Chapter 2: Miggy's POV

2794 Words
“Male Dominant Omega?” Sabay akong dinamba sa kama ni Gil at Matt, mga pinsan ko. “Akala ko lugar ‘to ng mga beta? Kaya nga dito tayo dinala…” si Gil na ‘di makapaniwala. “Gusto ko siyang makita! Iyong artistang si Rion pa lang ang nakikita kong Male Dominant Omega!” Nanlalaki ang mata ni Matt at tila nga siya batang excited. “May panama ba siya kay Rion?” Kilala ko si Rion Angeles, artista at isa sa iilang Male Dominant Omega, iyong mga Omega na may malaking tiyansang magdalang-tao. Ang mga male Omega ay madaling makilala. May katawan at hitsura silang babae, pero they are physically born male. Pero wala ‘kong atraksiyong nararamdaman kay Rion, siguro dahil sa screen ko lang naman siya nakikita. Pero iyong Omega kanina na nakita ko, parang tinamaan ako ng kakaiba. Weird. “Pero maganda talaga ang hitsura niya. Ibang-iba ang dating niya sa ibang Male Omega. Naisip ko lang na Male Dominant Omega siya dahil sa hugis na hugis ang balakang niya. Pero tumama ako—“ “Pero pinalalayo tayo sa mga Omega,” simangot ni Matt. “Malamang. Fifteen ka nga lang, mamaya bigla kang mag rut kapag nasa paligid mo ‘yon, ang aga mong ama!” Wala ‘kong pakialam sa kanilang dalawa. Hindi mawala sa isip ko ang itim na itim at tila napakadulas at bagsak na buhok ni Shayne. Malalantik ang pilikmata niya at kahit wala naman siyang eyeliner sa mata ay parang maitim ang paligid no’n na lalong bumuhay sa kanyang mata, katamtaman ang tangos ng kanyang ilong, at ang sexy ng labi niyang mapupula na tila ang sarap-sarap halikan. Maputi ang kutis. At nang hawakan ko ang palad niya na ‘di ko napigilan dahil maputi ‘yon at mukhang malambot, at napatunayan ko nga ay tila biglang nag-init ang pakiramdam ko. Ilang beses akong napalunok para lang pigilin ang sarili ko. Isa pa, napakabango niya. Sweeter than any other Omega that I met. Parang iyong amoy niya, sapat na para bigla akong mag rut kahit ‘di ko pa rut time. Pinilig ko ang ulo ko dahil may nabubuhay na naman sa ‘kin. “Hoy!” Nabalik ako sa realidad nang sumigaw nang sabay ang dalawang ungas. “Problema ninyo?” inis na binalikan ko na lang ang gitara ko. “Paano ang dami na naming tanong, hindi ka na sumagot!” “Mabuti pa, puntahan na lang natin ang Omega na ‘yon, Gil!” si Matt na bumaba na sa kama ko. “Sige, ano pa bang magagawa ko?” Bumaba na rin si Gil. “Anong gagawin ninyo ‘pag nakita ninyo siya?!” Pareho silang natigilan sa pagpunta sa pintuan at tinitigan ako. “Galit ka?” si Matt na tila nagtaka. “H-ha?” Galit ba ang naging tono ko? “Hindi. Bahala kayo sa gusto ninyo.” Tumugtog na lang ako. Umalis sila pero nagsisimulang maubos ang pasensiya ko. Hindi ko alam bakit inis na inis ako at gusto ko silang sundan dalawa. Ako ang unang nakakita sa Omega na ‘yon, hindi ba dapat ay sa ‘kin siya? Pero kahit kailan, hindi ako nagpakita ng desperasyon sa isang Omega. Nawawala ako sa konsentrasyon. Inis na ibinaba ko ang gitara. Lumabas ako at gulat naman na nakatitig sa ‘kin ang babaeng mukhang pakatok pa lang. “S-sir, ipinaabot ng team leader namin.” Kinakabahan siya. Inilahad ko ang palad ko, “Dalawa?” iyon ‘yong parisukat na dinidikit sa pintuan. Tumango siya at alanganin na nangiti, “Sabi ni ni Shayne, I mean ng lider namin na dalawa na ang ibigay sa ‘yo dahil baka gusto mong magpalinis o biglang hindi ay hindi ka na mahihirapan, sir.” Kabado pa rin siya’t pinamumulahan. Nangiti ako, “Salamat.”  