Rolyn POV KUMUNOT ang noo ko ng may sumisilip sa labas, lalapitan ko na sana ng lapitan ito ni Dave. "Come, Athena." tawag nito sa bata. Mas lalong kumunot ang noo ko ng para bang may nararamdaman akong kakaiba sa batang ito. Di ko maiwasan ang mapaluha. Kamukhang-kamukha kasi ito ni Rose. Para talaga silang pinagbiyak na bunga ng nawawala kong anak. Pero impossible. Alam kong di ito di Rose. Nangungulila lang siguro ako sa kanya. "May anak ka na pala?" tanong ko kay Dave. "Where is her mother, Can I meet her?" ngiti ko dito. Kahit alam kong pilit ang ngiti na iyon. "Wala akong asawa, hindi ko anak ang batang ito, I just found her sa syudad na umiiyak, kaya sinama ko na." napatingin ulit ako sa bata. May naramdaman talaga akong kakaiba sa bata, di ko mapigilan ang aking sarili na lap

