Emerald's point of view... *********** "Nay, nagtext po si Jelai, pinapasabi niya na natanggal na raw po siya sa trabaho niya bilang maid," sabi ko kay nanay na kasalukuyang naghahanda na ng pagkain panghapunan. "Gano'n ba? Uuwi na ba siya?" masayang tanong ni Nanay, no'ng balingan ako nito ng tingin. "Hindi pa ho, Nay, nakahanap daw siya ng bagong trabaho eh at huwag na raw po kayong mag-alala sa kanya dahil okay lang daw po siya," sagot ko naman kay Nanay. "Hay, kung buhay pa sana ang tatay niyo hindi ito mangyayari." Bigla naman nanlumo si Nanay at napaupo na lang sa tabi ko. "Nay, huwag niyo na pong isipin 'yan, ang mahalaga po ay nandito pa rin po kayo para sa amin ni Jelai." Pangcocomfort ko kay Nanay sabay yakap sa kanya ng mahigpit. ************ Jelaica's point of view.

