“Hi, Shayne!” ngiting-ngiti pa ako nang batiin ko si Shayne na naabutan kong naglalakad papasok ng Café.
Hindi man lang niya ako kinibo at pumasok na siya sa loob.
“Hey, Shayne,” hindi naman ako nawalan ng loob at ngiting-ngiti pa rin.
Napansin kong parang may kakaiba kaya inikot ko ang paningin ko, hindi ko mapigil pangunutan nang noo dahil marami pa lang Alpha sa paligid, base sa ipinapakita nilang reaksiyon sa pagtawag ko sa pangalan ni Shayne.
Iniisip kong mas magiging malapit ako kay Shayne, siyempre naman, hindi lang kami rito sa ibaba nagtatagpo pero sa kung anong dahilan parang biglang naging iwas siya sa ‘kin.
“Titig na titig ka na naman sa kanya,” puna ni Gil na nagbabasa ng isang magazine sa tabi ko.
Totoo naman na matiim ang titig ko sa bawat galaw ni Shayne sa Café, at hindi ko mapigilang mairita kapag ngumingiti siya sa iba.
“Kanina ko pa kinukuha ang atensiyon niya pero hindi niya talaga ako tinitingnan.”
“Nagngingitngit ka na?”
Sinamaan ko nang tingin si Gil.
“Damang-dama ko ang bigat ng presensiya na inilalabas mo, pero kung talagang hindi ka niya gustong tingnan hindi kaya mas mairita lang siya sa ‘yo kung dinadaan mo siya sa pagiging Dominant Alpha mo?”
Natigil ako sa ginagawa ko.
“Hindi lahat ng Omega gusto na pinagtutuunan sila ng atensiyon. Isipin mo rin na ‘yong ginagawa mo ay nagiging dahilan para hindi siya makagalaw nang maayos sa trabaho niya.”
“Bakit kasi hindi niya man lang ako ngitian! Pero sa iba nagagawa niyang ngumiti—”
“Kailangan ka pa naging frustrated dahil ‘di ka binalingan ng atensiyon?” ibinaba ni Gil ang hawak at pinagkatitigan ako.
Tila nalulon ko ang dila ko, nagngingitngit talaga ako at hindi ko alam kung bakit.
“Tandaan mo na wala kayong kaugnayan, katulad ng ibang Alpha rito isa ka lang stranger. Isa pa, sa hitsura niya at ilap baka naman may karelasyon na siya.”
Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko. “Ano?!”
“Oh, bakit? Tingin mo ba walang aaligid sa kanya? Tingnan mo nga at lahat naman halos sinusundan siya nang tingin. Pasalamat ka at pinsan kita kaya iniiwasan ko siyang tingnan, pero Miggy, to tell you frankly, sobrang atraktibo ng Omega na ginugusto mo.”
Wala naman akong duda sa sinabi niya. Iyon nga iyong nakakainis sa sobrang atraktibo niya hindi ko magawang mairita na hindi niya ako pinapansin samantalang halos lahat nginingitian niya!
“Mabuti pa umakyat na tayo.”
“Isa pa,” sumenyas ako sa isang masiglang lalaki na palaging kasama ni Shayne, kaagad naman ‘yong lumapit sa ‘kin dala ang menu, “You want another cup of coffee?” base sa name tag niya, siya si Ae.
“Bakit ikaw palagi ang lumalapit sa ‘kin?”
“H-huh?” turo nito sa sarili, “Pero tinawag mo ako nang kusa, sir.” Ngumiti siya.
“Ngayon lang, bakit kapag si Shayne—”
“Haynaku, sir! Napakarami nang regular customer na gusto si Shayne, kung lahat naman kayo ay pagsisilbihan niya ay baka mag collapse na siya. Isa pa, eight hours lang kami pero iyang si Shayne halos tulog na lang ang inuuwi niyan.” Daldal pa nito.
Nagkatitigan kami ni Gil.
“May financial—”
“Miggy.”
Natigilan ako at binalingan si Gil, “Bakit?”
“Personal.”
Naunawaan ko naman at napahiya ako.
“Cup of coffee?” ulit nang ngiting-ngiti si Ae.
“Hindi na, thank you.” Si Gil ang sumagot nang nakangiti.
“Okay, sir,” tila pinamulahan iyong si Ae.
Sa third floor sa kuwarto ko kami tumuloy ni Gil.
“Nawawala ka na talaga huwisyo.”
Huminga ako nang malalim at asar na kinuha ang gitara ko at sumandal sa couch.
“Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito! Naiirita rin naman ako sa sarili ko!”
“Mabuti at alam mo na hindi ka ganyan. Kahit naiirita ka hindi mo ‘yon halos maipakita. Lalo nang hindi ka parang asong nag-aabang at nauulol sa pag-aabang.”
Nakakagalit ‘yong sinabi niya pero tama siya sa parteng ‘yon, maging ako hindi ko alam kung bakit nauubusan kaagad ako ng pasensiya. Nakakabuwisit.
**
Ilang araw na ganoon ang senaryo, sinubukan kong pigilin ang sarili ko na umakto nang ganoon pero talagang bumibigay ako lalo kapag wala sa tabi ko si Gil.
“Coffee.” Parinig ko kay Shayne nang dumaan siya sa ‘kin.
Tila nagdalawang-isip siya.
“Kailangan ko bang magreklamo sa boss ninyo?”
Nilingon niya ako at nakangiti siya no’n. Tangina, ilang araw kong inasam ‘yan!
“With cream?”
“Alam mo sana kung ikaw lang ang umaasikaso sa ‘kin.”
Nakita kong kumunot ang noo niya pero naroon pa rin ang pilit na ngiti.
“I’m sorry, sir. Wala kaming extra service, nagse-serve lang kami kung sino ang matiyempuhan.”
“Iniiwasan mo ako.” Akusa ko.
Nangunot lalo ang noo niya at nawala na rin ang ngiti.
“Coffee and?” tanong niya.
Hahawakan ko sana ang palad niya pero kaagad akong natigilan. “I’m sorry.”
Nakita kong tila nabigla siya pero kaagad ding nakabawi.
“Kung hindi ka pa decided sir, mamaya na—”
“Black Coffee, Lasagna.”
Tumango siya at ngumiti.
Titig na titig ako sa bawat kilos niya. Nasa punto talaga ako na gustong-gusto ko na maging sa akin siya! Napakalabo naman kung pag-ibig kaagad ‘to, ganito ba ang libog? Daig ko pang hayop na walang isip na ganito kasabik? Pero iyong mahawakan siya, mapalapit sa kanya, iyon lang sasapat na, libog ba ‘yon? Sa dinami nang Omega na naikama ko ibang-iba iyong libog lang.
Eight minutes nang bumalik siya.
“Siguro naman hindi ka na tititig nang titig sa akin, please, nagta-trabaho ako.” Inilapag niya ang kape at lasagna sa harapan ko at may kasama na ring glass of water.
“Kung ganoon nararamdaman mo?”
“Is there something you need to add, sir?”
Nginitian ko siya, “Smile, please.”
Nangunot ang noo niya.
“Smile, I’m begging you to smile for me.”
Nangiti siya nang kusa, “Kumain ka na, mukhang nalilipasan ka na.”
“Nabusog na ako sa ngiti mo.”
Nagkadikit na naman ang kilay niya at tinalikuran na ako.
May masamang mga tingin ang napansin ko kaya sinamaan ko rin sila nang tingin at kusa silang naglayo nang atensiyon sa ‘kin. Kung may ikatutuwa man ako sa pagiging Dominant Alpha ko ay ang kakayahan kong patiklupin ang ibang Alpha. Mas binibigyang atensiyon ang Dominant Alpha kesa sa pangkaraniwang Alpha, malaki ang kompetisyon kapag may isang Dominant Alpha na umaaligid sa Omega na nagugustuhan ng mga Recessive Alpha—madalas kami ang pinipili, kaya hindi na nakapagtataka na kung hindi respeto, galit ang nararamdaman nila para sa ‘min. Wala akong ipinagmamalaki sa pagiging Dominant Alpha ko, pero gusto ko siyang pakinabangan ngayon lalo at nasisiguro kong malapit na akong mabaliw kay Shayne. Madali akong dapuan ng atraksiyon, pero nawawala rin iyon na kasing bilis kung paano ko ‘yon maramdaman. Pero kay Shayne, tumatagal at mas lumalala na.
**
Kinagabihan.
“Dati puro kalokohan ang pinag-uusapan natin kapag ganitong may late night beer tayo. Pero ngayon, puro ‘yang Omega na ‘yan ang usapan natin. Atraksiyon lang naman ‘yan, ‘no? Baka kapag may nangyari na sa inyo, humulas din ‘yang libog mo.”
