MIGUEL
“Hey,” nangingiting pinigil niya ang palad ko na kunin ang mug ng beer. “Let’s go,” hinila niya ako.
Dahil nahihilo rin ako, tingin ko mas mabuti nga na sa isang pribadong lugar na lang kami. Hindi na naman bago sa ‘kin ang magkama ng babaeng katulad ko lang ng gusto. Iyong matapos ang isang mainit na tagpo, burado na rin lahat pagkabuhos.
Sinaid ko muna ang ibinigay niya at tumayo na para isama siya palabas. Hawak-hawak ko ang malambot niyang palad. Kompara sa nanlalamig na kamay ni Shayne ay may kainitan naman ang isang ‘to. Nang makarating kami sa pasilyo patungo sa mga pribadong silid ay gumagaan na ang pakiramdam ko. Nawawala na ang hilo ko.
Isinandal ko siya sa pintuan ng silid na inookupa namin sa lugar na ‘to. Hinawakan ko ang mukha niya at inangkin ang kanyang labi. Pakiramdam ko nabuhay ang dugo ko nang dumaan sa isip ko na ang labing hinahalikan ko ay kay Shayne. Nanabik ang pakiramdam ko dahil sa antisipasyon na siya ang labing sinisipsip ko. Nagwawala ang p*********i ko dahil sa isipin na si Shayne ang maikakama ko—tang-ina! Parang hindi na matino ang takbo ng isip ko dahil puro Shayne na lang ang laman nito, at ang masama ay mataas ang pagnanasa ko sa kanya na alam kong hindi tama! Dahil sa ganitong uri ng pagnanasa nagagawa nitong alisin ang katinuan ko!
“Wait—” hinihingal na inawat niya ‘ko. Naro’n ang ngiti sa labi niya, “Pumasok tayo dahil baka may makakilala sa ‘kin sa lugar na ‘to—” hindi ko na siya pinatapos at hinanap ko na kaagad sa bulsa ang susi ko. Narinig kong natawa siya nang hindi ko ‘yon maipasok ng maayos, nakakaramdam na ‘ko nang pagkainis bago ko ‘yon napagtagumpayan. Hinila ko na kaagad siya sa loob at kasabay nang kusang pagsara ng pintuan ay siniil ko siya ng halik sa labi.
Bumaba ang halik ko sa leeg niya habang idinaraan niya ang palad sa buhok ko.
“Masyado kang mainit—” naro’n na naman ang nakaloloko niyang mahinang pagtawa. “May kakilala ka bang isang Dominant Male Omega? ‘Tulad ko?” May excitement sa kanyang boses.
Nawala yata lahat nang init na nararamdaman ko dahil sa itinanong niya. Isa rin siyang Male Dominant Omega kagaya ni Shayne?!
Kaya pala pakiramdam ko si Shayne siya at hindi ako nahihirapang iimaheng iisa sila.
Ngayon ko lang napansin na hindi nga siya boses babae, hindi rin naman malaki ang boses niya kaya para ‘yong nasa gitna. Base sa kulutang wig niya, at kahit hindi ko siya sinusubaybayan, sapat na ang commercial at kabilaang news and magazine na naro’n siya para makilala ko kung sino ‘tong nasa harapan ko.
Parang napansin niya na over excited ang dating niya kaya huminga siya nang malalim, umayos ng tayo at nagpipigil ng ngiti.
“Sorry, baka isipin mo na over acting ako. Sa totoo lang, gustong-gusto kong makakilala ng mga ‘tulad ko. Iilan lang ang Male Dominant Omega. Sa kada-sampung libong tao, isa lang ang puwedeng maging Male Dominant Omega. Kaya nga—”
“Hindi kita naaamoy—” hindi ko napigil ang sarili ko.
Weird.
Mas mabango si Shayne sa isang pangkaraniwang Omega. Tingin ko, isa ‘yon sa uniqueness niya bilang Male Dominant Omega.
“Paano mo rin nasabi na may kakilala akong ‘tulad mo?”