Hindi ko pangkaraniwan na nginingitian ang ‘tulad nila pero sa pagkakarinig ng ‘Shayne’ parang awtomatiko na nag-iba ang timpla ko. Nagpaalam na siyang aalis nang maalala ko ang tungkol sa dalawang ungas kong pinsan. Pero bago ko pa sila matanong ay nakita ko na silang naglalakad palapit sa ‘min kaya pumasok na lang ako sa silid ko. Hindi na ‘ko nagtaka ng kusa silang pumasok. Tumalon si Matt patungo sa kama ko. “Nakakainis. Napakasungit naman niya!” “Paano naman liligawan mo kaagad samantalang fifteen years old ka pa lang,” natatawang sabi ni Gil na naupo sa sofa malapit sa pintuan. “Pero naramdaman mo rin ba may kakaiba sa kanya, Migs?” Nagkatitigan kami. “Kung natural sa kanya na gumagamit ng suppressant, hindi dapat natin siya naaamoy. Lalo sa ganito na wala naman siya sa heat. Pero imposible naman na ‘di siya gumagamit ng suppressant, lalo na sa panahon na ‘to.” Hindi na gano’n kamahal ang mga suppressant para sa mga Omega, kompara noong una pa lang ‘yon na lumabas. Nakaupo na si Matt at pinagkatitigan ako nang may pagtataka. Kunot ang noo na binalingan ko naman si Gil at ‘tulad ni Matt ay titig na titig din siya sa ‘kin. “Bakit?” inis na tanong ko dahil walang nagsasalita sa kanila. “Hindi ko siya naamoy.” Sabay na sabi nila. “H-ha? Anong sinasabi mo na may kakaiba sa kanya?!” “Na masungit siya kompara sa Omega na malalambing at masasarap kausap.” Si Gil. “Seryoso hindi mo siya naamoy?” Hindi na ‘ko magtataka kay Matt dahil bago lang naman lumabas na isa siyang Dominant Alpha. Pero si Gil, pareho kaming twenty-one na. Umiling siya, “Malapit naman kami sa kanya kanina dahil nasa serving siya, pero wala naman. Naisip ko lang na siya ‘yong Omega dahil siya ‘yong may pinakamagandang hitsura at sa katawan na rin.” “Paanong naaamoy ko siya? Naisip ko nga na wala siyang ginagamit na suppressant para magpaamoy lang basta-basta. Kahit may mga kaso naman talaga na gusto ng Omega na hinahalina ang Alpha. Kaya nga naisip ko na Dominant Omega siya dahil ibang-iba siya sa mga nakakasalamuha kong Omega na Recessive.” “Baka ‘di lang siya nakainom no’n! Pero ano ang amoy niya? Anong kaibahan niya?” si Matt na halos idikit ang mukha sa ‘kin, excited na naman ang batang virgin. “Gusto ko talagang magkaro’n ng asawang Omega! Ipaglalaban ko talaga siya ng p*****n sa angkan natin!”     Kinagabihan. Nagdatingan na halos lahat ng angkan namin na kasama rito. Every five years nagkakaro’n kami ng ganitong pagkikita-kita na parang reunion. Pero hindi ‘to basta reunion dahil mananakit ang ulo namin sa dami ng ipinagbabawal. Paulit-ulit na pangaral tungkol sa pakikipagrelasyon at pakikipaglapit sa mga Omega. Pero kung wala naman na Omega, hindi rin naman kami darami. Maging ang business ng pamilya ay kasama na sa pinag-uusapan. Ito ang unang beses na umarkila kami ng lugar para lang dito, kahit marami naman kaming ibang makikita. Sadya lang na iyong kambal namin na babae’t lalaki na Alpha rin ay gustong dito mag birthday. Hindi daw nag se-serve ang Coffee shop na ‘to kung hindi naman sa event place ng mga ‘to magdidiwang ang celebrant. Gusto ng dalawa ‘yong paborito ng mga ‘to cakes. Hindi na ba sila nagsawa? Sa pananatili namin rito puro gano’n na halos ang kakainin namin? Katulad nang inaasahan ko, puro pasaringan at pabidahan na naman ang nangyari sa mga Adult member sa umpisa. “Hinahayaan ko muna si Miguel sa gusto niya. May isang buong taon pa siya.” Narinig kong sabi ni dad sa pagitan ng usapan na saan ilalagay ang mga anak na nasa edad na. “Baka maging pagkakamali mo pa ‘yan at makadali ‘yan ng isang Omega. Alam mo na sa ganyang age tayo mas aktibo no’n.” Ang kapatid ni papa ‘yon. “Alam niya kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin.” Mariing sabi ni dad. “Kailan mo pa nalaman at nakontrol ang sitwasyon kapag nasa paligid mo ang isang Omega, at hinalina ka ng amoy ng mga ‘yon? Alam mo naman kung gaano kasabik ang mga Omega, hangga’t may Alpha sa paligid nila—“ “Tumigil ka na, Rigor.” Inis na inis talaga ‘ko sa tiyuhin kong ‘to. Maging si Tiya Kalliah ay pumagitan na. “Sorry,” nakangisi