Kabanata 4
Appreciate
"Ang ganda naman ng condo mo, doc ganda. Ang luwag pa tapos hayop yung style!"
Napailing ako sa lalaking kanina pa salita ng salita sa likod ko. Nilagay ko ang bag sa sofa at hinarap siya. First time kong magpapasok ng lalaki dito. Ako at si Alrus lang kasi ang pumapasok dito, maliban nalang sa pamilya niya. Bitbit niya ang isdang niluto kaya natuwa ako. Sabi ng wag na akong ipagluto e! Ang kulit rin talaga ng isang 'to!
"Ano namang luto yan?" pagtutukoy ko dala niya.
Ngumisi siya habang tumingin sa akin. Magkasing-taas lang sila ni Alrus. Morena, tanyag na tanyag ang kayumangging mga mata. Nakakakuha ng atensyon ang kilay at pilik-mata niya. Plus yung matangos at manipis niyang labi, may ibubuga siya sa itsura ng mga lalaki.
"Yung tilapia sarsyado, yung bangus sinabawan ko. Niluto ko 'to kani-kanina lang kaya mainit pa." nakangisi niyang sabi.
Tumango ako at huminga ng malalim.
"Sige doon nalang tayo sa lamesa."
Nauna akong naglakad sa kanya papunta sa dining area namin. Nilapag niya ang tupperware sa lamesa habang kumuha naman ako ng pinggan at kutsara namin. Kumuha na rin siya ng lalagyan ng ulam kaya juice naman ang kinuha ko. Naglagay ako sa dalawang baso ng juice pagkatapos ay umupo na kami. Tinignan ko siya habang may panunuri sa mga mata.
"Wala ba 'tong lason?" tanong ko.
Nanlaki ang mata niya at nagulat sa tanong ko.
"Wow! Grabe ka naman doc ganda! Kahit mangingisda ako, hindi naman ako ganyang tao. Syempre bukod sa gwapo ako, masarap rin talaga akong magluto." hambog niyang sabi.
Umirap ako at umiling. Pinagmasdan ko ang niluto niya. Mukhang safe naman at base sa amoy ko, masarap siya.
"Sige. Kumain na nga lang tayo," sabi ko.
Tumango siya at nagdasal. Pinikit niya ang mata kaya napatitig ako sa kilay at pilik-mata niya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nagdadasal muna bago kumain. Si Alrus kasi dati, kapag gutom na ay kakain talaga siya. Ni hindi na niya napapasalamatan ang Diyos sa biyayang natatanggap. Natapos siyang magdasal kaya umiwas ako ng tingin. Huminga ng malalim at ngumiti ng wala sa sarili.
This past few weeks, parati ko nalang nararamdaman ang kabigatan ng kalooban. Halos hindi na ako makangiti dahil sa problemang dinadala. I've been thinking about my husband cheating on me. And I forgot to smile just for myself. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang kagaanan sa sarili. At naramdaman ko iyon habang kasama ang mangingisdang ito. Kahit papaano'y nawala ang mabigat kong nararamdaman dahil sa kanya.
"Kain na tayo, doc ganda. Masarap yan, magtiwala ka! Baka nga ma-in love ka pa sa akin e!" he said arrogantly.
I shook my head for his joke.
"Sira ka talaga!" hindi ko mapigilang tumawa.
He laughed too.
"Tsaka kapag nangyari iyon, naku sagana ka sa mga isda dahil sa akin. Ibibigay ko sayo ang karagatan." dagdag niya.
"Brizo, may asawa na ako." natatawa kong sabi.
Natigilan siya at napatitig sa akin. Biglang nagbago ang ambiance naming dalawa. Napalunok ako habang hindi mapigilan maalala ang lumisan kong asawa.
"Nasaan na siya?" seryoso niyang sabi.
I swallow. Ngumisi ako habang pansin na pansin ang kalungkutan sa mata ko.
"Ayon, nasa ibang babae na hehe." pilit kong tawa.
He remain serious. Mas lalong nag-iba ang ambiance namin. Bumuntonghininga ako at umiling-iling.
"So nambabae pala? Naku, walanghiyang lalaki pala ang napangasawa mo e! Kung ako 'yun, iirugin kita ng labis-labis." nakangisi niyang sabi.
Napahinga ako ng malalim. Natahimik sa sinabi niya. Hindi ko na ramdam ang mga ganyang salita. Hindi ko na maramdaman ang mga matatamis na mga salita. Nasanay na ako sa mga masasakit na ginawa sa akin si Alrus.