Naroon pa rin ang mapaglarong ngiti niya. Mabilis siyang humawak sa magkabilang braso ko.
“Tell me, mayroon ba?” nakangiting tanong niya habang nilalaro ang butones ng polo ko.
“Bakit kailangan mong malaman?” matiim ko siyang tinitigan. Pilit kong inaalis ang pagnanasa kong nararamdaman lalo pa at naglalabas na siya ng pheromones.
Naibukas niya ang tatlong unang butones ng polo ko. Gusto ko na siyang hilahin at nang mairaos ko na ito pero hindi ako ganoong klase ng lalaki na nagpapadala sa pheromones, isa pa hindi ganoon kasangsang ang inilalabas niya—pinatitikim niya lang ako at sinasabik.
“Tell me, nakikita mo ba ako bilang ang kakilala mong Dominant Omega, Mr. Alpha?” nginisian niya ako.
Napalunok ako.
“Iyong pagnanasang nararamdaman mo, triggered lang siya sa ‘kin dahil pareho kaming Dominant Omega, hindi ba? Kung ihihiga mo ako sa kama at pagpaparausan, sinong pangalan kaya sa tingin mo ang sasabihin mo?”
“You are talking nonsense!” inalis ko ang kamay niya.
“Hey—”
Lalabas sana ako pero natigilan ako, mas mataas ang pheromones na inilalabas niya ngayon. Ilang beses akong napalunok. Nag-init nang husto ang pakiramdam ko—pasikip din nang pasikip ang hangin sa pakiwari ko. Paanong nagagawa ng Omega ito sa ‘kin?!
“There’s a big difference between a natural Omega and a Dominant One, Mr. Dominant Alpha.” Nasa harapan ko na siya, kumakabog ang dibdib ko. Halos bumagsak ako nang itigil niya ang paglalabas ng Pheromones.
“Dominant Alpha ka kaya nakakapag-isip ka pa ng maayos, pero hindi sa ibang Alpha na maaapektuhan ko. Let me tell you somethin’ gusto kong makilala ang Dominant Omega na kinalolokohan mo, iisa pa lang ang kakilala kong katulad ko and I will be happy if you help me to find the third one for us—don’t worry, I won’t do any harm! Tingin ko rin darating sa point na baka kailanganin niya ako.” Iniabot niya sa akin ang isang calling card.
“Alam mo kaagad na may kakilala akong Dominant Omega, paano ‘yon nangyari?!” nang makabawi ako kay habol tanong ko sa kanya na papalabas na sana.
Binalikan niya ako nang tingin, “Miggy, right? I had seen some news about you, as a member of strong Dominant Alpha family,” aniya, “Palagi kitang nakikita sa underground party which is madalas kong gawin na attendan, pero hindi ako naglalabas ng scent, humahanap lang ako ng Alpha na may symptoms na pinagdaanan ng mga Alpha na tinutukan ko nang atensiyon. Nahihilo, nasusuka, hindi gusto ang amoy nang napakaraming pheromones sa paligid niya—which is, pinagdaraanan ng mga Alpha na kinahumalingan ko noon kaya they need to stick with me. Ang tanging Omega lang na puwedeng makaalis nang hilo na iyon o makasiping nila ay ang katulad naming Dominant Omega, kaya naming alisin ang scent nang isa’t isa. At sa kaso mo ngayon, namarkahan ka niya nang ‘di niya namamalayan at ang sinasabi ko ay base lang sa sarili kong experience sa mga Alpha, at sa tulong na rin ng Private doctor ko. Puwede kitang samahan sa kanya para makakuha ka ng gamot na exclusive lang sa laboratory ng kinakasama kong Alpha, iyon ang ginamit ko para mawala ang atraksiyon at obsesyon sa ‘kin ng mga Alpha na napagtuunang pansin ko at parang asong hinabol-habol ako.” Natawa siya.
Nangunot ang noo ko.