pa rin, “Usapan lang kasi namin ‘tong magkapatid. Alam ninyo naman na sa ‘ming apat, wala kaming kinakasamang Omega. Nalimutan kong buong angkan pala ‘to, pasensiya na sa mga may kinakasamang Omega.” Mapang-insulto talaga ito. Nagmana siya kay Lolo at Lola na mataas ang lipad. Pero halos lahat naman silang magkakapatid ay isinilang ng isang Omega. Inabandona lang nila lahat ng Omega na ‘yon para makisama sa mga kapwa Alpha. Mabuti na lang, hindi siya ang naging ama ko dahil baka mapuno ako kaagad. Naaawa ako kay Gil na may ganito siyang klase ng ama, sana hindi dumating ang panahon na maging ugali ay magkatulad sila. Kasangkapan at parausan lang ang tingin ng ‘tulad nito sa Omega. Mga ikalawa, ikatlo, ikaapat na babae ng mga ‘to o mga itinatago. Mas tumaas pa ang ere nito nang magdalang-tao ang asawa nitong Alpha, namatay man ‘to, nabuhay naman ang anak nito. Ako lang sa pamilya namin ang anak ng tunay kong mga magulang. Isa rin akong anak ng Alpha sa Alpha. Pero may dalawa akong kapatid na anak sa magkaibang Female Omega. Iniiwasan ni dad na masaktan sila sa batang edad kaya nga hindi namin sila isinama rito. Pareho silang nasa sekondarya pa lamang. Iyong dalawang Omega na ina ng mga kapatid ko ay hindi na matagpuan. Umaasa ‘ko na lumayo lang sila at hindi ang sinasabi nila na pinapatay na sila ni Lola. Parang tumitigil ang oras, napakatagal. Inip na inip ako.  Mabuti na lang at naisipan nilang lunch break na. Sa Dining hall sa floor din na ‘to kami pumunta. Ang cakes and other sweets at pasta ay mula sa Coffee Shop na ‘to. Pero ang ibang pagkain na parang huling tanghalian na ay mula sa ibang contact. Wala si Shayne sa mga nakikita kong umaasikaso. Isa sa dahilan ng pagpayag nila ay puro Beta ang mga narito. Nagulat rin ako na may isa silang Omega. Kumuha ako ng cupcake at lumabas. Maging sa pag-upo at pagkain magbibidahan na naman ang mga matatanda at sobra-sobrang pagod na ang isip ko na unawain sila. Isang taon. Isang taon ko pang puwedeng gawin ang gusto ko. Naglakad ako patungo sa silid ko nang mapansin ko ang pamilyar na lalaking naglalakad. May bitbit siyang mga sapin. Hinanap ko kaagad ang green na parisukat nang makita kong pumasok siya sa isang may green na parisukat. Kinakabahan ako dahil hindi ko siya makapa kahit saan sa bulsa ko. Mabilis akong pumasok sa silid ko. Mabuti at nakita ko kaagad siyang nakadikit sa lampshade. Kaagad ko ‘yong kinuha at ipinalit sa pulang parisukat. Sh-t. Hindi ko pa siya naaamoy pero sumisikip na ang pantalon ko. Bumuga ‘ko nang hangin dahil sa biglang pag-iinit ng silid. Sira ba AC? Mahina masyado. Ang bilis ng t***k ng puso ko, peste. Nag panic ako ng umikot ang door knob. Anong problema ko? Kailan pa ‘ko naging kabado sa ibang tao? Nagulat pa siya nang makita ako. Pero kaagad din siyang nakabawi. “Sir, hindi ka kumakain?” Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong cupcake. Nangunot ang noo niya. “Iyan lang?” “Sira ba ‘yong AC?” Pagbabago ko. “Sira?” “Parang mahina?” “Hindi naman, sir.” “Ah,” “Sir, puwede ko bang palitan ang sapin mo at punda o mamaya na lang?” “Palitan mo na.” Tumango naman siya. Hindi man lang siya kinakabahan sa ‘kin? Sanay ako sa Omega na tila ‘di mapakali kapag nasa paligid ko. Pero sa lagay, parang ako ‘yong ‘di mapakali at siya ‘yong chill lang. Anong pakiramdam ang maging asawa siya? Parang ang hinay-hinay niya at—sh-t! Ano na namang iniisip ko. Titig na titig ako sa likuran niya. Makurba ang kanyang katawan. Ganito siguro talaga ang Dominant Omega. Bukod sa napakabango nila kapag heat daw na nakababaliw ay maganda rin ang katawan nila. May kalakihan ang balakang niya at matambok ang pang-upo. Lalo ‘kong pinagpapawisan at pinaninikipan. Nang dumako ako sa malalambot