Pinilit kong mangiti sa sinabi ni Gil.
Iyon nga lang kaya?
Sana…
Pero wala akong intensiyon na puwersahing may mangyari sa ‘min.
“Gusto ko rin ang Omega, kung may pagpipilian ako. Pero hindi kasi ‘yon ang gusto ng angkan natin. Iba iyong dinidikta nila. Kung susuwayin natin sila, at sasabihin natin na kaya naman natin maghirap, iba pa rin talaga kapag iyong minahal na mismo natin ang nahihirapan. Kaya wala talaga ‘kong balak gumusto ng Omega, kahit subukan.” Parang nagpapahiwatig siya sa ‘kin.
“What do you mean?” Pinagkatitigan ko siya sa harapan ko.
“Kung tingin mo puwedeng lumala ‘yang pagkakabaliw mo sa Omega na ‘yon, tigilan mo na habang may oras ka pa. Iwasan mo na ‘yong ‘You and Me, against the world’. Kilala mo ang grand parents natin. Tandaan mo na masyado kang kinagigiliwan ni Lola, hindi ka no’n patatahimikin kapag nalaman niya ‘yang kinalolokohan mo ngayon.”
“Bakit sinasabi mo ‘yan sa ‘kin ngayon?”
“Dahil baka iyon ang kauwian mo kaya pinaalalahanan na kita.”
Natigil ang pinag-uusapan naming nang magpasukan ang mga pinsan namin. Si Gil pa lang ang kaya kong pagkatiwalaan nang nangyayari sa akin.
“Balita ko may kinalolokohan ‘tong si Migs, ah!” si Paulo.
Natigilan kami ni Gil.
“Ano na namang kinababaliwan?” natawa ako. “Kilala ninyo ako—”
“Iyong magandang Omega sa ibaba.”
Tila ako pinanlamigan.
“Alam na ba nila na may Omega rito?”
“Wala silang alam, ‘no! Hindi na dapat nilang malaman ang mga sikreto natin.”
Nakahinga kami nang maluwag ni Gil.
“Ano paunahan ba tayo kung sino ang makakakuha sa kanya?” nginisian ako ni Paulo.
Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya nakipagsukatan ako nang tingin sa kanya.
“Hey—” tinapik ako ni Raphael.
“Miggy, hands down ako kung hindi puwede! Huwag mo nga akong gamitan niyang presensiya mo na para kang papatay!” tinawanan ako ni Paulo.
“Walang hahawak sa inyo sa kanya.” Mariing aniya.
Napasinghap sila sa paraan na nagbibiro at marahil nagulat na rin.
“Patay na!” reaksiyon ni Paulo.
Naiiling si Gil.
Iniba ni Gil ang usapan kaya naging maayos naman kaming nag-iinuman.
“May alam ba kayo sa Dominant Omega?” si Gil iyon.
Tiningnan ko siya at tinanguan niya ako na parang sinasabi na mas kaya niyang lusutan iyon. Nasabi ko sa kanya na tumama ako na isang Dominant Omega si Shayne.
“Kagaya ni Rion?” tanong ni Raphael.
“Oo, curious ako sa kanila—”
“Alam ninyo may kaklase ako sa university na nakapagsabi sa ‘kin na biktima si Rion nang pang-aabuso at kilala raw niya si Rion noon pa, naging kaklase niya.”
Lahat kami ay napokus ang atensiyon kay Paulo.
“Parang may abnormalidad sila sa heat, ganoon? Ilang beses daw ‘yong napagsamantalahan dahil sa abnormalidad ng heat niya, napasok pa nga raw ‘yon sa isang Club—”
“Baka naman sabi-sabi lang, saka kung may abnormalidad siya sa heat, hindi naman nangangahulugan na lahat ng Dominant Omega ay gano’n.” Singit ko na.
Nagkibit-balikat si Paulo, “Iyon lang kasi ang alam ko sa mga Dominant Omega, ‘wag kayong mag-alala dahil interesado kayo, aalamin ko ‘yan at maghu-hunting tayo ng mga ‘yan nang malaman natin!”
Binato ko nang unan si Paulo.
“Tumigil ka ngang magsalita ng ganyan, iyong hindi natin gustong maging tayo na nakikita natin sa matatanda nagiging paraan mo na rin nang pagsasalita.”
“Ang sensitive! Oh, maghahanap tayo ng Dominant Omega, iyan na Miggy, hindi na hunting!”