Chapter 1: Shayne's POV

3162 Words
    Chapter 1   “Shayne!” Pagtungtong ko pa lang sa pintuan ng Coffee Shop na pinagtatrabahuhan ko ay bati na ‘yon sa ‘kin ng kasamahan ko na si Ae. “Iba ang sigla mo ngayon,” nginitian ko siya nang makarating ako sa counter kung saan siya nakapuwesto. “Napakaraming trabaho! Sunod-sunod iyong may mga private business sa V.I.P natin. Mas okay na ‘ko rito sa baba kesa doon sa taas. Ngayon na narito ka na, kayang-kaya mo na ‘yan!” ngiting-ngiti talaga siya. “Saka baka doon mo na mahanap ang Alpha ng buhay mo.” Kindat pa niya. Unti-unting nawala ang ngiti ko. Kahit kailan hindi ko gusto ang isang Alpha. “Magpapalit na ‘ko,” pilit ko siyang nginitian uli. “Okay. May V.I.P schedule tayo ngayon, ha?” Tatlong palapag ang ‘Cookie and Coffee’—naalala ko na ipinangalan ‘yon sa paboritong kainin ng anak ni Mr. Evanchez na hindi rin namin kilala. Twenty-nine siya at wala namang sariling pamilya. Siguro hiwalay sa asawa o hindi napangasawa ang ina ng anak niya. Sa unang palapag, ito iyong pangkaraniwang lugar kung saan puwede silang pumunta sa kahit na anong oras nila gusto dahil 24/7 naman. Dahil malapit sa kilalang unibersidad kaya pasukin ng mga estudyante. Sa ikalawang palapag, isang magandang venue naman ‘yon na madalas inookupa para sa mga parties. Sa kalahating bahagi no’n naroon naman ang office ng may-ari, clinic, at ilang kuwarto. Sa ikatlong palapag, tinatawag naman ‘yong V.I.P., dahil lugar ‘yon madalas ng mga nagdadaos ng mga meeting at seminar. Kadalasan, tumatagal ng ilang araw ang mga ‘yon kaya naman may ilan sa ‘min na paikot-ikot sa lugar para asistahin ang pangangailangan nila bukod sa serbisyong kinuha nila sa ‘min. NC II-Barista lang ang ginamit ko para makapasok sa Cookie and Coffee, salamat talaga at may mga libreng paaral no’n sa barangay na sumasakop sa tahanan naming mag-ina. Iyon man ang kinuha ko, all-around din naman ang trabaho ko. Nang makabihis na ‘ko ng uniporme namin, isinunod kong puntahan si Boss. Sa elevator na ‘ko sumakay para mapabilis din. Sa ikalawang pintuan naro’n ang opisina niya na kaagad ko namang kinatok ng tatlong beses. Bilin niya sa ‘min, tatlong beses kaming kakatok bago kami pumasok ng kusa. Hindi na raw namin kailangan hintayin na papasukin niya kami mismo. “Maayos ka na?” nakangiting bungad niya. Isa siyang Beta kaya naman hindi ako nahirapang aminin sa kanya ang sitwasyon ko. Isa pa, mabilis ko siyang pinagkatiwalaan. Tinanggap niya rin ‘ko sa kabila ng puwedeng maging komplikasyon ng pagiging Rare Dominant Omega ko. Lalaki lang na Omega ang may tinatawag na ‘Dominant Omega’ o ‘Recessive Omega’. Ang Dominant Omega na ‘tulad ko ay may malaking tiyansa na magbuntis t’wing heat, o hindi naging maingat ang aming kaisang Alpha. Recessive Omega naman kung may tiyansang mabuntis, pero may tiyansa rin na hindi. Pero Dominant o Recessive man, hindi kami mabubuntis ng isang Beta. Alpha lang ang may kakayahang makapunla sa ‘min. Pero ang babaeng Omega ay may malaking tiyansa na makabuo sa isang lalaking Beta. Iilan lang din ang ‘tulad kong Male Dominant Omega, kaya mas tinatawag kaming Rare Omega. “P-pasensiya na boss, hindi ko alam bakit napaaga siya ngayon ng tatlong araw.” Tungong-tungo ako dahil sa takot na magalit na siya sa pagkakataon na ‘to, “Alam ko na may mga pagkukulang na ‘ko dahil sa kalagayan ko na ‘to, pero wala talaga ‘kong ibang trabaho