Isang umaga nakaramdam ako ng pagsusuka kaya mabilis akong bumangon para sumuka sa labas ng bahay. Tinakpan ko ang bibig para pigilan ito sa paglabas. Napansin ko rin sa aking tabi na wala na si Martin. Mabilis na akong lumabas at sumuka na sa labasan. May luha sa mga mata ko nang maramdaman ko ang labis na pagsusuka. Lahat ng kinain ko ka gabi ay na labas ko ito. Hinilot ko ang ulo nang makaramdam ako ng pagkahilo nang matapos. Napahawak ako sa maliit na puno na katabi lang ng bahay namin para manguha ng lakas. Para akong matutumba. "Grace!" Umangat ang tingin ko sa unahan nang marinig ko ang boses ni Martin, tinatawag ako. Napangiti ako nang makita kong may bitbit itong mangga. May itak sa kanyang baywang nakasabit. Nakasuot siya ng botas at isang itim na t-shirt. Nagmadali siyang lu

