Jelaica's point of view... ************ Gulat at pagkamangha ang rumehistro sa mukha ng bestfriend ko no'ng malaman niyang magtatrabaho ako bilang personal assistant ni Prince Zyller, ang artistang iniidolo at kinalolokohan niya. "Huy! Okay ka lang ba? Huminga ka naman bessy, ayaw kong ako pa ang maging dahilan ng pagkatigok mo 'no," sabi ko, dahil tulala lang ito sa akin habang sapo niya ang dibdib niya. Napangiti na lang ako ng mapait dahil nagawa ko pa talagang biruin siya tsk. Ilang saglit lang ay kumurap-kurap ito na parang nagbalik na sa wisyu at nagsabing, "Ikaw naman kasi bessy! Naglilihim ka na nga sa'kin, tapos ngayon malalaman ko pa na magtatrabaho ka sa kanya? OMG!!!" halos pasigaw na sabi nito at diniinan pa talaga ang salitang 'sa kanya'. "Bessy, pasensya na talaga ha,