"Kumain nalang tayo." mahina kong sabi.
He sighed and nodded. Kumain kami ng niluto niyang ulam. Tama nga siya, masarap ang pagkakaluto. Maging sa sarsyadong tilapia ay nasarapan ako. Mabuti nalang at may dala na rin siyang extra rice kaya hindi na kami nahirapan pang kumain ng marami. Natapos kami kasabay sa pagka-ubos ng ulam. Busog na busog ako at ramdam ko iyon. Ininom niya ang juice at tumighay pa sa harap ko.
"Grabe, sarap kumain sa ganitong lugar." aniya sa masayang boses.
Umiling ako at uminom na rin ng juice. Nanatili kaming nakaupo habang pinapababa ang kinain na pagkain.
"Saan ka ba nangingisda?" tanong ko.
"Taga Batangas ako. Usually sa Malabrigo ako nangingisda kaya minsan lang ako lumuwas dito sa Metro Manila." tugon niya.
Tumango-tango ako at huminga ng malalim.
"Hindi mo ba gagamitin yung natapos kong kurso?"
Napatingin siya sa akin ng malalim. Para kasi sa akin, sayang naman kung hindi niya magagamit ang natapos na kurso. In demand pa naman ngayon ang education kaya posibleng makapasok siya agad.
"I don't really know. Nung una gusto kong magturo, pero naisip ko ding mas gusto ko munang gawin ang pangingisda. Hindi ko kasi kayang talikuran ang tinuro sa akin ni lolo bago siya mawala. In that way, parang kasama ko lang siya sa tuwing lumalaot ako." marahan niyang sabi.
May ganito talagang tao e. Hindi kayang bitawan ang mga natutunan sa mga taong nakakasama sa buhay. Tulad ni papa, tinuro niya sa akin na manggamot sa mga nangangailangan. Hindi man siya doctor o nurse, naturuan naman niya akong maging mabuting babae. Na-miss ko tuloy si papa. Kumusta na kaya siya sa itaas? Mabuti na siguro ang kalagayan niya doon.
"Sabagay, mahirap talagang kalimutan ang mga natutunan natin sa mga Lolo at Lola natin." sagot ko.
Tumango siya at bumuntonghininga.
"Kumusta ka naman, doc ganda? Ba't kayo nagkasiraan ng asawa mo?" tanong niya sa akin.
Ako naman ngayon ang natahimik. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi. Pero magaan naman ang loob ko sa kanya kaya bakit hindi?
"Nagsimula ito ng mawalan kami ng anak. Palagi kasi akong nalalaglagan kaya umabot sa puntong nagsawa na siya sa akin. Alam mo, sinubukan ko namang ayusin ang lahat e. Gusto kong ayusin ang relasyon namin kasi para sa akin mahalaga parin ang kasal pero ayaw na niya talaga. H-hindi ko kailanman ginustong mawala ang mga anak namin. M-mahal ko sila at mahalaga sila sa akin." mahina kong sabi.
Napatitig siya sa akin. Yumuko ako at hindi mapigilan mapaluha na naman. Oh God, bakit sobrang emosyunal ko? Ba't ang bilis kong masaktan? Ba't sobrang fragile ako?
"S-sinubukan kong ayusin ang lahat, Briz. Sinubukan ko ang lahat kasi mahal ko parin siya pero wala na yatang pag-asa. Lumisan na siya, iniwan na niya ako." sobrang hina kong sabi.
Tumayo siya at hinagod ang likod ko. Tumingala ako para makita siya, sobrang lalim ng titig niya sa akin. Pinahid niya pa ang butil ng luha sa pisnge ko. He sighed and smile softly.
"Masakit magmahal, doc. Mahirap din minsan lalo pa't hindi natin hawak ang puso ng ibang tao. Oo, mahal natin sila pero hindi naman tayo ang laman ng puso nila. Minsan, napag-iisip kong mabuti ring mag-isa kaysa magkaroon ng babae. Para kasi sa akin, pangpa-bigat lang siya sa akin at maaaring masaktan ko pa siya pagdating ng panahon. Pero ngayon, everything change. My perception for the love change." makahulugan niyang sabi.
Ngumiti ako ng malungkot.
"B-ba't ayaw mong magmahal noon?"
He sighed heavily.
