SHAYNE
Ito na ‘yong huling araw na may ookupa sa third floor. On-going ang event sa second floor para sa debut party ng miyembro ng mga ‘to. Tingin ko bababa na rin ang tensiyon na nararamdaman ko sa araw-araw. Hindi ko alam kung ano bang trip ng Alpha na ‘yon para palagi na lang akong pakatitigan. Pilit na pilit ang pag-ignora ko sa kanya pero iba talaga ang bigat ng titig niya.
“Shayne, kumpleto na lahat sa itaas.”
“Thanks, Ae.” Nginitian ko siya.
Abala pa rin ang ilan dito sa kitchen dahil may pasobra pa rin na inihahanda na kasama sa mga binayaran ng mga ito.
Sarado kami t’wing lunes kaya inaasikaso na lang nila ang debut party sa second floor. Kinuha rin naman ng mga ‘to ang serbisyo ng Cookie and Coffee dahil puro Beta at walang magiging anumang komosyon na magaganap sa pagitan ng mga Alpha at Beta.
“Mawawala na ‘yong Alpha na tila kakainin ka palagi.” natatawang sabi nito.
Pilit akong ngumiti.
“Sanay ka naman na tinitingnan ng mga Alpha, pero siya lang ‘yong hindi mo na talaga kinausap. Pero mas better naman siya sa hitsura, pananamit, at hindi naman siya mukhang bastos na Alpha. Bakit hindi mo siya gusto?”
Dahil nanghihina ako sa kanya.
Dahil nakakaramdam ako ng kakaibang pangamba sa titig niya.
Pakiramdam ko iba siya sa mga Alpha na madalas na narito.
“Pero alam mo, masyadong mataas ‘yong angkan nila. Hindi rin ako palagay. Iyong kahit Beta ako, ang bigat-bigat ng pakiramdam. Alpha sa Alpha raw talaga halos lahat sa mga ‘yan. Inaabandona lang ang Omega na inanakan nila, pero ang pakakasalan ay ‘yong Alpha na ipapareha sa kanila.”
Hindi ko naman gustong lahatin ang mga Alpha. May mga Alpha na Omega talaga ang kapareha para sa kanila. Pero hindi na talaga bago na paanakan lang ang turing sa Omega ng katulad ng mga pamilya na naniniwala sa Alpha sa Alpha. Mamarkahan nila ang mga Omega kahit gaano karami ang gusto nila, wala naman ‘yong epekto sa kanila. Samantalang sa isang Omega, ang mamarkahan at alisan ng atensiyon ng Alpha na nagmarka ay hindi na kahit kailan puwedeng makahanap ng ibang kapareha. Dahil ang makipagtalik sa iba habang may marka ng isang Alpha, ay magdudulot lang ng karamdaman, pandidiri, at pagsusuka.
“Puwede na siguro akong umuwi,” pagbabago ko.
“Ah, oo! Pasensiya ka na, sumobra ka pa ng dalawang oras,” napasimangot si Ae, “Kasi naman, kulang na kulang tayo sa manpower. Pero kaya na namin ‘to,” ngiti niya. “Mag-ingat ka!”
Tumango ako at ngumiti rin.
Nasa second floor naman ang party at lahat ay abala ro’n. Iikot lang ako sa third floor para mag round check. Pero dadaanan ko muna si Boss sa second floor. Malayo-layo naman ang pinagdadausan ng party sa office niya kaya panatag ako kahit paano.
Nang nasa second floor na ‘ko ay pasalubong na rin ako kay Boss. Nagulat pa siya nang bahagya nang makita ako.
“Pauwi ka pa lang?” takang tanong niya.
Nangiti ako, “May ilan kasing absent. Pero under control na naman nila, pauwi na rin ako, boss.”
“Okay.”
Nagulat ako nang akbayan niya ‘ko at isama sa paglalakad.
“Ihahatid na kita. Palabas na rin ako.”
Madalas naiilang ako sa t’wing may ibang nakadikit sa ‘kin. Pero hindi ko alam bakit masyadong komportable ang pakiramdam kasama siya. Ipinilig ko ang ulo ko sa nagbabadyang interpretasyon ko sa aksiyon niya.
“Ah, mag round check lang ako saglit.”
Nauna na ‘kong maglakad patungo sa elevator.
Kumakabog ang dibdib ko. Dama ko rin ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
“Hihintayin kita sa ibaba,”
Tumango ako at hindi na sumagot.
Pagsara ng elevator napabuga ako ng hangin. Unti-unti akong nangiti. Kaagad ko rin ipinilig ang ulo ko dahil hanggat maaari, lihim ko lang na gusto ko siya. Wala akong balak palakihin ‘to, at hilingin na magkaro’n kami ng parehong damdamin, sumpa lang ‘tulad ko sa kagaya niya.
Pinokus ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa buong third floor. Binuksan ko ang mga kuwarto na may green sa pintuan para siguruhin kung kumpleto pa ba ang mga mga pangkaraniwan na pangangailangan nila. Napahinto ako sa silid ng lalaking Alpha na palagi akong sinusundan nang tingin. Kulay green ang nasa pintuan niya. Pero wala akong balak pasukin. Sa pagtingin pa lang sa pintuan niya parang naaamoy ko na siya. At hindi ko gusto ang pakiramdam na parang lalagnatin ako kapag napapalapit ako sa lalaking ‘yon.
Hmp!
Pagpihit ko sa katawan ko pabalik bumangga lang ako sa malaking bulto ng lalaki na nagpaatras sa ‘kin at muntik ng magpatumba kung ‘di lang mabilis ang lalaking ‘yon para hapitin ang katawan ko.
Mabilis na kumalat ang kakaibang init sa katawan ko sa pagkakadikit pa lang ng katawan namin kaya pilit ko siyang itinulak. Nakalimutan kong kumalma.
“Bakit ka umiiwas? Pero kanina ‘yong ibang Alpha, ngiting-ngiti ka naman!” tiim-bagang niyang tanong.
Humigpit ang kanyang pagkakahapit.
“Hindi ako umiiwas.” Diretso ko siyang tiningnan kahit pinanghihinaan ako ng tuhod. “Anong dahilan ko para gawin ‘yon? Isa pa, hindi kita kakilala para pansinin at ituring na kaibigan. Nagtatrabaho ako rito, guest ka, iyon lang ‘yon, hindi ba?” halos magdikit ang kilay ko sa pagkairita.
“Puwede mo na ba ‘kong bitiwan? May naghihintay pa sa ‘kin.”
Dumilim ang ekspresyon niya.
“Iyong Beta na may-ari nito ang naghihintay sa ‘yo?” ngisi niya kasabay nang paghawak sa mukha ko at halos pisilin ‘yon.
“Ayokong gumawa ng komosyon, sir. Please. Bitiwan mo ‘ko.”
Ano bang problema niya?!
Pinilit kong magtapang-tapangan pero nanlaki ang mga mata ‘ko nang kusa siyang maglabas ng Pheromones. Pakiramdam ko buong katawan ko ay nanginig ng panandalian. Lumala ang takot na nararamdaman ko dahil unti-unti kong naiisip na isa siya sa mga demonyo na magsasamantala sa ‘kin dahil kakaiba ako.
Hindi… hindi ko panahon ngayon…
Nag-iinit ang buo kong katawan.
Naaamoy ko na ang Pheromones niya…
Nakakahalina…
Nakakawala ng katinuan…
Mama…
Namuo ang mga luha ko dahil sa takot na tuluyan akong mawala sa sarili.
Nakita ko pang ang ngisi niya ay nabago at nawala. Unti-unting naging pag-aalala ang nasa mga mata niya. Naramdaman ko rin maging ang pagluwag ng kanyang pagkakahapit. Pero imbis na bitiwan ako ay dinala niya ‘ko sa katawan niya para yakapin.
Hindi ko na mapigil ang mapahikbi. Damang-dama ko pa rin ang panginginig ng mga tuhod ko. Kung bibitiwan niya ‘ko, babagsak ako nang kusa.
“I’m sorry, I’m sorry, hindi ko sinasadya. Believe me, frustrated lang ako sa ‘di mo pagpansin sa ‘kin.” Inilayo niya ‘ko ng bahagya para ikulong ang mukha ko sa kanyang mga palad. “Matatanggap ko na ‘di mo ‘ko pinapansin kung lahat ng Alpha, ganoon ka makitungo. Pero nalalapitan at nangingitian mo pa sila. Pero sa ‘kin, iwas na iwas ka. Nadala lang din ako ng emosyon ko dahil nakita kitang inakbayan ng isang Beta…” Mabilis ang naging pagsasalita niya, dama ko naman na sinsero siya sa paghingi ng paumanhin pero hindi ko alam kung gugustuhin ko pa siyang makita matapos ng gabing ‘to.
Mabilis niya ‘kong hinila sa silid niya nang bumukas ang elevator. Hindi ko nakita kung sino ang laman no’n dahil mabilis ang pangyayari. Nakita ko rin sa hitsura niya ang kaba nang maisara niya ang pintuan at mapasandal do’n habang hawak pa rin niya ang katawan ko.
Bumibigat ang kanyang paghinga.
Nag-iinit ang buong katawan ko.
Nanghihina ang mga tuhod ko.
Dinig na dinig ko ang t***k ng puso ko parang kinakain no’n lahat ng ingay sa paligid.
“Shayne,”
Inilayo niya ‘ko sa kanya.
Pulang-pula siya at ilang beses kong nakitang napalunok siya.
“Ihinto mo, iyong amoy mo mas tumitindi siya, kung magpapatuloy ka b-baka…”
Hinihingal siya dahil lang sa pagsasalita?
Naglalaho ang mga sinasabi niya sa hangin. Nakikita ko lang na nagsasalita siya sa hitsura niya parang hirap na hirap siya. Ang init… ang init ng katawan niya…
Tumingala siya at sa pagbaba niya nang tingin sa ‘kin, kaagad kinulong ng palad niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi. Ito ang unang halik na lumapat sa ‘kin. Pinilit kong sabayan ang labi niya, napaungol siya sa ginawa ko kahit hindi ako maalam. Hindi ko alam na ganito ang pakiramdam ng halik. Ikinawit ko ang mga braso ko sa batok niya habang pilit na sinasabayan ang ritmo ng halik na ipinagkakaloob niya. Napaungol ako nang pumasok sa bibig ko ang kanyang dila. Nagblangko ang aking isipan. Ang gusto ko lang sa mga oras na ‘to ay matutunan ang paraan ng halik na kanyang ginagawa. Ilang beses kong nakagat ang labi niya pero wala siyang pakialam ro’n at patuloy pa rin. Nagsasalo na sa hangin ang Pheromones namin.
Nagsimulang bumitiw ang mga palad niya sa pagkakakulong sa mukha ko nang masiguro niyang alam ko na ang ritmo ng halik na pinagsasaluhan namin. Nagsimulang mas mag-init ang pakiramdam ko nang ibaba niya ang mga palad ko sa bahagi ng kanyang dibdib. Napasinghap ako nang mapag-alaman ko na bukas na ang suot niyang pormal at lantad na ang katawan niya sa harapan ko. Hindi ko napigil igala ang mga palad ko para damahin ang katawang nakalantad sa ‘kin.
Nasa leeg ko na ang mga labi niya. Niroromansa niya ang leeg ko hanggang sa ‘king tainga. Kahit takot akong mamarkahan nang wala sa oras, hindi ko ‘yon mapagtuunan ng pansin. Gusto ko pa nang higit pa…
Kinuha niya ang kanang palad ko at hinalikan ‘yon habang titig na titig sa ‘kin.
“Hindi ko alam bakit nasisiraan ako nang ulo sa ‘yo. Gustong-gusto ko ang atensiyon mo. Hindi ko gusto na kahit ngiti mo ibinibigay mo sa iba. Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko, pero iba talaga ang dating mo sa una pa lang sa ‘kin.”
Naririnig ko ang mga sinasabi niya. Pero masyado ng okupado ng pag-iinit ang buong katawan ko hanggang isipan.
Binuhat niya ‘ko patungo sa kama.
Sa paglapat ng katawan ko sa kama ay sinundan niya ‘ko. Mas lumala ang pag-iinit ko dahil pakiramdam ko ay may higit pang mangyayari sa ‘min. Ganap na rin niyang tinanggal ang pang-itaas niya. Hindi ako tumutol ng muli niya ‘kong halikan. At sa pagitan ng halik, ang mga palad niya ay nagsimula nang alisin ang butones ng uniporme ko. Hindi ako tumutol dahil nababaliw ako sa amoy niya, sa init ng kanyang katawan, maging sa kakaibang sensasyong kumikiliti sa ‘kin…
Nang mabukas niya ang butones ng suot ko ay bahagya siyang lumayo para masdan ang katawan kong nakalantad sa harapan niya. Nanginginig pa ang kanyang palad nang mas ibinuka niya ang uniporme ko. Kitang-kita ko ang paghanga sa kanyang mga mata. Napaigtad ako ng damahin ng hintuturo niya ang gitnang bahagi ng dibdib ko. Dama ko ang pagkabuhay nila.
Bumaba ang mukha niya. Nanuyo ang lalamunan ko. Nakagat ko ang labi ko nang unang lumapat ang dulo ng dila niya ro’n at ilang beses ‘yong tinusok. Napaungol na ‘ko nang labi niya na mismo ang sumakop ro’n. Salitan niyang niromansa ang dibdib ko. Ibang-iba ang pakiramdam kesa sa imahinasyon. Pinagsawa niya ang sarili sa bahaging ‘yon. Pababa nang pababa ang kanyang halik kaya puro ungol lang ang nagawa ko, nababaliw ako sa kakaibang sarap at sensasyong ipinadarama niya.
“Uhmpp!”
Nasabunutan ko siya nang kagatin niya ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.
Marahan siyang bumangon at nginitian ako.
Nasa mga mata niya ang pagnanasa na pareho naming nararamdaman sa oras na ‘to.
Napalunok ako nang mula sa pagkakaluhod sa gitnang bahagi ng mga binti kong nakabuka na pala ay nagtanggal na siya ng sinturon. Hindi ko pa ‘yon ganap na nakikita pero base sa pagkakabukol no’n…
Nang mapatingin ako sa guwapo niyang mukha ay nakangisi siya. Nakaramdam ako nang pagkapahiya kaya kaagad akong bumaba ng tingin at nagulat naman ako na nagyayabang na laman na kaagad niya ang sumalubong sa ‘kin. Ilang beses akong napalunok dahil hindi ko naisip na nagtatago siya ng gano’ng bahagi sa katawan.
“Shayne, Shayne, narito ka pa ba?”
Pareho kaming nabigla nang marinig ang boses ni Ae na mukhang hinahanap na ‘ko.
“Naghihintay si Boss sa ibaba.”
Pagkarinig no’n parang biglang lahat ng kahibangan ko, bumagsak…
Pareho kaming bumaling sa pintuan nang makarinig ng ilang katok.
“May tao po ba sa loob?”
Alam ko na papasok bigla si Ae kung wala siyang maririnig na sasagot dahil may green naman na nakalagay sa pintuan. Baka iniisip niya nag-aayos ako sa loob ng mga kuwarto.
“Sumagot ka…” bulong ko sa kanya.
Halos magdikit ang kilay niya nang makitang bumangon ako at inaayos ang suot ko.
“I-itago mo na ‘yan,” pinanlakihan ko siya ng mata dahil nakabalandra pa rin ang kanyang p*********i.
Mas lalong nagdikit ang kanyang mga kilay.
Tumayo na ‘ko, “Ah, Ae, pababa na ‘ko.”Ako na lang ang sumagot.
“Nandiyan ka pala, sige at hihintayin na kita. Pinapuntahan ka ni Boss, saka bakit ba ‘yan locked?”
“Ah, hindi ko napansin—”
Nabigla ako nang may lumapat sa balikat ko. Baba ‘yon ni Miggy. Hinapit niya ‘ko sa kanyang katawan.
Nagsimula na naman ang tila nakahahahawa niyang init. Ang p*********i niya’y damang-dama ko sa likuran ko.
“Pakakawalan kita kung ibibigay mo sa ‘kin ang contact number mo.” Bulong niya.
Inis na binalingan ko siya.
“Shayne, anong binubulong mo? Buksan mo na nga—”
Pumihit ang seradura.
Kinagat ni Miggy ang tainga ko kaya ‘di ko napigil ang pagkawala ng ungol.
“Shayne?”
Iniabot niya sa ‘kin ang cellphone niya.
Labag man sa loob ko ay kinuha ko ‘yon para ibigay ang number ko. Naniguro pa ang ungas dahil tinawagan niya ang numero at nang ‘di mag ring ay ibinalik niya ‘yon sa ‘kin at ipinakita sa kabilang palad ang cellphone ko na hawak na pala niya.
Inis na binawi ko ang cellphone ko at muling tumipa sa cellphone niya. Nang mag-ring na ‘yon sa wakas ay ngiting-ngiti na siya.
Hinila ko siya at dinala sa bahagi ng CR, siniil pa niya ‘ko nang halik bago ako pinakawalan. Minasdan ko saglit ang hitsura ko sa salamin na nadaanan ko saka ko lumabas ng silid.
“Oh, pulang-pula ka?”
Hindi ko na lang pinansin si Ae.
Hindi ako komportable dahil baka may naiwan ang lalaking ‘yon na magpahalata sa nangyari sa ‘min.
“Gusot-gusot naman ‘yang damit mo,”
Inis na nilingon ko si Ae, “Pauwi na naman.”
Natigilan kami pareho. Kaagad akong ngumiti, “Hindi ako galit, napalakas lang.”
Nahihiwagaan naman siyang tumango.
Nang makababa kami ay kaagad akong naghilamos sa comfort room, pakiramdam ko ang init-init pa rin ng pakiramdam ko. Pero bumababa na rin dahil sa dismayang nararamdaman ko sa sarili. Hindi talaga ‘ko puwedeng mapalapit sa isang Alpha lalo sa heat ko. Nakakapag-isip ako, pero hindi ko ‘yon mapagtuunang pansin dahil sa init ng katawan niya at masarap na paraan ng paghalik—
Masarap na halik?!
Miguel
“Huy!”
“Hmmm?” hindi ko mapigil ang ngiti nang binalingan ko si Gil.
“Kanina pa nagaganap ‘yong party ikaw para kang baliw na ngingiti-ngiti dito sa dulo habang nag-iinom.” Naupo siya sa harapan ko.
“Mas okay dito, hindi ako madalas makikita.” Nakangiti ko pa ring sagot.
“Ano bang ikinangingiti mo?”
“Tingin mo sino kayang magpapangiti sa ‘kin nang ganito?”
“Parang alam ko na, ano pinansin ka na ba?”
Natawa ako sa sinabi niya, “Nakuha ko na number niya.”
Natawa siya, “Kailan ka pa naging ganyan kasaya sa isang number? Ah, sa bagay, tingnan ka lang niya nabubuo na nga niya ang araw mo ‘di ba?”
Nangiti ako nang husto.
“Miggy, mukhang iba na ‘yan—”
“Tumigil ka nga, ‘wag mong sirain ang araw ko. Wait, tanungin ko lang siya kung safe ba siyang nakauwi.”
Napailing na lang si Gil.
“Nakauwi ka na? Sabihin mo kung safe kang nakauwi. If you need me I’ll be there, naks!” text ko kay Shayne.
“Nababaliw ka na ngang talaga Miguel.”