Kabanata 8 Wake up "Doc, kasalukuyang nasa probinsya ang babae na kabit ng asawa mo. Bukas ang uwi sa condo nilang dalawa." Iyon agad ang bumungad sa akin ng sagutin ko ang tawag ni Ramona. Napahinga ako ng malalim at tsaka malungkot na ngumiti sa asawa kong mahimbing na natutulog sa kama namin. Wala akong saplot, nagising lang ako dahil sa tawag niya. "Salamat, Ram." Mahina kong sabi. She sighed heavily. "Bakit, doc? Nandyan ba ang asawa mo ngayon?" Umiwas ako ng tingin sa hubo't-hubad na lalaking nasa kama ko. May nangyari ulit sa amin. Hindi lang isang beses, kung di halos abutin kami ng umaga. Sinubukan kong pagaanin ang boses para hindi niya mahalatang pagod ako. "Ah, O-oo e." "Sus! Walanghiyang lalaki talaga yan! Doc, naaatiman mo pang makasama yan?" I sighed heavily.

