Chapter 7: Shayne's POV

2128 Words
SHAYNE “Wow, daming messages, ah!” Nabigla ako nang dumungaw sa cellphone ko si Ae. “Sino ‘yan, ha?!” ang hyper na naman niya. “Wala ‘yan—” ibinalik ko sa bulsa ang cellphone ko at idiniretso na ang tray sa lagayan nito. “Weh? Dito nga sa mga kasamahan natin hindi lahat nakukuha number mo, eh!” Ang kulit talaga nitong si Ae. “May Alpha ka na bang natitipuhan? Anong hitsura? Anong—” Nilingon ko siya at sinamaan nang tingin, “Lalamig na ‘yan.” Turo ko sa laman ng tray. “Ay!” kaagad siyang tumalima papunta sa mga customer. Umagang-umaga napapagod na kaagad ako. Kinuha ko uli ang cellphone ko at halos magdikit ang kilay ko sa dami ng messages and missed call ni Miggy.    ** Hindi ako makatulog sa kaiisip sa gabing ‘yon. Kahit pa iniignora ko talaga ang mga text and calls ni Miggy at iniiwasan ko pa rin siya sa t’wing maliligaw siya sa Cafe, hindi ko masasabing may improvement ang pag-alis ko sa naging huling tagpo namin na muntik ng may mangyari sa ‘min. Ilang gabi ang hindi ako makatulog sa kapipihit sa kama dahil sa hindi ako mapakali dahil sa estrangherong damdamin na nararamdaman ng katawan ko. Pampam – Good morning, ano kayang pakiramdam nang makatanggap ng good morning sa ‘yo? Pampam—Breakfast? Anong breakfast ang tine-take mo? Light or heavy? Pampam—Dadaan ako mamaya diyan, gustong-gusto na uli kitang makita. Tsk! Wala bang ginagawa ‘tong lalaking ‘to sa buhay niya? “Shayne—” “Yes,” ibinalik ko na ang cellphone sa ‘king bulsa at kinuha ang bagong tray ng order. Kapag naaalala ko kung paano niya ako hinawakan at hinalikan hindi ko mapigilang mahiya. After lunch nang bumalik ako after ng aking break time nakita ko na kaagad ang ngiting-ngiting si Miggy. Kulit talaga. “Loyal naman ng Alpha na ‘yan,” sabi ni Sheryl, isa sa kasamahan ko. “Loyal mang-inis.” “Haynako, itong si Shayne napaka!” si Sheryl. “Hindi ka na ba nasanay?” natatawa si Ae. “Napakasungit!” sabi ni Sheryl nang pabulong. Nilapitan ko na ang papansin na Alpha at inilapag ang order niya na hindi pa man niya sinasabi ay mayroon na. “Woah!” amaze na amaze siya. “Para isang beses lang kitang lalapitan.” Ngiting-ngiti pa rin siya kahit sinisimangutan ko na. “Sa hitsura kong ito, ikaw lang talaga ang consistent magsungit sa ‘kin.” Tinalikuran ko na siya. Hindi ko rin siya puwedeng pakitaan ng atensiyon dahil maraming Alpha ang pinakikitaan ko rin nang ganito, ayokong maging malapit sa kanila, ayokong isipin nilang palakaibigan ako. Bihira ako ngumiti, hanggang doon lang iyon at lahat ng regalo, bulaklak at kung ano-ano pang imbitasyon ay ipinababalik ko. Noong una ay tinatanggap iyon ng mga kasamahan ko pero nang mapansin nilang hindi ko man lang pinagkakaabalahang buksan ang mga iyon ay sila na mismo ang tumangging tumanggap ng mga iyon. Maraming nagsasabi na maganda ang hitsura ko pero sana hindi na lang. Sana pangkaraniwan na lang ako na walang mapapansing espesyal dahil sa hitsura na ito, mas lalo lang akong nangangamba sa pagiging isang Dominant Omega ko. Naging daily routine ni Miggy ang puntahan ako, minsan may kasama siya iyong isang pinsan niya palagi at madalas naman na mag-isa siya at may dala lang ng laptop. Nasanay na rin ako na naroon siya. Nagpapasalamat na lang ako na hindi niya ako sobrang tinitingnan kesa noon. Isang linggo ang lumipas na palagi siyang naroon at sa loob ng isang linggo wala pa rin akong ipinakikitang iba sa kanya, maging ang messages and calls niya ay hindi ko pa rin sinasagot. Binabasa ko naman lahat pero nagkukunwari akong wala akong nababasa. “Ako na ang magdadala niyan,” presinta ko kay Sheryl. “Oh, sabagay itinatanong ka rin niya.” Ibinigay ni Sheryl sa ‘kin ang cup of coffee ni Jade, ang boss namin. “Ikaw na muna ang bahala kapag dumating iyong isa,” tukoy ko kay Miggy. “Paniguradong bubusangot ang isang ‘yon! Hay, napakaguwapo bakit hindi na lang sa ‘kin magkagusto at agad-agad aayain ko na siya ng kasal!” Napapailing na lang ako. Iniwanan ko na siya. Nakita ko ang repleksiyon ko sa malaking salamin ng elevator. Iniayos ko ng bahagya ang buhok ko. Humanda na ako sa paglabas pero nabigla ako nang mukha ni Jade ang sumalubong sa ‘kin. Nginitian niya ako, “Bababa sana ako para tingnan ang kaganapan sa baba.” Tumango ako, “Gano’n, ba? Inumin mo na muna ito.” “Salamat,” lalo siyang ngumiti. Hindi makalma ang t***k ng puso ko lalo na nang pumasok siya sa loob ng elevator at halos punuin ng mabangong amoy niya ang maliit na lugar. Hindi siya isang Alpha pero kaya nilang patalunin ang puso ko. Hindi siya isang Alpha pero ang amoy niya ang kakalmahan sa ‘kin—bakit kailangan sumingit ng Alpha na iyon! “Ayos ka lang ba?” Tumango naman ako. “Kumusta naman iyong dalawang bago natin?” “Maayos naman sila at mabilis nakuha ang mga instruction.” Nginitian ko siya. “Samahan mo na akong mag-check, para kung may kailangan tayong palitan ay mai-note mo na rin.” Sa taas niya at pangangatawan, hindi siya pahuhuli sa mga Alpha. Gustong-gusto ko ang kalmado niyang boses at ang madalas niyang pagngiti. Pero isa sa pinakagusto ko sa kanya ang pagiging marahan niya. Palagi siyang nagpapaalam bago gumawa ng aksiyon, katulad ng kailangan nitong hawakan ang leeg at noo ko para alamin kung mainit ako. Wala akong makapang takot sa kanya. Gusto kong suklian lahat nang itinulong niya sa ‘kin kahit pa hindi na iyong damdamin ko para sa kanya. Nang makababa kami ay ngiting-ngiti kaagad ang crew—siyempre, hindi si Jade ang tipo ng boss na masungit at mapuna kaya naman lahat halos ay masiglang bumati. Sa pastry side kami unang pumunta at kinausap niya ang mga nagbe-bake bago sa lugar ng mga pasta at ang huli ay ang lugar ng mga barista. Nakita niyang malinis, maayos, at masisigla ang lahat kaya puro puri siya na mas ikinatutuwa nang lahat. Ang huli ay sa labas naman kung saan pasimple lang siyang lumakad kasabay ako. Minsan niya akong kinakausap kaya naman sumasagot ako at hindi mapigil ang ngiti. Hindi ko alam, mabilis akong mangiti kapag nagsasalita siya. Naibaling ko ang atensiyon ko sa madalas na puwesto ni Miggy—naramdaman ko kasi ang kakaibang tensiyon sa pakiramdam. Tamang-tama na nakita ko ang matalim niyang tingin kay Jade. Hindi ko na lang siya pinansin. “Marami akong gustong sabihin lalo sa bagong disenyo ng café, sa office na tayong dalawa mag working break magpapadala na lang ako ng mirienda.” Pinauna na ako ni Jade paglalakad. “Anong gusto mong ipahanda ko?” tanong ko. “Si Ae na ang bahala, iyong bago sa menu para naman mahusgahan ko.” Nginitian ni Jade si Ae na nasa harapan namin. “Masarap na masarap ‘yon, boss! Basta Shayne approve, 101% pasok sa panlasa ni Boss!” “Hindi naman ako kokontra diyan.” Sagot ni Jade. Hindi ko mapigil mahiya at pamulahan. “Ise-serve ko lang ito at ipagagawa ko na iyong mga bago sa menu.” Sabi ni Ae. Kami naman ni Jade ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makabalik kami sa elevator. “I’m happy that you smile a lot today, Shayne.” Nabigla ako kaya hindi ko kaagad nadiinan ang buton ng elevator. Nagsimula akong pamulahan. “Kapag nakikita ko kung gaano karaming Alpha ang narito, nangangamba ako na makuha ka nila sa ‘kin.” Namula ako lalo habang nangiti naman siya nang husto. “H-hindi naman ako aalis sa trabaho.” “Shayne, can I see your smile, one more time?” Kumakabog ang dibdib ko pero sino ba ako para ipagdamot ‘yon? Nginitian ko siya at nangiti rin siya sa ‘kin. Pinindot niya ang elevator. Nabigla ako sa nabasag na kung ano pero bago ko pa ‘yon makita ay sumara nan ang tuluyan ang pintuan ng elevator.   ** “Shayne, may pasok ka ngayong lunes?” tanong ni mama habang nag-uumagahan kami. “Sasama lang ako sa boss ko, dadalawin niya ‘yong anak niya. First time ko rin siyang makikita.” Tumango naman si mama na tila may makahulugan na tingin na ibinigay sa ‘kin. “Ma,” nahinto ako sa pag-inom ng kape. “Wala akong sinasabi, Shayne.” Sumimangot ako habang nangiti naman siya. “Gusto mo siya?” “Ma!” “Tinatanong lang naman kita.” Hindi ako agad nakaimik. “H-hindi ako sigurado.” Pang-insulto ang hitsura ni Miggy na sumingit bigla sa isipan ko. Tumango-tango ako at ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal. “Alam niya ‘yong tungkol sa kalagayan ko. Isa pa, iyong ‘tulad niyang Beta ang tingin ko ay kaya rin akong protektahan. Masyado siyang kalmado—” “Hindi mo kailangan maging defensive, anak.” Dumiretso siya ng tingin sa ‘kin at ngumiti, “Alam ko na marunong kang pumili. At wala naman akong magagawa kung siya ang gusto mo at hindi isang Alpha.” Nangiti ako sa sinabi niya. “Pero wala pa ‘kong balak makipagrelasyon—” Nag-init ang mukha ko nang maalala ko ang lalaking kumuha ng unang halik ko at humalik sa katawan ko. “Shayne, may nangyari na ba sa inyo?” Nagulat ako sa tanong ni mama. “W-wala, h-hindi naman niya ‘ko gusto, ma!” Tumango-tango siya. Dumaan na naman ang lalaking parang balahibong ligaw na pasulpot-sulpot sa isipan ko! Hindi pa ba niya ‘ko tatantanan?! Dalawang araw na ring wala ang lalaking ‘yon sa café at wala naman akong pakialam.     Sa plaza sa ibabang bahagi ng tinitirahan namin ako sinundo ni Jade—wala kami sa Café kaya kailangan daw na tawagin ko siya sa pangalan niya. Kahit mas sanay talaga ‘ko na Boss ang tawag sa kanya. “Ang aga mo naman,”puna ko nang magkangitian pa kami. Umalis siya sa pagkakasandal sa sasakyan niya at binukas ang pintuan. “Napaaga yata ‘ko ng gising. Hindi ba kita naistorbo sa pahinga mo sana?” Nang makasakay na kami ay saka ko na lang siya sinagot. “Hindi naman. Gusto ko rin makita ‘yong anak mo na ikinukuwento. Ilang taon na siya?” “Seven.” Tumango-tango ako. Alam ko na nasa pangangalaga siya ng magulang ni Jade. “Dalawang buwan ako na mawawala,” Napalingon ako sa sinabi niya. Nilingon niya ‘ko saglit at nginitian. “Please, magpahinga ka kapag malapit na ang heat mo. Hindi mo kailangan ng excuses kung napaaga. Just be safe.” May pag-aalalang sabi niya. Tiningnan ko siya at nginitian. “I will.” Dalawang oras kaming nag-usap nang kung ano-ano lang. Pero hindi ko maikuwento sa kanya ang tungkol sa Alpha na ‘yon. Kung puwede ko lang siyang alisin sa isipan ko. “Dumarami ang Alpha na bumibisita sa Café. Hindi naman ‘yon mapipigilan. May nakikita ka bang puwedeng manakit sa ‘yo?” Dumaan sa alaaala ko si Miggy na nakahubad kaya nag-init ang pisngi ko. “W-wala na naman siya. H-hindi na siya naligaw.” “Sino?” Nagkibit-balikat na lang ako. Ilang oras ang tinagal ng biyahe namin bago kami nakarating sa isang Ancestral House. Katulad ng Café puro Beta rin ang mga naro’n maliban sa matandang babae na isang Omega na ‘tulad ko. “Daddy!” Nangiti ako nang makita ko ang isang batang babae na tumatakbo palapit. Mabibilog ang pisngi niya na mamula-mula. Anak nga siya ni Jade dahil pareho sila ng mga mata na kulay asul. Sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ‘ko umaasa na magkaro’n ng sariling pamilya. Nabubuhay ako para kay mama. Para makasama siya. Para alagaan lang siya. Ayoko rin na maging problema ako ng Beta na gugustuhin ko, kaya pilit ko talagang sinusupil ang damdamin na ‘to. Kung hindi ko naman ‘to masupil, sana, hindi dumating sa punto na gustuhin din ako ng lalaking ‘to dahil hangga’t maaari gusto kong maging ako na lang ang nakararamdam nito. Nabigla ako nang humawak siya sa beywang ko at ipakilala ako sa batang nakatingala na at nakangiti sa ‘kin ang mabibilog niyang mga mata. Hindi niya ito ginagawa ng walang paalam pero hindi naman ako nakaramdam nang pagkailang. Cute! “Si Shayne.” “Siya na ‘yon, daddy?” nagniningning ang mata niya sa ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD