Chapter 59: Asawa

3604 Words

"LUCAS MARTIN!" bulalas ng isang ginang nang makita kaming dalawa sa labas ng kanilang bahay na gawa sa semento. Nagwawalis siya ng mga dahon sa bakuran. Natigil nang tinawag siya ni Martin sa labas ng kanilang bahay. Laking gulat nga nito kaya na pa sigaw ito sa buong pangalan ni Martin. "Ante Lucia... Magandang hapon po!" magalang na bati ni Martin saka niya ako dinala patungo sa babaeng may ipit sa buhok. Naka daster at medyo hindi katabaan. Magkahawak kamay kami ni Martin nang nasa harapan niya kami. Nagmano ang kasama ko sa kanya pati na rin ako. "Aba? Sino itong kasama mo? Ang bata-bata pa nito. Kapatid mo ba?" tanong noong Lucia na ikapula ng aking pisnge. "Magandang hapon po," magalang kong bati. Hindi alam ang sasabihin sa tanong nito. Ako kapatid ni Martin? Ganoon na ba tal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD