CHAPTER 1
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. All names, characters, events, and places are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or real events is purely coincidental.
The story may contain mature themes such as romance, passion, and emotional conflicts. Reader discretion is advised.
Lucien Vendetta
"Get married? No, I won't get married!"malakas kong sigaw na umalingawngaw sa buong buhay.
"Ayokong mag pakasal sa taong hindi ko namn mahal."
"Hindi ka na ba nakikinig sa akin? I'm your father!" Sabay batok sa kanyang anak. Namumula ang kanyang mga mata, puno ng galit at awtoridad.
"Because you're my father, I don't want to listen to you," Lucien stood up and spoke loudly to his so-called father, habang magkatitigan ang mag-ama na nakakuyom ang mukha at puno ng galit ang katawan.
________
"You are a thief's son! Sino ang nagturo sa'yo na sumagot nang ganyan? Wala akong pakialam kung anong gusto mo. Sa isang linggo, ikakasal ka kay Valen. That's final!"
Halos manginig siya sa galit.
Napangisi ako. "Gusto mo talagang pakasalan ko ang batang 'yon? Fine, Dad. I'll do it-pero hindi para sa'yo." Tumalikod ako at naglakad palayo, dala ang bigat ng emosyon.
"I don't know who you are anymore., Lucien Kane..." mahinang bulong ni Mr. Vendetta habang bumagsak siya sa sofa, bigat ng mundo ang dala-dala.
_____
"Hello, baby. Wait for me, pupunta ako sa condo mo," bulong ko habang papasok sa kotse. Para bang siya lang ang gusto kong kausapin sa sandaling ito.
Pagdating ko sa building, agad akong bumaba. Naiwang nakatingin si Dad mula sa loob ng bahay, napailing, halatang disappointed pero wala nang nagawa.
_____
"Lucien, andito ka na?"
Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin si Sunny, nakasuot ng pulang dress na masyadong daring. Agad ko siyang niyakap, hinalikan ng mariin, para bang gusto kong burahin lahat ng sakit ng araw na 'to sa pamamagitan niya.
"Lucien, baka may makakita sa'yo," biro niya sabay tulak sa akin papasok at isinara ang pinto.
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang ganda niya-maputi, balingkinitan, at yung pulang damit halos hindi na maitago ang kurba ng katawan niya.
"God, Sunny..." bulong ko, at muli kong sinakop ang kanyang labi.
___
Hindi ko na hinintay pa. Sa bawat halik, ramdam ko ang init at pagnanasa. Hinila ko siya palapit, at sa bawat pagdikit ng katawan namin, para bang nagiging isa kami.
Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakahawak sa batok ko, at ako nama'y hindi mapigilang hanapin ang init ng kanyang yakap. Sa bawat paghinga niya, lalo akong nalulunod.
Dinala ko siya sa kama, at doon, sa pagitan ng mga halik at bulong, nakalimutan naming dalawa ang buong mundo. Ang oras tumigil, at tanging kami lang ang natira.
_____
Pagkatapos ng lahat, nakahiga kami, siya'y nakapulupot sa akin, hinihimas ang dibdib ko habang nakapikit. Tahimik... hanggang sa bumulong ako:
"Next week... ikakasal na ako."
Bigla siyang natigilan. Kumalas siya at tinitigan ako, halatang gulat at galit.
"What?! Niloloko mo ba ako, Lucien?"
Tumingin ako nang diretso sa kanya. "No. It's true. Ikakasal ako kay Valen Seraphiel Castellano."
"Lucien, seryoso ka? After all this time? Tayo?!" nanginginig ang boses niya.
Hinawakan ko ang kamay niya, pinisil. "Mahal, huwag kang matakot. Ikakasal lang ako dahil sa gusto ni Dad, hindi dahil sa love. Kahit may kasal, ikaw pa rin ang mahal ko. Promise, kapag tumigil na si Papa, I'll divorce him. Ikaw ang gagawin kong legal wife."
Tinitigan niya ako, puno ng duda at sakit. "Are you sure? Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita."
Ngumiti ako at hinalikan ang kanyang noo. "Of course. Ikaw lang, Sunny. Always."
_____
Samantala sa bahay ng Pamilyang Castellano
"Valen, tungkol sa kasal... ano ang masasabi mo?" seryosong tanong ni Mr. Castellano sa kanyang pamangkin habang nakaupo sa harap nito.
"Paano si Kuya Cien, ano sa tingin mo Tito?" Bawat malambing na boses, parang bulong, ay nagmumula sa bibig ng isang batang lalaki na tuyong nakangiti sa matandang nakaupo at nakikipag-usap sa kanya.
"Lucien, pumayag na syang magpakasal sayo, kaya ako pumunta dito para kausapin ka. Pumayag ka ba o hindi? Ayoko nang pahabain pa ang oras. Tumatanda na ako, at gusto ko ring tuparin ang aking salita at tuparin ang pangako sa pagitan mo at ng iyong pamilya bago sila... Hmm."
"Sa sandaling iyon ng kanyang pagsasalita, bumagsak ang mukha ni Mr. Castellano. Napabuntong-hininga siya nang makita si Valen-nakadikit ang mga kamay, nakayuko ang ulo, at parang pinipigil ang sarili sa bawat salita. Ang bigat ng katahimikan sa paligid ay halos masusuklian ng kanyang sama ng loob."
"I promised them that I will take care of you. You're alone like this. I'm very worried, afraid that something bad happen like that time again." Inabot ni Mr. Castellano ang kamay ni Valen, marahan itong hinaplos para bigyan siya ng lakas... Naiintindihan niya ngayon ang nararamdaman ni Valen..
Mabigat ang katahimikan, hanggang sa marinig ang mahinang boses ni Valen.
"Kung ito ang gusto nina Mom at Dad... pumapayag akong magpakasal."