na—“ Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Nag-angat ako nang tingin para tingnan siya. Magkasalikop ang mga palad niya sa babasagin niyang mesa habang nakatingin sa ‘kin. Maraming nagkakamali na isa siyang Alpha, lalo ang mga kapwa niya Beta, sa t’wing titingnan kasi ito ay may awra ito ng pagiging isang Alpha—malakas ang dating, confident, at intimidating. Guwapo ito at mas pinalakas pa ng kayumangging kulay ang dating nito. Mataas din ‘tong lalaki. May dalawa ‘tong nunal na magkasunod sa ibabaw ng kanan na kilay, clean-cut, at kulay tsokolate ang buhok. Pero una ko pa lang siyang makita, alam ko na hindi siya isang Alpha. Iyong lakas daw ng pakiramdam ko ay mga Dominant Omega lang na ‘tulad ko ang mayroon. “Dalawang linggo kang papasok, dalawang linggo kang mawawala. Iyon ang usapan natin hindi ba? Kailangan mong proteksiyonan ang sarili mo kapag nasa heat ka. Dominant Omega ka, halatang-halata naman na nararamdaman ‘yon ng mga Alpha sa paligid mo. Ano pa kung maamoy nila ang pheromones mo sa panahon ng heat?” Tumayo siya at naglakad patungo sa ‘kin. Kaagad akong nanliit sa matipunong pangangatawan niya at taas. “Walong oras ang trabaho ng normal employee. Ikaw, labing-limang oras kang narito. Napupunan mo naman ‘yong mga pagkukulang mo ng dalawang linggo. Pero sabi ko nga, puwede mo namang bawasan, mahirap na kung ikaw naman ang magkakasakit.” Hinawakan niya ang ulo ko na ikinabigla ko pa rin kahit madalas niyang gawin. “Kapag may kaunti ka ng nararamdaman, sabihin mo na kaagad sa ‘kin. Sa mga kasamahan mo rito, safe ka, lahat kami rito ay Beta. Wala kaming kakayahan na maamoy ang Pheromones mo. Pero sa ‘tulad mong Dominant Omega, mabilis kang kababaliwan ng mga Alpha. Kahit paano ang mga Dominant Alpha ay nakapagpipigil pa. Pero depende pa rin ‘yon sa ilalabas mong Pheromones.” Nakagat ko ang ibabang labi para pigilin ang luha na nagbabadya na sa mga mata ko. “Pasensiya na, nagiging sakit mo pa ‘ko ng ulo.” Hindi ko mapigil isatinig ‘yon, ang sama-sama ng loob ko sa ‘king sarili. Ginulo niya ang aking buhok. “Shayne, sa loob ng anim na buwan mo rito puro ka na lang hingi ng tawad. Hindi mo kasalanan na hindi ka tinatablan ng gamot para makontrol ang heat mo. Ayos lang sa ‘kin na umalis ka ng biglaan, hindi mo rin kailangan isipin ang sinasabi ng kasamahan mo, kaya nga pinalabas kong pinsan kita, hindi ba?” Kusa nang nagbagsakan ang mga luha ko. Siya pa lang bukod kay mama ang nakaintindi sa ‘kin at pinagkatiwalaan kong pagsabihan ng sikreto. Dahil sa desperasyon at pag-asa na magiging mas maayos ang buhay ko kung napaliligiran ako ng mga Beta, pinilit kong kausapin siya ng final interview. Ang mga Beta, puwede ko silang kaibiganin at kausapin nang ‘di natatakot na bigla nila kong dadambahin dahil bigla akong naglabas ng Pheromones. “Mas gusto kong malaman na nasa bahay ka kesa nasa lansangan kapag mismong nasa heat ka na. Mas hindi ako mapapanatag no’n.” Nag-angat ako nang tingin sa kanya at nginitian ko siya habang pinapahid ko ang sariling mga luha. “Kailangan ko talaga ‘to, hindi na kaya ni mama magtrabaho.” Si mama, pinili niyang tumira sa bahagi ng lugar na walang kapitbahay, nabili niya lang ang lupa sa murang halaga dahil wala naman nga na magkakainteres gaano dahil malapit sa kakahuyan. Pero pinili niya ‘yon para ilayo ako sa posibilidad na mapagsamantalahan dahil sa aking heat. Nabuo ako no’ng fifteen years old lang si