ang usok papunta sa kawalan. "Hindi maiiwasan, Dave." sabi ko.

