Vlad's point of view... ************ "Aahhh! Ang sakit!" Kaagad na nangunot ang noo ko sa hiyaw na iyon ni Jelai, no'ng sandaling magkahiwalay na ang aming mga labi. Nasapo niya ang ulo niya at kitang-kita ko na ngayon sa mukha niya ang pamimilipit sa sakit na nararamdaman niya mula sa kanyang ulo. "Jelai? What's happening?!" nag-aalalang tanong ko rito dahil napaupo na ito sa sahig. Sapo niya pa rin ang ulo niya at dumadaing pa rin sa sakit. Agad ko na siyang dinaluhan at niyakap, pero patuloy pa rin ito sa paghiyaw at pagdaing sa masakit sa kanya. Hindi ko alam kung paano nangyaring nahahawakan ko siya, basta ang alam ko lang ay nakakaramdam ako ngayon ng kirot sa aking dibdib dahil wala man lang akong magawa para maibsan ang sakit na nadarama niya. "Jelai, please," nausal ko habang

