Chapter 3: Shayne and Miguel's POV

1815 Words
“Ma,” nakangiti kaagad ako nang pumasok ako sa bahay namin. Nakita ko siyang malapit sa pintuan at luhaan. “Bakit, ma?” binundol ng kaba ang dibdib ko. Niyakap niya ‘ko nang mahigpit, “Mabuti at nakauwi ka na, Shayne. Hindi ko alam kung bakit kabadong-kabado ako kanina pa. Nag-alala ‘ko na baka may nangyari sa ‘yo. Plano ko na nga na pumunta sa trabaho mo.” Doon ko napansin na nakabihis nga siya. Pinaupo ko siya sa kahoy ng upuan. “Ma, alam mo dapat may cellphone ka na talaga.” Idinaan ko ‘yon sa biro. “Hindi mo naman kailangan na bumaba para lang do’n. Kakape mo lang kaya ka kinabahan.” Nginitian ko siya nang husto bago yakapin. “Maayos lang ako. Puro Beta nga ang kasama ko ro’n at wala naman ako sa heat ngayon.” Wala sa heat pero nag-iinit sa presensiya ng Dominant Alpha na ‘yon. Mawawala rin naman siya, ilang araw na lang. Nagpapasalamat ako na hindi naman siya ‘tulad ng ibang Alpha na inaasahan ko. Mas may kontrol nga ang ‘tulad niya. “Sige, pagtututunan ko na ‘yang cellphone dahil parang sa kahihintay sa ‘yo at pag-aalala ako mamamatay.” Aniya. Nalungkot ako sa mga sinabi niya kaya mas hinigpitan ko ang yakap niya. “Ma, alagaan mo ‘yong sarili mo. Sige ka, susunod ako sa ‘yo kapag nawala ka.” Pabiro pero totoo ‘yon. Ano pang gagawin ko sa lugar na wala na ang natatanging dahilan kaya ‘ko lumalaban? Ayokong mabuhay sa ganitong estado. Simula nang makilala ko ang lalaking Alpha na ‘yon, mas lalo akong natakot sa seguridad ko. Parang gusto ko na lang magkulong. Pero siya pa lang naman ang nagsabi na naaamoy niya ‘ko kahit ‘di ko heat? Pero kailangan kong kumalma. Kailangan ko ng trabaho. Kailangan ni mama ng gamot. Kailangan namin ng makakakain, kinakapos talaga kami lalo nga at kinakailangan namin magpunta sa doktor para palaging ipatingin ang komplikasyon niya sa baga na nagpapahirap sa kanya sa paghinga. May tubig na kasi ‘yon. Pero sinusubukan pang idaan sa gamot. Bumababa rin bigla ang potassium niya. Natatakot ako na baka sa susunod ay higit ko nang kailanganin ng pera pero wala akong ipon. Siguro, kailangan ko na rin bawasan ang pagpapahinga ko. Kesa dalawang linggo, isang linggo na lang. Susubukan ko ‘yon ngayong buwan. Napansin ko naman na nag-iinit lang ang pakiramdam ko pero ang heat ko ay iyong huling linggo talaga ng buwan. Sabay kaming kumain at nagkuwentuhan. Nabigla ako nang hawakan niya ang mukha ko. “Dahil sa hitsura mo, kaya mas nangangamba ako.” Naguluhan ako sa sinabi niya. “Alpha ang piliin mo. Tama ang doktor, kung magkakaro’n ka ng Alpha at mamamarkahan, magiging normal na ang buhay mo. Gusto kong magkaro’n ka ng pangkaraniwang buhay bago man lang ako mawala,” Nag-init ang mga mata ko. “Gustuhin ko man na Beta na lang ang piliin mo dahil mas nagtitiwala ako sa kanila, pero hindi ka nila magagawang markahan, wala silang kakayahan na angkinin ka nang buong-buo. Kaya isang Alpha na lang, Shayne… iyong tatanggapin ka at hindi ibibilang na pangalawa o pangatlo sa buhay nila…” Nakita ko ang luha niya habang nakangiti sa ‘kin. Pinilit kong ngumiti kesa ibagsak ang mga butil ng luha ko, “Gagaling ka pa, ma. Marami pa tayong lalampasan dalawa. Pero ‘wag kang mag-alala, hahanap ako ng magmamarka sa ‘kin para hindi ka na palaging mag-alala sa ‘kin.” Nagkangitian kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit dumaan sa isip ko ang hitsura ng lalaking Alpha na nakilala ko. Mabilis kong dinampot ang tubig at kaagad ininom ‘yon. May kakaibang init akong nararamdaman nang maalala ko ang mabango niyang amoy. Hindi ko ‘yon maipaliwanag. Hindi iyon matamis, pero nakakahalina. Para ‘kong umaamoy ng pinakamabangong bulaklak sa lugar na may sariwang hangin. “Ma, anong amoy ng isang Alpha?” Nangunot ang noo niya, “Hindi ko alam kung anong ginagamit niyang pabango—“ “I mean iyong natural scent niya?” Nag-isip siya. “Isang beses lang may nangyari sa ‘min, tingin ko naman ay wala.” Natigilan ako sa sinabi niya. “W-walang amoy?” Nagkibit-balikat siya, “Pero kung napanood mo ‘yong palabas no’ng sikat na Dominant Omega na si Rion, parang sinasabi ro’n na may amoy ang isang Alpha. Hindi siya matamis pero mabango. Pero mahirap ding ipaliwanag.” Ganoon nga ‘yon… “Pero sa kanta na ‘yon, parang ang ibig sabihin lang nagkakilala na sa past life ‘yong Omega at Alpha na ‘yon at nagmahalan kaya para mahanap nila ang isa’t isa, naglalabas sila uncontrollably pareho ng Pheromones na limitado lang sa isa’t isa. Kaya kapag nagkatuluyan pa rin sila ngayon, magkakaro’n na sila ng Perfect Bond.” Nag-ihit ako nang ubo sa narinig ko. Pakiramdam ko kinapos ako bigla ng hangin sa dibdib. “Shayne!” Nag-aalalang napatayo si mama. Perfect Bond?! Past life?! Uncontrollable limited Pheromones?! Natigilan ako nang maalala ko na siya lang ang bukod tanging Alpha na nagsabi na naaamoy niya ‘ko kahit hindi ko heat. Pero hindi ako malapit sa mga Alpha, kaya hindi ko naman puwedeng isipin na siya lang talaga ang nakakaamoy no’n—teka, hindi naman ako naniniwala sa past life, at kung ano-ano pang kuwentong pantasya! Iniba ko na lang ang usapan naming dalawa. Ayokong madala pa ‘yong kalokohan ng Perfect Bond at limited Pheromones na ‘yan. Nang magpapahinga na ‘ko ‘di ako dalawin ng antok. Biling-baliktad ako sa kama. Dati naman pagkahiga ko nakakatulog kaagad ako. Pero sa oras na ‘to parang nag-iinit ang katawan ko. Amoy na amoy ko pa rin ang lalaking ‘yon, nakakapag-init. Malakas din ang presensiya niya. Damang-dama ko na habang pinapalitan ko ang sapin ng kama niya ay titig na titig siya sa ‘kin. Pilit kong kinakalma ang puso ko na tila lalabas na sa aking rib cage. Ilang beses akong huminga nang malalim at bumuga para matapos ‘yon nang ‘di ko naipahahalata na sobra na ‘kong apektado. Pero nakakapag-init ang titig niya sa paraan na parang hinuhubaran niya ‘ko at pinagsasamantalahan sa titig lang. Dahil sa bigat ng ipinararamdam niya sa ‘kin lalong nanginig ang katawan ko hanggang tuluyan na nga ‘kong bumagsak.     MIGUEL   Pagbalik ko sa silid ko nakita ko ang isang kahon ng cupcake at may nakasulat na ‘Thank you’ wala na ro’n ang isang piraso na iniwanan ko. Kumabog na naman ang dibdib ko. Normal ba na ganito katindi ang atraksiyon ko sa isang Omega? “Miguel!” Gulat na nilingon ko ang bumukas kong pintuan. “Tara na!” Si Paulo ‘yon isa sa pinsan ko. “Parang gusto kong magpahinga—“ Lumapit siya at inakbayan ako, “Anong kalokohan ‘yan? Kailan ka pa natutong umayaw sa ganito?” Natawa ko sa laki nang pagkakangiti niya. “Check mo muna kung may condom ka, well, marami naman akong dala isang box.” “May sarili ako, hindi ko kailangan ng limos ng condom mo.” Natatawang sagot