mama. Fifteen years old siya nang umalis sa ampunan, hindi niya alam na maaga siyang dadatnan ng kanyang heat. Isang lalaking pamilyadong Alpha ang nakita niya habang bumubugso ang kakaibang init sa kanyang katawan. Hindi rin nakapagpigil ang lalaking ‘yon at ako nga ang nabuo nila. Sinuportahan pa ‘ko ng Alpha na ‘yon hanggang labing-apat, pero sinabi ni mama na tumigil na ‘yong sumuporta sa ‘kin nang malaman na isa ‘kong Male Dominant Omega at hindi isang Alpha o Beta atleast. Simula labinglima, tumigil na ‘ko sa pag-aaral. Bukod kasi ro’n may natuklasan kami. Mabuti na lang at nasa bahay ako ng nasa heat ako. Nalaman kaagad namin na ‘di ako tinatablan ng suppressant o kahit na ano pang gamot sa merkado. Daig ko pang isinumpa para ‘di talaban ng gamot sa panahon na ‘yon. Isa na ‘yong senyales na kung mananatili ako malapit sa mga temptasyon, may posibilidad na makipag-niig lang ako sa kung sino-sinong lalaki, lalo na at apektado rin ako ng amoy ng isang Alpha. Ang masama ro’n baka mabuntis ako o mapagsamantalahan nang marami.  Damang-dama ko ang labis na pag-iinit, pagkasabik, halos masiraan ng ulo, at kagustuhan na magpaangkin ng paulit-ulit sa isang lalaki. Para bang kahit na sinong tumabi sa ‘kin, wala akong pakialam basta mapawi lang ang init na ‘yon. At wala akong magagawa kundi hayaan si mama na ikadena ako para ‘di ako lumabas at humanap ng papawi ng pag-iinit. Ngayon na nagkaro’n na siya ng sakit dahil sa pagtataguyod sa ‘kin mag-isa, kaya kahit labag sa loob niyang magtrabaho ako at makisalamuha sa iba ay hindi niya ‘ko napigilan. Pareho kaming mamamatay sa gutom. Wala rin siyang pamilya na tatakbuhan. May mga naipon naman siya kaya ginamit namin ‘yon sa nakalipas na isang buwan, at panahon kung saan kumuha ko ng NC sa pagiging Barista. Free naman siya. Sakto rin na ang mga nakasama ko ay kapwa ko Omega at Beta kaya naging madali sa ‘kin na tapusin ‘yon. Ang ibang kasama kong Recessive Omega lang ang nakapansin na nasa heat ako. Pero mabuti na nga lang at iyon pa iyong nararamdaman ko pa lang. Unang isang linggo. Iyong susunod na isang linggo ay iyon na iyong halos masiraan ako ng ulo at hindi na literal na gumagana ang isip ko. Kaya pinilit kong dalawang linggo ang ipahinga ko sa kada isang buwan, para sa ikatatahimik ni mama at safety ko na rin. Mahirap na kapag may Dominant Alpha sa paligid ko. Kahit pa hindi pa gano’n kalakas ang inilalabas kong Pheromones, damang-dama na raw ‘yon at langhap na langhap na ng mga ‘to. “Sa ginagalawan natin, walang kasalanan ang Alpha kapag ‘di mo pinag-ingatan ang sarili mo.” Nangiti ako ng mapait. “Kami pa rin ang masisisi sa huli.” “Puwede ka sa V.I.P ngayon?” pag-iiba niya. Tumango ako, “Yes, boss. Maayos na ‘ko, may Alpha ba sa V.I.P?” Tumango rin siya, “Angkan sila, sa iba’t ibang lugar pa sila galing. May mga oras na hindi nila gusto na may iba sa third floor kaya ibibigay ko sa ‘yo ang oras na puwede kang umakyat at ang ilan na makakasama mo. Limang araw lang naman sila. Sa kabila sila daraan kaya panatilihing malinis ang lugar. Kapag nasa conference room na sila puwede na kayong pumasok para ayusin ang silid, i-check ninyo rin ang comfort room ng bawat silid para masiguro ninyo na kumpleto pa ang mga kailangan nila. Kahapon, nailagay na no’ng iba ninyong kasama ang mga silid na hindi puwedeng pasukin. Ibig sabihin, sila ‘yong kusang magsasabi ng kailangan nila, at hindi gustong pasukin