Jelaica's point of view... ************ "Jelaica, hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko, ano ba talagang nangyari ha?" tanong sa akin ni Ma'am Daisy. Kaya naman nabaling nanaman ang tingin ko sa kanya, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nagsimulang mangyari iyon dahil sa halik ng isang multo. "Ah, pasensiya na po, n-napagod lang p-po siguro ako," sagot ko na lang, pagkatapos no'n ay iniiwas ko na ang tingin ko sa kanya dahil baka mahalata niyang nagsisinungaling lang ako. "Gano'n ba? Masyado ka bang nahihirapan? Kaya mo pa ba ang maging P.A ni Zyller ha?" sunod-sunod na tanong niya sa akin kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. Ramdam ko ang pag-aalala niya pero umiling lang ako. "Hindi po, a-ayos lang naman po ako rito sa trabaho ko, isa pa po ay kailangan ko rin po tala

