Kabanata 9 Good luck "Doc ganda, wake up." Nagising ako sa boses na gumigising sa akin. Minulat ko ang mga mata, punong-puno ng pag-aalala ang mukha ni Brix. Hingal na hingal akong umiwas ng tingin sa kanya. Sinapo ko ang noo, naramdaman ang pawis doon. Oh God! Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ganoon ang panaginip ko? "Himbing ng tulog mo ah! Sarap na sarap ka kasi sa kwekwek e." dugtong niya. Napapikit ako ng mata tsaka bumaling sa kanya. Alanganin akong ngumiti kahit na alam kong magmumukha akong tanga sa kanya. "A-ano bang nangyari?" takang tanong ko. He sighed heavily. "Ganito yun, pagkatapos nating kumain ng kwekwek sinabi mong ihahatid mo ako kaya sumakay ako sa kotse pero naabutan kitang natutulog at pinapawisan. Mukhang matindi ang panaginip mo ah!" aniya sa nagtataka

