Vlad's point of view... ************ "I'm choosing you." Nagpanting ang mga tenga ko sa sinabing iyon ni Zayne. Halos mangunot ang noo ko no'ng makaramdam ako ng panghihina habang nakatitig ako ngayon sa kapatid ko. Ayoko nang mag-isip pa ng kung anu-ano tungkol sa kapatid ko at kay Jelai, kaya naman minabuti ko na lamang ang umalis. Ngunit bago pa ako tuluyang makaalis ay napansin na ako ni Jelai. Nagbaling ito ng tingin sa akin, dahilan para makita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. Gusto niyang tumayo sa kinauupuan niya ngunit hindi niya magawa dahil alam niyang nakatuon sa kanya ang atensiyon ni Zayne. Napatungo na lamang ako at tuluyan na lamang naglaho para umalis. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa naging desisyon ng