"Ang nangyari kay mama ay lumikha ng galit sa puso ko. Noon, sinabi ko sa sarili na hindi ako magmamahal kasi ayokong matulad kay mama na iniwan lang. Galit ako sa pagmamahal, galit ako sa mga taong nagagawang manakit ng ibang puso. Kaya iniwasan kong umibig noon pero ngayon, parang may nagbago. Parang may nagbukas sa puso ko na sumubok." he said.
I nodded. Masakit nga rin naman ang nangyari sa mama niya. Parang katulad lang din sa akin.
"Nakakapagod magmahal."
Iyon ang huli naming pag-uusap bago siya magpaalam para umuwi. Naiwan na naman akong mag-isa sa condo. Tahimik kong niligpit ang mga pinagkainan namin. Naghugas ako pagkatapos ay matamlay na umupo sa sofa. Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinignan kong may text ba o tawag. Napahinga ako ng makitang wala ni isang nagparamdam sa akin. Pinindot ko nalang ang number ni mama at tinawagan siya. Sinagot naman niya iyon kaya huminga ako ng malalim.
"Hello, nak? Oh, kumusta ka?"
Napangiti ako ng malungkot.
"M-maayos naman ako dito, mama. Ikaw po ba dyan?"
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. May edad na rin si mama kaya alam kong kailangan niya din ako ngayon.
"Mabuti rin, anak. Naku, hindi ka na umuuwi dito! Miss na kita, nak."
Napahinga ako ng malalim.
"Miss rin kita, mama. Miss na miss po."
"Bumakasyon ka naman dito kahit minsan, nak. Tagal mo ng hindi umuuwi e."
Batid ko ang kalungkutan sa boses ni mama. Matagal na rin naman kasi akong hindi nakakauwi. Marami na ang pinagdaanan ng mundo, hanggang ngayon hindi parin ako nakauwi. Last kong uwi ay bago dumating yung virus. Kaya ngayon ramdam ko ang kalungkutan kay mama.
"Uuwi din ako, ma. Medyo busy lang dito e. Hayaan mo, uuwi ako dyan bago matapos ang taon."
Pinipilit kong pagaanin ang boses.
"Sige nak huh. Aasahan ko yan!"
Tumango ako. Binaba na namin ang tawag kaya muli kong naramdaman ang paglulumbay sa condo. Tumayo nalang ako at pumasok sa kwarto para maglinis ng katawan. Bitbit ang pantulog, pumasok ako sa banyo at nag half bath. Sinabon ko ng maayos ang katawan, pagkatapos ay binanlawan ko ng tubig. Nag toothbrush na rin ako, pagkatapos ay lumabas ng banyo na magaan ang katawan. Kinuha ko ang lotion at naglagay sa katawan. Nang matapos ay nahiga na ako sa kama para matulog.
Nagmuni-muni pa ako habang nakatitig sa kisame. Sobrang tahimik ng syudad dahil sa kadiliman. Mas lalo akong kinain ng katahimikan dahil sa pag-iisa. Napabaling ako sa kabilang side ng kama, naaalala si Alrus sa tabi ko. Sobra ko siyang nami-miss. Miss na miss ko na siya. Miss ko na siyang katabi sa kama. Miss ko na siyang kayakap. Miss ko na siya sa lahat ng ginagawa namin. Kung maibabalik ko lang ang lahat katulad noon, hinding-hindi ko talaga hahayaang mawala pa iyon.
Tumulo na naman ang masakit na luha galing sa pag-iisa. Pinikit ko nalang ang mga mata at natulog sa gabing iyon. Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Magaan ang katawan kong umupo sa kama, binaling ko ang paningin sa labas ng condo ko. Ang ganda ng langit ngayon. Ang liwanag. May mga ibon na lumilipad at sumasabay sa ihip ng hangin. Sa matapos na rin itong problemang dinadala ko. Gusto ko na ring sumaya ulit.
Tumayo ako at pumasok sa banyo. Naligo ako at naglinis muli ng katawan. Lumabas ako ng banyo na suot ang tiwalya, nagulat ng bumungad sa akin si Alrus sa loob ng kwarto namin. Napahinga ako ng malalim bago inayos ang sarili. Humarap siya sa akin na may kaseryosuhan ang mga mata. Nilagpasan ko siya at kinuha ang damit ko na nasa kama. Sinuot ko iyon kahit pa nasa harap siya at pinapanood ako. Nang matapos ay nag lotion muli at hinarap siya.
