Jelaica's point of view... ************ Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ni Sir Zyller ay agad na rin akong nagpunta sa kwarto ko. No'ng makapasok na ako ng tuluyan sa loob ay napabuntong-hinga na lamang ako at naisip na... "Sana ay hindi ko na lang siya dinalhan ng pagkain, tsk." Napakamot na lang ako sa ulo ko at napaupo ma rin sa malambot kong kama. Gusto ko pa sanang hanapin si Sir Vlad, kaso nahihiya pa rin ako sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko 'yung itsura niya no'ng makita niya ako at marinig ang mga pinag-usapan namin kanina tungkol sa problema ng kapatid niya. "Siguro tsaka ko na lang siya kakausapin," tanging nasabi ko sa aking isip. Napabuntong-hinga ulit ako bago tuluyang humiga sa kama ko. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko, pero agad

