Kabanata 10 Binibitawan "Thank you for signing the annulment paper. I hope you find happiness again. This may break you but please, try to move on and start new life." Manhid na manhid ang buong pagkatao ko. Hindi ko na alam kung paano magsisimula sa lahat ng nangyari ngayon. Simula sa nalaman kong buntis na ang babae niya. Simula ng pirmahan ko ang magpapalaya sa kanya sa akin. Para akong natanggalan ng ikalawang kaluluwa sa ginawa niya. Pagod na ako, sawing-sawi na ako. Wala na akong makitang mabuti sa hinaharap ko. Blanko na ang isip ko, parang nasa end line na ang buhay ko. "Nagsisisi ako kung bakit pinakasalan kita. Tama ang mga kaibigan ko, sobrang bata ko pa pala ng pinakasalan kita kaya ngayon hindi ko makayang tanggapin ang katotohanan. It was my mistake because I let you in