"Bakit?" malumanay kong sabi.
He sighed.
"Pirmahan mo na ang annulment paper natin. I want to marry my girlfriend now." he said directly.
Ngumisi ako at umiling sa kanya.
"Alstaire Rustico Caponis…No!" matigas kong sabi.
Umigting ang panga niya. Lumapit sa akin kaya umatras ako at tinignan siya ng seryoso sa mga mata. Natigilan siya at napatitig sa akin.
"Sign the f*****g annulment paper, Samantha! Hindi ako nakikipagbiruan sayo!" mariin niyang sabi.
Umiling ako at ngumisi.
"Patayin mo muna ako bago mo makuha ang pirma ko." malamig kong sabi.
Natigilan siya sa sinabi ko. Umiling ako at ngumisi bago siya tinalikuran ngunit mabilis niyang hinawakan ng mariin ang braso ko.
"Sino yung lalaking kasama mo dito kagabi huh!? Ano? May pinalit ka na agad sa akin huh!?" mariin niya parin ang boses niya.
Huminga ako ng malalim at malakas na hinugot ang braso sa kanya. Tinitigan ko siya habang napupuno ng galit ang mata ko.
"Don't accused me as if your not the one who cheated on us!" I said furiously.
Umiling ako at tinalikuran siya. Padabog kong kinuha ang bag at walang sabi-sabing umalis ng condo. Walanghiyang lalaki! Ako pa talaga ang aakusahan niya ng ganoon huh! s**t talaga! Nagpupuyos sa galit kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa hospital. Ni wala akong nginitian o binati sa mga sumasalubong sa akin. Galit ako at inis na inis sa tanginang lalaki na iyon! Anong akala niya sa akin? Mabilis pumalit ng lalaki? s**t!
Padabog akong umupo sa swivel chair at gigil na gigil na hawak ang ball pen. Hindi gumagawa ng ingay si Lalaine habang nakaupo sa desk niya. Bumukas ang pinto at pumasok na naman ang lalaking nagpainit ng ulo ko ngayon. Hawak niya ang isang papel, mabilis niya iyong binagsak sa lamesa ko.
"Sign the f*****g annulment paper, Samantha! Stop being hard! Hindi ka na nakakatuwa!" galit niyang sabi.
Tumayo ako at sinampal siya. Kita mula sa pisnge niya ang bakat ng palad ko. Maging si Lalaine ay nagulat sa ginawa ko.
"No f*****g way! Hindi ko kayo bibigyan ng kaligayahan! Hindi ko ibibigay sayo ang kalayaan! Kung nagdurusa ako ngayon dahil nasa piling ka ng ibang babae, pwes hindi kita bibitawan! Hindi!" nagpupuyos sa galit kong sagot.
Kinuha ko ang papel at pinunit iyon sa harap niya ulit. Gigil na gigil kong tinapon sa mukha niya ang punit punit na annulment paper. Nakatitig lang siya sa akin habang ginawa ko iyon.
"Get out here! Get out to my clinic!" I said frantically.
He sighed. Umiigtang ang panga at nanlilisik ang mata sa akin.
"Babalikan kita! Babalikan ulit kita!" galit niyang sabi.
Ngumisi ako at inirapan siya.
"Sige, bumalik ka pa! Bumalik ka hanggang sa patayin mo ako!" asik ko.
Padabog siyang lumabas ng clinic room ko. Napahinga ako ng malalim habang mabilis na tumitibok ang puso ko. Tumingin sa akin si Lalaine habang punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya.
"Doc, gusto niyo po ng tubig?" she asked concernly.
Tumango ako at nanginginig ang katawang umupo sa swivel chair. Lumunok ako ng ilang beses at pinilit pakalmahin ang sarili. Hanggang ngayon, nagpupuyos parin ang puso ko sa galit. Hanggang ngayon, nagngingitngit ako sa walanghiyang lalaki na 'yun!
Pumasok si Lalaine at mabilis na binigay sa akin ang tubig. Uminom ako, kumalma ang puso sa tubig na ininom. Napahinga ako ng malalim at umiling sa sarili. Napakunot ang noo ko ng may marinig na boses lalaki sa labas ng clinic room ko. Pamilyar ang boses kaya tumayo ako at lumabas. Bumungad sa akin si Brizo na nakikipag-away sa guard ng hospital.
"Manong guard, kaibigan ako ni doc ganda kaya papasukin mo ako! Heto nga oh, may dala akong pritong galunggong para sa kanya." naiinis na boses ni Brizo.
Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan siyang nakikipag-away sa gwardiya.
"Sir, bawal po kasi kung wala kayong appointment kay Dr. Caponis. Labag po ito sa batas ng hospital kaya hindi namin kayo hahayaan." sagot ng guard.
Umiling si Brizo at nagpumilit pang makalagpas sa guard ngunit hindi siya hinayaan nito. Umiling ako at lumabas nalang ng clinic para puntahan siya. Nakita niya agad ako kaya tinuro niya sa guard.
"Oh ayan na si doc ganda, patay ka ngayon! Sabi na sayong magkaibigan kami e! Tayka!" naiinis na sabi ni Brizo.
Tumingin sa akin ang guard na may pag-aalinlangan sa mata. I smiled.
"Kuya, hayaan mo po siya. Magkakilala po kami." sabi ko.
Tsaka palang siya hinayaan ng guard dahil sa akin. Umiling-iling si Brizo ng lumapit sa akin. Nakanguso habang naiinis.
"Siraulo talaga yun! Kanina pa ako sabi ng sabi na kilala kita tapos ayaw akong papasukin. Naku naku! Sarap niyang prituhin!" inis niyang sabi.
Ngumisi ako. Nakakatawa na naman ang mukha niya.
"Bakit ka ba kasi nandito?" natatawa kong sabi.
Pinakita niya sa akin ang bitbit na plastic.
"Nagprito ako ng galunggong, naku doc ganda masarap kumain kapag ito ang ulam. Ano, kain ulit tayo?" masigla niyang sabi.
Natawa na talaga ako sa kanya. Ibang klaseng lalaki naman ito! Seriously? Galunggong? Hays, first time kong ma-encounter ang ganitong lalaki.
"Sige ba. Teka, kunin ko lang bag ko. Saan tayo kakain?" tanong ko.
"May alam akong hindi mahal na kainan. Doon nalang tayo kumain para hindi malaki babayaran natin." aniya sa kwelang boses.
Tumango ako at ngumisi. Pumasok ako sa clinic at kinuha ang bag. Sinabihan ko muna si Lalaine na pwede na siyang mag-break. Mabuti nalang at wala akong pasyente ngayong umaga. Biglang gumaan ang kalooban ko ng makita ulit si Brizo na naghintay sa akin. Sabay na kaming lumabas ng hospital.
"Sakay tayo ng kotse?" sabi ko.
He shook his head.
"Hindi na, doc ganda. Malapit lang ang sinasabi kong kakainan natin. Tsaka mas masaya kung maglalakad lang tayo." sagot niya.
Tumango ako at sumunod nalang. Mukhang masaya nga ang sinasabi niya. Gaya ng gusto, naglakad kami ng ilang oras papasok sa divisoria. Ramdam ko na ang pawis mula sa noo, hindi ko alam kung nasaan na kami.
"Malayo pa ba?" pagod kong sabi.
Bumaling siya sa akin habang may butil ng pawis ang noo niya. Pansin ko na sanay na siya sa mga ganitong lugar kaya parang baliwala nalang ito sa kanya.
"Hindi na, doc ganda. Actually, nandito na tayo." masaya niyang sabi.
Huminto kami sa isang lamesa na may malaking payong. May nakita akong babaeng nasa harap ng mga costumer habang nagbi-benta ng ulam. Nasaan kami? Umupo si Brizo kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Ito yun, doc. Masarap kumain dito. Tsaka mura lang din ang pagkain. Di katulad sa mga restaurant o sa Jollibee ba, naku ang mamahal doon tapos kaunti lang ang nakakain. Dito, busog ka abot presyo pa!" aniya sa bilib na boses.
Tumango-tango ako at nakuha ang ibig niyang sabihin. Mura kasi dito at mabubusog kaysa sa mga di-aircon na kainan. Wow, ibang lalaki talaga ito!
"Affordable ang price ng pagkain dito, doc ganda. Masarap pa kaya tara kain na tayo." alok niya.
Ngumiti ako at tumango. Na-appreciate ko 'to. Na-appreciate ko ang ganitong lalaki. Hindi ko tuloy mapigilang matuwa sa kanya. Kaya umupo ako at masayang ngumiti sa kanya.
"Sige, kain na tayo dito. Masarap na, affordable pa!"
I said happily. I appreciate it. I appreciate his effort for this.
---
Alexxtott