Unang araw namin rito sa kubo. Hindi man kagaya ng buhay ko doon sa hacienda na nakahiga ako sa magandang tulugan, makakain ng masarap, may maid na nag-aasikaso sa akin, may kotse,may magagarang damit. Kahit wala na iyong lahat sa akin. It's fine with me. Masaya at kuntento na ako sa ano'ng sitwasyon namin ngayon lalo na't ramdam ko na hindi talaga ako hinahayaan ni Martin na magutom. Kahit kamote ang kinakain namin basta may laman ang tiyan ko. Para sa akin okay na 'yon. Kahit matigas ang papag at tanging manipis na kumot ang nagsisilbing higaan namin para hindi kami malamigan. Para sa akin sapat na iyon para makaramdam ako ng pamumuhay bilang simpleng babae. Hangga't kasama ko ang lalaking nagpapalakas sa akin. I am ready to face every struggles. Hindi na ako nangangarap na maibali

