Kabanata 37 Ilang minuto pang napatulala si Peter matapos ang sinabi nito. Tila bumalik ang katinuan niya dahil sa narinig at tuluyan nang nakalimutan ang nararamdamang sakit na kanina lang ay kaniyang iniinda. May alam ang lalaki. May alam itong tungkol sa kung sino talaga siya. May alam ito tungkol sa tunay na mundo at hindi lang iyon, may balak pa siyang magtungo roon. Ayaw na lang niyang isipin kung ano ang balak nitong gawin sa kabilang mundo dahil tiyak na hindi naman iyon maganda. Walang balak na magliwaliw ang isang Dimitri sa ibang mundo gaya ng ginagawa niya. Alam niyang imposible pa ang makahanap ng solusyon sa pagbalik niya sa tunay na mundo, pero hindi niya hahayaang makagawa ng paraan si Dimitri. Gusto niyang malaman kung paano makabalik, pero ang lalaking ito ang huling