“Mahabang-paliwanagan, puwede uli tayong magkita but the second one is kailangan maiharap mo sa ‘kin ang kailangan kong tao. Isa pa, kung wala gaanong experience ang Dominant Omega na kakilala mo, for sure, hindi niya rin alam ang mga pinagsasabi ko. Wala ring gaanong mga pag-aaral sa ‘min kaya puwede mong ituring na nasisiraan lang ako ng ulo, basta ang masasabi ko lang sa ‘yo kung kaya ng Alpha na sirain ang buhay ng Omega oras na mamarkahan niya ito, baka may ganoon ding kakayahan ang isang Dominant Omega para magmarka sa buhay ninyo. Kaya kapag lumala na ang tama mo sa utak, contact me and I’ll give you free consultation to my personal doctor.” Nginitian niya ako. “Bye. See yah, soon…”
Ginulo ko ang buhok ko. “Kalokohan!”
Nakaalis na siya pero wala na ako sa mood lumabas. Ayoko siyang paniwalaan pero hindi ko magawang mas mag-isip dahil sa mga pinagsasabi niya.
Nalaman niyang may nakilala akong Dominant Omega—si Shayne.
Nagawa niyang ipaliwanag ang kakaibang pakiramdam ko kanina na parang kung tatagal ako sa ganoong lugar, mamamatay o magkakasakit ako nang matindi dahil sa halo-halong amoy.
Nagbabad na lang ako sa dutsa ng shower nang hubo’t hubad. Hindi ko magawang alisin sa isipan ko ang hitsura ni Shayne. Ayoko siyang bastusin pero parang mababaliw ako nang magsimula akong tigasan dahilan para magsimulang maging malaswa ang laman nang isipan ko. Napakabango niya. Para akong masisiraan madikit lang ang katawan niya sa ‘kin—isipin ko lang na nahahalikan at nahahawakan ko siya hindi na mahinto ang pagtaas at pagbaba ko sa ‘king p*********i. Humihingal na ako sa sobrang antisipasyon na mahawakan at maikama siya. Tangina. Tangina talaga. Hindi ako rapist at lalong hindi ako magiging Alpha na mag-aanak lang sa isang Omega. I believe in the equality nang lahat ng tao, Alpha, Beta, at Omega. Hindi ako dapat magpadala rito.
But this kind of animalistic urge, baka kung anong magawa ko sa kanya.
Kailangan maging sa ‘kin siya.
Kailangan may pahintulot niya.
Lalong higit na dapat na may pagmamahal na namamagitan hindi libog lang.
Iba siya sa mga Omega na gusto lang nang aliw kaya naglalabas ng Pheromones. Iyong paglalabas niya ng pheromones, hindi niya ‘yon gusto, ang inosente niya lalo na kapag maluluha na siya-tangina! Pero dahil sa kainosentehan niya parang lalo lang nabubuhay ang animal sa buwisit na katawan ko!
Nag-iingay ang cellphone ko kaya sinagot ko ‘yon.
“Nasaan ka na? Kailangan na natin makabalik do’n, baka malagot tayo! Kanina pa ako tawag nang tawag sa ‘yo!” Si Paulo.
“Hindi ko napapansin.”
“Wow, ganoon ba kasarap ang natikman mo at mukhang nawala ka na sa sarili?” Natatawang tanong niya.
“Gag*!”
Natawa siya lalo. “Dalian mo na, naghihintay kami sa tagpuan.”
“Okay,” nawala na siya sa kabilang linya.
“Ano ba naman Miguel, first time mong mabaliw nang ganito!” Tinampal ko nang palad ang magkabilang pisngi ko. “Hindi ka dapat mawalan ng control, hindi ka katulad ng ibang Alpha at patutunayan mo ‘yon sa sarili mo at lalong-lalo na kay Shayne.”
Sh*t. Baliw na nga talaga ako.
Hindi pa man ganoon katagal ko siyang nakikita at nakikilala pero nagugulo na niya ang isipan ko. Mukhang kakailanganin ko nga ang tulong ng Rion na iyon kung sakaling matuluyan akong mabaliw at iyong paniwalaan ang Rion na iyon na huli kong gagawin ay papatusin ko na.