niyang buhok, pakiramdam ko sumali maging sa hangin ang napakabangong amoy no’n. Ibinaba ko uli ang mga mata ko at napabuga na ‘ko sa pagpipigil sa puti at kinis ng kanyang batok. Nagulat ako nang bigla siyang mapaluhod. Pero kaagad din siyang kumapit sa sapin ng kama na parang kumukuha ng lakas ro’n sa higpit nang kapit. “S-sir,” tumayo siya at pulang-pula na bumaling sa ‘kin, sa pagkakita ko sa hitsura niya parang kumalabog ang dibdib ko. “S-sira nga ‘yong AC mo, tatawag l-lang a-ako ng mag-aayos, saglit.” Nagmamadali siyang tumayo kahit mukhang nanghihina. Pinigilan ko siya nang maamoy ko na naman siya.  Mas matindi ngayon. Halinang-halina na ‘ko. Nagulat siya nang hinarap ko siya sa ‘kin. “Maraming nakakakalat na ‘tulad ko sa labas, humahalimuyak ka na naman.” Nanlaki ang mga mata niya. “Mas intense ngayon. Hindi nila alam na may Omega sa lugar na ‘to.” Kinakabahan ang hitsura niya. Habang mag ru-rut yata ‘ko nang wala sa oras. “P-pero katatapos ko lang,” kabado pa rin siya. “W-wala akong balak kunin ang atensiyon ninyo o akitin kayo, hindi ko lang kontrol talaga.” Nangingilid ang kanyang luha. Kumikibot ang kanyang labi. Napakapula ng mga ‘yon parang masarap halikan. Naramdaman ko ang panghihina niya kaagad ko siyang hinapit sa katawan bago pa siya bumagsak. Tingin ko, iyong presensiya ko rin ang nagpapahina sa kanya. Pero pareho naman kami na wala sa panahon. Damang-dama ko sa katawan ko ang kanyang kalambutan. Napakabango niya. Nag-iinit ang buong katawan ko. Hindi pa ‘ko nakaramdam ng ganito. Siya pa lang ang unang Male Dominant Omega na napalapit sa ‘kin. Ganito ba talaga sila? Bumalik ako sa katinuan kahit paano mula sa mahalay na isipin nang marinig ko na umiiyak na siya. Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Tama ako, napakalambot no’n. “Shhh. Hindi ka nila gagalawin.” Inikot ko ang paningin ko para hanapin ang gamot ko para bumaba ang init na nararamdaman ko. Tingin ko kontrol ko ang sarili ko kaya palagi ko ‘yong iniiwanan pero mukhang kailangan pala talaga na dala ko ‘yon palagi. “Wala ka bang dalang gamot para pigilin ang amoy mo?” Umiling siya. Nanatili siyang nakasubsob sa dibdib ko. “Dapat palagi mo ‘yong dinadala.” Hirap na hirap na ‘ko. Baka bigla ko siyang gawan nang kung ano kaya marahan ko siyang inihiwalay sa ‘kin at iniupo sa kama. Nakita ko na pinapahid niya ang luha. Pero sa susunod ko na ‘yon iisipin dahil malaking komplikasyon kung pababayan ko ang init na nararamdaman ko. Masisiraan na ‘ko. Hinanap ko sa drawer ang gamot ko at naro’n naman siya. Tatlong beses ko ‘yon tinaktak at idiniretso ang tablet sa bibig ko. Nginuya ko na ‘yon nang mapabilis. Iniwasan ko siya nang tingin at sa bahagi na ‘ko ng pintuan tumayo. Pero kahit gano’n, naninikip pa rin ang pakiramdam ko. “Kapag lumabas ako ibig sabihin na nasa hall na uli kami. Ten minutes ang palipasin mo bago ka lumabas. Don’t worry, hindi ka naman nasa heat, kaya sa malapit na malapit lang kita naaamoy. No need to worry.” Nang balingan ko siya nang tingin ay sa ‘kin siya nakatitig. Sh-t. Bakit tumaas na naman ang init ng katawan ko! “Siguro sa labas na lang ako.” Hindi ko na siya hinintay sumagot at lumabas na. Tama ang desisyon ko dahil nakokontrol ko na kahit paano ang aking sarili. Kung gano’n may kakayahan ang Dominant Omega na ganito? Hindi ko ‘to nararamdaman sa mga nakilala kong Female Omega, depende na lang kung ikakama ko talaga sila. Pero siya, tinitingnan ko pa lang parang bigla akong mag-ru-rut ng wala sa oras. Ano pa kung talagang nasa heat siya? Baka talagang wala na ‘kong isip na matira. Pero sila ang dapat iwasan, mabilis silang makabuo ng bata sa isang Alpha. Saan ko nailapag ‘yong cupcake?!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD