Madaling araw na natulog sina Terrence at Uela. They almost spend time talking to each other. Pati mga walang kwenta ay napag-usapan din nila. Nagpalitan sila ng mga opinyon, ideya at mga suhestyon tungkol sa mga bagay-bagay. Minsan ay nagkakasundo sila sa ilang mga topic na pinag-usapan nila. Minsan naman ay sumasalungat din at may kanya-kanyang stand. Pinapaliwanag ang kani-kanilang mga punto at paniniwala nila. Marami silang na-discover sa isat-isa. Halos may mga bagay na may pagkakapareho rin sila. Mga hilig na gusto nila pareho kahit weird pero magkasundo sila. Umabot na rin sa personalan ang tanungan nila. Napagkasunduan nilang dalawa na magse-share at magkukuwento tungkol sa mga personal nilang buhay. Naging open at honest sila sa isat-isa. At maganda naman ang naging flow. Ang