ko. “Mabuti naman, gusto ko rin makarami!” Sinundan niya ‘yon nang mas malakas na pagtawa. Iiling-iling lang ako sa pagkakangiti. Ibinaba ko malapit sa lamp shade ang box ng cupcake at sumama na sa kanya. Kapag nagkikita-kita talaga kaming magpipinsan ay nagpupunta kami sa iba’t ibang underground party para lang makatagpo nang katulad naming s*x lang—no attachment. Wiling-wili rin naman ako ro’n dahil nga game na game talaga ang mga Omega—hindi pa nga lang ako nakasubok ng isang male Omega. Iilan lang naman sa lalaking Omega ang willing din makipagrelasyon sa lalaki. Ang maganda lang sa mga male willing Omega ay hindi na nila kailangan ng lubricant dahil kagaya sa babae, kusa na silang naglalabas ng likido pampadulas. Kahit pa sabihin na mula kami sa pamilya ng mga Alpha sa Alpha, alam namin na iba pa rin kasama ang Omega kesa sa Alpha. Magpapataasan lang kami ng ere ng mga kapwa namin Alpha habang ang mga Omega ay malalambing at nakakahalina ang pheromones. Bukod do’n ideal wife talaga sila para sa ‘ming mga Alpha. Pito kaming pumunta sa Underground party. Kasama si Gil, pero hindi si Matt. Maingay kaagad na tugtog at magagaslaw na sayawan sa dance floor ang maririnig at makikita. Amoy na amoy ko ang matatamis na Pheromones, as usual, ang mga Omega na pumupunta sa lugar na ‘to ay humahanap ng s*x din. Masarap ang amoy nila pero masyado yata silang madami ngayon at tinatamaan ako ng kakaibang hilo. “Sh-t! Ito na naman tayo! Parang wala na naman tayong narinig sa mga gurang!” halos isigaw ‘yon ni Raphael. “Wala naman akong pressure, Omega ang mommy ko at nag-iisang asawa siya ni dad kaya hindi naman siguro niya ipipilit ‘yang Alpha sa Alpha na mantra ng ninuno natin!” Malakas ding sabi ni Gian habang umiikot na ang paningin sa dance floor at humahanap na nang titisurin. Hindi pa kami ganap na nakakaupo, napaliligiran na kami ng iba’t ibang Omega na naglalabas ng matatamis na Pheromones. Lalaki at babae. Tuwang-tuwa sila habang halos idikit ang mga katawan nila sa mga pinsan ko na gumaya na rin sa iba na nakipaghalikan na sa mga ‘yon at nakipagpalitan pa. Lumayo ako sa lugar na ‘yon nang magsimula silang lapitan ako, habang sinasadya nilang maglabas ng pheromones. Dahil imbis na matuwa ako at makisali, bigla akong nakaramdam ng sobrang hilo. Sa bar counter ako nakarating. Pasimple kong hinimas ang aking sentido. Hindi ko na kailangang iikot ang paningin ko para hanapin ang mga pinsan ko na paniguradong kanya-kanya ng puwesto sa iba’t ibang sulok para lang i-enjoy ang oras na ‘to. Madalas ganito naman ang nangyayari sa Underground Party. Lahat naman kami ay miyembro. Hindi na namin kailangan isipin ang pagpapamiyembro dahil nariyan naman si Raphael para imiyembro kami sa lahat ng makikita niyang suwak sa tipo naming Underground Party. May nag-atras sa ‘kin ng isang mug ng beer. Nang balingan ko nang tingin ang katabi ko ay nakatingin siya sa ‘kin at nakapangalumbaba. May kulutan siyang buhok at magandang hitsura. Ngiting-ngiti siya. Hindi siya naglalabas ng Pheromones kagaya ng iba na sinasadya ‘yong ilabas sa ganitong pagkakataon. “Private talk?” alok niya habang gumuguhit ang ngiti. Sa dami ng Alpha sa paligid, ngayon lang ako nakakita ng isang Omega na para bang wala lang ang presensiya ng ‘tulad ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD