Kabanata 38 Huminga nang malalim si Cylinder habang pinagmamasdan ang mga katawan ng nullifiers. Nakahandusay ang mga ito sa lupa at mga wala nang malay. Ang iba sa kanila ay sinubukan pang tumayo. Kung para lumaban o tumakas, hindi niya alam, ngunit wala na rin silang sapat na lakas pa kung sakali. May munting ngiti sa kaniyang mga labi habang inuunat niya ang kaniyang buong katawan dahil sa ginawa. Siya lang kasi ang nagpatuwad sa mga ito at walang ginagawang kahit anong hakbang ang kaniyang mga pinamumunuan. Imbis na makaramdam ng pagod ay para bang naghahanap pa siya ng panibagong makakalaban. “Dalhin niyo silang lahat sa kastilyo,” utos niya sa mga ito na agad nilang sinunod. Tumabi naman si Gore sa kaniya bago bumulong, “Ano ang balak mong gawin sa kanila ngayon? Tiyak na nasa ka