ang silid nila. Ikaw na ang ilalagay ko na lider ng team para naman hindi mo na kailangan kumilos nang husto sa mga lugar ng mga bisita.” “Kaya ko silang makasalamuha, boss. Tapos na ang heat ko. Titingnan ko na rin ngayon kung ilang silid ‘yong puwedeng pasukin at hindi, bago ‘ko bumaba.” Ang tinutukoy niya ay iyong pulang parisukat na sticker na dinidikit sa mga silid na ‘di puwedeng pasukin. Green naman ang silid na puwedeng pasukin. Ilang beses na rin naman na may mga gano’ng V.I.P. Nagpaalam na ‘ko nang matapos na siyang magbilin. Pero nang nasa pintuan na ‘ko ay tinawag niya ‘ko. “Shayne,” nakabalik na siya sa mesa niya. Nilingon ko siya, “Yes, boss?” “Karamihan sa kanila ay Dominant Alpha.” Kumalabog ang dibdib ko nang marinig ‘yon. Biglang bumigat ang paghinga ko. “Salamat po sa paalala,” nginitian ko siya sa paraan na ‘di niya mahahalata na pinanlamigan ako. Kaagad na ‘kong nagpaalam na lalabas. Alam ko na hindi ko naman dapat ikapangamba ‘to dahil tapos na ang heat ko. Pero iba pa rin ang dating kapag alam kong Dominant Alpha ang nasa paligid ko. Dominant Omega rin ako. Pero sabi nga ni Boss, may kontrol ang isang Dominant Alpha. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko at hindi ako palaging pinapaboran sa lugar na ‘to—unfair na ‘yon para sa iba kong mga kasama. Nag-elevator ako patungo sa third floor. Kaagad naman akong nakarating do’n. Kinuha ko sa bulsa ang memo pad at ballpen naman na nakasabit sa bulsa ng uniporme ko. Tiningnan ko lahat ng k’warto kung ano ang mga numero na puwedeng pasukin at hindi. Nangiwi ako nang halos lahat ay ‘di naman puwedeng pasukin. Anim na pintuan na ang dinaraanan ko pero pula ang lahat ng parisukat nilang marka sa gitnang bahagi ng pintuan. Sa paglalakad, may dalawa na ‘kong nakitang kulay green. “Walang kulay—“ Tumingin ako sa lapag dahil wala ‘yong marka sa pintuan. Tinalikuran ko ang pintuan para hanapin ‘yon. “Nalimutan ba nila o wala talaga? ‘Di na bale, itatanong ko na nga lang—“ nanlaki ang mata ko nang may bumunggo sa puwetan ko na muntik nang magpasubasob sa ‘kin. “Ay!” “Ha?” Inis na nilingon ko kung sino man ang may dala ng bagay na matigas na bumunggo sa ‘kin. “Hindi ko alam na may tao.” Baritono at mataas ang pananalita. Iniayos niya ang gitara na nasa harapan at isinukbit sa bahagi ng balikat. Nagkatitigan kami. Kumalabog ang dibdib ko. Pero ‘di dahil sa atraksiyon, dahil sa pangamba sa paraan nang matiim niyang pagtitig. Tumungo na lang ako, “Sorry, sir. Hindi ko sinasadya.” “Dominant Omega?” Kaagad akong nag-angat ng tingin sa sinabi niya. Walang nakakaalam na Omega ako kung hindi ko heat. Wala ang Pheromones na inilalabas ko sa ganitong mga araw. Nanlaki ang mata ko nang muntik nang magdikit ang mukha namin. Nakababa ang mukha niya sa ‘kin. Parang tumigil ang paghinga ko dahil sa lapit ng mukha niya at sa matiim niyang titig. Hindi ko sinasadyang itinulak siya dahil biglang nanginig ang tuhod ko. Parang hinugot ang lakas ko sa pagkakalapit niya. D-Dominant Alpha… “It’s rare to see a male Dominant Omega,” Iyong akala ko magagalit siya pero nangiti pa. “S-sorry, sir. Pero paano mo nalaman na Male Dominant Omega ‘ko?” kailangan kong malaman para makapag-ingat. Titig na titig ako sa kanya kaya maging pagkunot niya at pagngiti ng tila nakakaloko ay kitang-kita ko. Mataas siyang lalaki, may kakapalan ang kilay, itim na itim rin ang mga mata niya na matalim ang pagkakahugis, matangos ang ilong niya at mamula-mula ang kutis. Hindi nalalayo ang pangangatawan niya kay Boss. Magandang lalaki rin siya. Pero mukhang ‘di nagkakalayo ang edad namin. Naiinis ako sa tagal ng pagsagot niya at pagngiti. “Aside from your women-like body and your pretty face, uhm, ang sweet ng amoy mo. I mean, iba ‘yong dating ng scent mo sa ‘kin, iba ‘yong sweetness—“ Pinamulahan ako sa sinabi niya. “Naaamoy mo kahit—“ “Hindi lang siya intense kagaya ng nasa heat ka.” Tila takang paliwanag nito. “Pero kung ganito na ang amoy mo—“ hindi na nito ‘yon sinundan at ngumiti na lang. Lalo akong kinabahan. Hindi ako nakikisalamuha sa Alpha kaya ‘di ko alam na naaamoy pa rin nila ‘ko. Wala ring gaanong karanasan si mama sa Alpha, kaya nga siguro hindi niya ‘yon nabanggit. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang palad ko at iangat ‘yon. Kaagad ko ‘yong binawi dahil sa kakaibang pakiramdam at init na dumaloy sa katawan ko dahil lang sa pagkakahawak niya. “Hindi mo dapat hinahawakan ang kamay ng ‘di mo kakilala.” Mariin kong wika. “Aalis na ‘ko, pasensiya na Mr. Alpha.” “Miggy.” Habol niya nang nakatalikod na ‘ko. “Hey—I wanna know your name too…” Kinuha niya uli ang aking palad. Nagsimulang manghina at mangatog ang tuhod ko. Para ring umikot ang paningin aking saglit. Inis na nilingon ko siya pero kahit anong palag ko ayaw niyang bitiwan ang palad ko na itinaas niya at hinalikan ng labi niya habang titig na titig sa mga mata ko. Ang init ng labi niya na dumikit sa likuran ng palad ko. Hindi ko gusto ang nagiging reaksiyon ng katawan ko. Natatakot… Natatakot ako nang sobra… Gusto ko na siyang layuan, gusto ko na siyang takasan kaagad. “S-Shayne… please, b-bitiwan mo na ‘ko.” Marahan niyang binitiwan ang palad ko at kahit pinanghihinaan ay ‘di ko ipinahalata ‘yon sa kanya. “Wait, mali ang nailagay sa kuwarto ko.” Tatalikuran ko na sana siya pero binalikan ko siya dahil sa sinabi niya. Iniabot niya sa ‘kin ang pulang parisukat na hinahanap ko kanina. “Green dapat.” Ngiti niya. Tumango ako, “Pasensiya na. Papalitan ko kaagad.” Naglakad na ‘ko patungo sa elevator. Nang makapasok ako at bago pa magsara ‘yon nakita kong nakatitig pa rin siya sa ‘kin at nakangiti. Nang mawala na siya sa paningin ko, naibagsak ko paluhod ang sarili. Hinang-hina at pagod na pagod ang pakiramdam nang buo kong katawan. Ganito ba talaga katindi ang epekto ng isang Dominant Alpha? Ibinigay ko kay Tiffany ang pulang parisukat nang makita ko siya sa kitchen. “Mali raw?” takang tanong niya. “No’ng inilagay namin ‘yon, nilinaw nila na lima ang puwede lang na linisin. Labing lima naman ang hindi. Saang room ba ‘to?” “16.” Nangiti siya, “Bakit pulang-pula ka? Guwapo ba?” Sinamaan ko siya nang tingin. “Suplado mo talaga.” Inikutan niya ‘ko ng mata, “Pero ‘yang 16, siya rin ‘yong isa sa mga nauna ng dumating.” “Eh?” Lumapit sa ‘min si Mico. “Oo, isa ‘yan sa unang dumating. Tatlo na sila diyan sa taas. Pero kahapon ang reklamo niyan, bakit green ang nasa pintuan niya na inamin ko na pagkakamali ko nga sa listahan. Tapos ngayon na inabutan ko siya ng red, green naman uli? Guwapong lalaki pero mukhang may tama sa utak.” Nangiti ako sa sinabi ni Mico, “Ganito na lang, bigyan natin siya ng dalawang kulay para kung ano ang gusto niya ay siya ng bahalang magdikit.” Suhestiyon ko. Nangiti sila pareho at sumangayon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD