Kabanata 3

2888 Words
Kabanata 3 Siraulo Masakit ang ulo ko ng gumising. Mula sa sinag ng araw, napadilat ako habang ramdam na ramdam ang paparating sa suka. Mabilis akong tumayo at tinakbo ang banyo. Sinubsob ko ang ulo sa inidoro habang nilalabas ang ininom ko kagabi. Hindi ko na inalintana ang sakit ng ulo, ang gusto ko lang ay mailabas itong nararamdaman kong pagsusuka. Pagkatapos ay nagmumog ako, tinignan ko ang sarili sa salamin. Sobrang lalim na ng itim ko sa mata. Kulang na din kasi ako sa tulog. Nangayayat din ako dahil sa kakulangan sa pagkain. Wala akong gana nitong nakaraang linggo kaya ito ang resulta. Huminga ako ng malalim, naramdaman ang pag-iisa sa condo. Wala na nga siya. Maging ang presensya niya ay hindi ko na ramdam dito. Wala na, naiwan na ako. Ayokong umiyak dahil masisira lang ang araw ko. Kaya imbes lumuha, naligo nalang ako at nag-ayos ng sarili. May pasok ako sa hospital ngayon kaya kailangan kong maghanda. Pagkatapos kong maligo at suotin ang formal attire, lumabas ako ng kwarto. Nilagay ko muna ang bag sa sofa at pumasok sa kusina para magtimpla ng kape. Habang ginagawa iyon, muling bumalik sa isip ko ang mga alaala naming dalawa. Nakaka-miss lahat ng iyon. Nakaka-miss yung ngiti niya. Yung haplos niya. Yung mga halik niya sa akin. Nami-miss ko na siya at hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Para na rin kasing gumuho ang mundo ko ng umalis siya kahapon. Hindi ko na siya napigilan kasi alam kong kahit lumuhod ako ng ilang ulit, hindi niya parin ako mapapatawad. Wala akong kasalanan pero kung ituring niya ako ay sobrang makasalanan ko. Hindi ko pinabayaan ang sanggol sa tiyan ko. Inalagaan ko sila kasi mahal ko, sadyang hindi para sa akin ang mga bata na iyon. Kahit ilang buwan ko lang sila nakasama sa loob ko, naging masaya ako sa panahong iyon. Lalo na't alam kong 'yun ang bunga naming dalawa. Ngunit lahat ng mga masasayang alaala ay naglaho na, kasabay niya. Umiling ako at huminga ng malalim. Humigop ako ng kape, inubos ko iyon bago umalis ng condo. Pagkarating sa parking lot, pinatunog ko ang sasakyan at pumasok sa loob. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Ramona dahil hinatid niya pa ako kagabi dito. Kung hindi siya ang kasama ko, maaaring palutang-lutang nalang ako sa dagat ngayon. Umalis na ako at binaybay ang daan papunta sa hospital. Huminto muna ako sa gilid ng isang park, kinuha ko ang lipstick at naglagay sa labi. Pagkatapos ay umandar na ulit ako para makarating ng maaga sa hospital. Ilang oras na biyahe ay hininto ko ang sasakyan sa parking lot. Bumuntonghininga muna ako bago nagdesisyong lumabas. Bitbit ang bag at matunog na stilettos, pumasok ako sa entrance habang may ngiti sa labi. Tinatago ko sa ilalim ng lipstick ang pagdurusang nararamdaman ko ngayon. Ayokong makita nilang mahina ako ngayon, maaaring maaapektuhan ko rin sila. "Good morning, doc." "Morning, doc." "Wow, ganda parin ni doc. Walang kupas!" Napangiti ako habang isa-isang tumango sa mga junior nurse na bumati sa akin. Umiling ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Mula sa nilalakaran ko, kitang-kita ko na si Lalaine na naghihintay sa akin sa labas ng clinic room ko. Ngumiti ako sa kanya, binuksan niya ang pinto kaya pumasok ako. Nilagay ko ang bag sa lamesa, kinuha ko ang hospital gown at sinuot iyon. "Good morning, doc." my assistant nurse greet politely. I nodded and smile saccharinely. "Morning. How was your rest day?" I asked. She smile and stood formally. "Okay naman po, doc. Sa katunayan, nakapag-relax po talaga ako ng maayos." sagot niya. Tumango-tango ako, binuksan ang computer para makita ang mga pasyente ko ngayon. "That's good. At least, you are fine now." I replied. She smiled. "Kayo doc? Kailan kayo magpapahinga?" she asked me. Natigilan ako sa pagtipa ng password. Tagos na tagos sa puso ko ang sinabi niya. Magpahinga? Hindi ko pa alam. Siguro hindi muna kasi kumakapit parin ako sa kasal namin. Iyon nalang ang matibay kong pinanghahawakan para sa aming dalawa. Iyon nalang ang umuugnay sa amin kaya siguro hindi muna ako magpapahinga. Hindi pa naman sumusuko ang puso ko sa kanya e! Tsaka na kapag pati ang puso ko ay mapagod na rin. "I don't need a rest, Lalaine. I'm fine, anyway." sagot ko. She nodded. Nahihiya yata dahil tinanong niya ako tungkol sa pagpapahinga. "Doc, sometimes surrending is better than keeping fighting but at the end, you'll still be broken." she said meaningfully. Natigilan ako sa sinabi niya. Yumuko ako at huminga ng malalim. Ano ba talaga ang halaga ng pagpahinga? Mahalaga ba iyon kasi makakalaya ka mula sa masalimuot na mundo? O, makakalaya ka ng pansamantala sa sakit na naidudulot? Bakit nga ba nagpapahinga ang mga taong napapagod? Dahil ba sila'y pagod sa kakasuong? O, pagod sa pagmamahal na hindi na natutugunan? "I'm fine." maikling sagot ko. She sighed and nodded. Tumahimik naman na siya at umupo sa desk niya. Binuksan ko ang computer at chineck ang mga pasyente ko ngayon. Nakahinga dahil kaunti lang naman pala ang naka-assigned sa akin ngayon. My duty started. Pumasok ang mga pasyente ko at nagpa-check up. Some of them are just follow up check-up. Kaya hindi umabot ng lunch ang trabaho ko. Pagkatapos ng sampung pasyente para sa araw na ito, pina-break ko na si Lalaine. Umupo muna ako ng ilang saglit, nagmuni-muni sa mga bagay na pwede kong gawin. As long as I didn't sign the annulment paper, he's still mine. Sige lang, gawin mo lang ang gusto mo ngayon, Alrus. Basta ba'y kasal parin tayo at nasa akin parin ang apelyido mo. Hindi ko siya isusuko ng hindi lumalaban. Hindi ko siya bibitawan ng hindi sumusubok. Paano kung pwede pa palang maayos? Paano kung pwede ko pang ayusin? At least, sinubukan ko bago bumitaw. Tumunog ang cellphone ko sa bag kaya kinuha ko iyon. Agad na bumungad sa akin ang larawang naghahalikan na si Alrus at ang babae niya. Galing iyon kay Ramona, ngayon lang kinuha. Mula sa picture, kitang-kita ko na nasa Baguio sila. Napabuntong-hininga nalang ako at walang nagawa sa mga larawan. Kahit naman umiyak ako ngayon, wala paring mangyayari. Ganoon parin naman ang kalalabasan kaya hahayaan ko nalang. Ang pinanghahawakan ko nalang ngayon ay ang kasal namin. Nag send ng message si Ramona kaya binasa ko iyon. Ramona: Nasa Baguio sila. Sinundan ko kanina dahil mukhang mag-a-outing yata. Naku, sobrang kati talaga ng babaeng iyon! Sarap ingud-ngod ng mukha sa dumi ng kalabaw e! Napatawa ako sa message niya. Kahit kailan talaga mahilig magpatawa itong si Ramona. Kaya minsan mas gusto ko siyang kasama kaysa sa trabaho e. I replied. Ako: Let them be. Magsasawa rin si Alrus sa kanya. She replied immediately. Ramona: I don't think so. Sa titig palang ng walanghiyang asawa mo, alam mo ng mahal na niya e! Tanong ko lang, malaki ba p*********i niyan? Napalaki ang mata ko sa reply niya. Seriously? Ramona asking me about Alrus member? Oh God! Ako: Ramona, what kind of question is that? Ramona: Gusto ko lang malaman kung malaki ba ang p*********i niyan! Naku, kapag maliit masasapok ko talaga siya! Ang kapal ng mukha niyang mambabae, jusko! Napahinga ako ng malalim. Ramona: Uuwi na yata sila. Anong plano mo? Ako: Nothing. Stop following them. Umuwi ka na at magpahinga. Alam kong lasing ka din kagabi kaya kailangan mong matulog. Ramona: Aww, yes doc. Ang bait mo! Hindi ko lang gets kung bakit nambabae pa itong asawa mo! I smile sadly. Ako: Uwi na. She didn't reply. Napabuntong-hininga ako, binalik ko ang cellphone sa bag. Wala na akong pasyente kaya pwede na akong umuwi. Pero ayoko namang mapag-isa sa condo, baka magbigti lang ako doon dahil sa sobrang paglulumbay. Tumayo nalang ako at lumabas ng clinic room ko. Ngumiti ako sa mga nadadaanan kong nurse at doctor. Papasok na sana ako sa pantry ng marinig ko ang tinig ng isang lalaki na maingay sa bandang reception desk. Binaling ko doon ang mata, nakita ko ang isang lalaki na moreno at may kataasan. Bagong gupit ang buhok, matangos ang ilong at manipis ang labi. Sino itong nag-iingay na lalaki? Bakit parang nagagalit siya sa mga taga receptionist. Naglakad ako papunta doon, nag-usisa kung ano ba ang nangyayari. Huminto ako sa gilid ng reception at pinakinggan ang hinaing ng lalaki. "Nurse, kahapon pa ako nandito kasi gusto kong ipakita ang ngipin ko. Bakit hindi niyo ako hayaang kumunsulta sa doctor huh!?" the man said frustratedly. My forehead lour. What's going on here? "Sir, iba na kasi ang naka schedule ngayon at kahapon. Hindi namin kayo pwede isingit kasi pare-pareho ang mga pasyenteng pumupunta dito, naghihintay." mahinahong sagot ng nurse. Magsasalita na sana ulit ang lalaki ng hinarang ko ang kamay sa gitna. Napatingin siya sa akin na may galit sa mata. Ngumiti ako at huminga ng malalim. "Sino ka naman?" inis niyang sabi. I smile sweetly. "Hi sir, isa akong doctor dito. Ano po bang problema niyo?" mahinahon kong tanong. Bumuntonghininga ang lalaki. Hindi siya tanyag mayaman. Medyo mapayat siya pero pasado naman ang taas at mukha niya. Makapal ang kilay, mahahaba ang pilik-mata. Sa katunayan, gwapo siya pero istrikto. "Hay, doc! Kahapon pa ako dito kasi masakit ang ngipin ko! Nagpa-schedule ako sa walanghiya absenero niyong doctor sa ngipin pero hindi dumating kahapon kaya tiniis ko ang sakit. Ngayong bumalik ako para magpakita ulit, wala na naman siya! Ano bang problema ng doctor ng iyon at ba't ang hilig-hilig niyang umabsent huh!? Naku naku!" inis niyang sabi. Gusto kong tumawa sa expression ng mukha niya. Ang cute! Halatang masakit nga ang ngipin. Pinigilan kong hindi matawa kahit pa nakakatawa ang itsura niya. "Okay sige, sir. Kalma muna tayo. Bali ganito, ako nalang ang titingin sayo para naman malunasan yang masakit mong ngipin. Baka kasi hindi ka nagto-toothbrush kaya masakit yan." pabulong ang huli kong sinabi. Nanlaki ang mata ng lalaki. Maging ang butas ng ilong ay lumaki din. What the heck? Ba't ang cute niya? "Ano doc? Ako hindi nagto-toothbrush? Gusto mong halikan kita para naman malaman mong mabango ang hininga ko! Nyeta!" inis na naman niyang sagot. Umiling ako, natatawa na ang mga nurse sa kanya. "Hindi na sir. Sige, sumunod ka sa akin para makita ko na yan." sagot ko. Umirap siya at ininda na naman ang masakit niyang ngipin. Tumalikod ako at lumakad pabalik sa clinic room ko. Pumasok ako at sumunod siya. Nilibot niya ng tingin ang room ko, natuon naman ang mata niya sa pangalan ko na nasa harap ng lamesa. "So, ikaw pala si Dr. Anne Samantha Caponis." banggit niya sa pangalan ko. Tumango ako at umupo sa swivel chair ko. "Bakit?" tanong ko. He smile. "Wala. Nakita ko lang yung mukha mo sa labas ng hospital." nakangisi niyang sabi. Umiling ako at umirap ng palahim. Siraulo yata ang lalaking ito e! "Ano bang pangalan mo?" tanong ko. Umupo siya sa upuan na nasa harap ko. Nakangisi ang labi at titig na titig sa akin. "Ako si Brizo Ajax Malhotra. Pinodian, half pinoy at half Indian." Buong pagmamalaki niya sa pangalan. Nagulat ako. May halo pala siya! Kaya pala may resemblance ng indian ang mukha niya. Tumango ako at huminga ng malalim. "So paano ka napunta dito?" "Actually, isa akong mangingisda. Pinaanakan lang kasi si mama ng walanghiyang tatay ko kaya dito ako sa Pilipinas lumaki. Nakapagtapos naman ako ng education sa tulong ng iskolar pero ang pangingisda parin ang nasa puso ko." sagot niya. Tumango ako at ngumisi. Pinagmasdan ko pa ang mata niya, sobrang brown. Ang ganda titigan. Sumabay pa ang makapal niyang kilay at mahabang pilik-mata. "Sige, mag-umpisa na tayo. Ano bang masakit sa ngipin mo?" He sighed. "Itong isang patanggal na, doc. Isang linggo ko na siyang iniinda, ngayon lang kasi ako nakaluwas ng syudad kaya sinadya ko itong hospital. Grabe, ang sakit-sakit na. Pati tuloy pangingisda ko ay naaapektuhan sa sakit." aniya sa mukhang nasasaktan. Pinigilan kong hindi matawa. Nakakatawa talaga ang mukha niya. "Ah so patanggal na ang ngipin mo. Sige, ganito nalang. Kukuha ako ng sinulid at ilalagay ko sa ngipin mo. Pagkatapos ay tatanggalin ng biglaan. Ayos ba?" sabi ko. Honestly, wala akong kaalam-alam sa dentistry. Gusto ko lang siya tulungan. "Ah, parang binisayang pagtanggal ng ngipin. Naku sige! Basta ikaw ang bahala sa akin doc." sabi niya. Tumango ako at tumayo. Kinuha ko ang medical kit at kumua doon ng sinulid. Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko ang baba at pinatingala sa akin. Malapit lang ang mukha namin sa isa't-isa, kitang-kita ko ang mata niyang kulay kayumanggi. "Sige, nganga ka at ilalagay ko ang sinulid." sabi ko. Agad naman niyang sinunod kaya nilagay ko ang sinulid sa ngipin niyang patanggal na. Nang matapos ako sa paglagay, kinalma ko muna siya bago hinawakan ang sinulid. "Relax lang. Madali lang 'to!" pagpapakalma ko sa kanya. Tumango siya kaya mabilis kong hinugot ang sinulid sanhi ng pagkakatanggal ng ngipin niya. Hindi naman siya nasaktan, dumugo ng kaunti kaya pinatayo ko siya at pinamumog sa lababo ko. Pagkatapos ay pinulot niya ang ngipin na natanggal at nilagay sa bulsa. "Ba't tinago mo?" Ngumisi siya. "Sabi ni Lola, pampa-swerte daw sa pangingisda ang ngipin kaya itatago ko. By the way, salamat doc!" he said thankfully. Umiling-iling ako at tumango. May ganoong kasabihan pala? "Kapag sumakit pa, uminom ka lang ng antibiotic." payo ko. "Opo, tsaka doc yung bayad ko pwedeng tilapia o bangus nalang? Wala kasi akong cash ngayon e." namamag-asa niyang sabi. Napasinghap ako sa sinabi niya. Ano daw? Tilapia o bangus ang bayad niya sa akin? Seryoso ba 'to? "Seryoso ka?" He nodded. "Oo doc e. Masarap akong magluto, pwede kitang gawan ng ulam. O, pwede ding isda nalang hehe." napakamot siya ng batok. Umiling-iling ako. May ganoon talaga? Isda ang bayad? "Wag na. Okay na ako! Ibenta mo nalang yung isda para may pera ka. Baka wala kang pamasahe dyan," tanong ko. Namula ang pisnge niya. "Grabe ka naman doc. May pamasahe ako, pambayad lang ang wala hehe." I shook my head. Nakakatawa talaga ang isang 'to! "Ang lakas ng loob mong magalit kanina tapos wala ka naman palang pambayad. Kung ibang doctor yun, sa presinto ka talaga matutulog ngayon." sabi ko. Ngumisi siya habang kumakamot ng batok. "Oo nga e. Pero buti nalang ikaw ang kumuha sa akin. Salamat talaga, doc ganda." nakangisi niyang sabi. Umiling-iling ako habang nakangisi. "Hala sige. Pwede ka ng umalis. Uminom ka lang ng antibiotic kapag sumakit." paalala ko ulit. Tumango siya at tumayo. "Sige po, doc ganda." Iyon ang huli niyang sinabi bago lumabas ng clinic room ko. Sobrang kwela naman ng lalaking iyon. Parang hindi graduate ng education e. Umiling ako sa sarili habang natatawa. Nanatili ako sa hospital hanggang alas-singko. Nauna ng umuwi si Lalaine dahil inutos ko. Nagpahinga lang ako sa loob ng ilang oras bago nagpasyang umalis. Suot ang sweater, pinatay ko ang ilaw at ni-lock ang pinto. Tumango ako sa mga nadadaanan kong nurse, hindi pa naman gabi pero malakas ang ihip ng hangin. Naglakad ako papunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Umupo ako at nag-isip, pumasok sa alaala si Alrus. Gusto ko siyang puntahan ngayon at makita manlang. Gusto kong makita ang ngiti niya kahit para sa ibang babae iyon. Nami-miss ko na siya. Sobra sobra. Pinaandar ko ang sasakyan at nagpasyang puntahan si Alrus. Pinaharurot ko pa para makarating agad sa condominium building na inuukupa nila. Hininto ko ang kotse sa kabilang kalsada, lumabas at pinakatitigan ang matayog na gusali. Napahinga ako ng malalim habang iniisip si Alrus ngayon. Masaya na siguro siya dahil kasama na niya ang babaeng pinalit sa akin. Umiling ako at yumuko para pumasok nalang ulit sa loob ngunit may narinig akong mga tawa. Inangat ko ang ulo at nakita ko kaagad si Alrus na tumatawa habang kaakbay ang babae niya. Nasa harap sila ng condo, magkaharap habang nakikita ko ang masayang mukha ng asawa ko. Nanlumo ako habang pinagmamasdan sila. Ang saya niya sa ibang babae. Ang saya-saya niya sa ibang babae. Hindi ko na makita ang sarili ko sa mga ngiti at mata niya. Iba na ang nandoon. Hindi na talaga ako. Napa-isip ako, tama pa ba itong ginagawa ko? Tama pa bang kumapit ako sa kanya samantalang masaya na siya sa ibang babae? Tama pa ba ito? Bakit parang ang sakit na. Bakit parang napapagod na ako. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanila. Ayokong makita na naghahalikan sila sa harap ng mga mata ko. Mabilis akong pumasok sa kotse at pinaharurot iyon papunta sa condo namin. Padabog kong sinarado ang pinto habang inis na inis sa sarili. Naglakad ako papunta sa elevator ngunit may pumigil sa akin. Inis kong binalingan ang lalaking nakangisi ngayon sa akin. Napahinga ako ng malalim. "Hi, doc ganda. Sorry kung nagulat kita. Nandito lang naman ako para ibigay ito. Hindi kasi ako mapalagay hangga't hindi kita nababayaran kaya niluto ko 'tong tilapia at bangus para sayo. Tanggapin mo sana." nakanguso niyang sabi. Nawala ang inis at mabigat kong nararamdaman dahil sa itsura na naman niya. Bumuntonghininga ako at tumango. "Sige. Kainin nalang natin sa condo ko. Tutal ay niluto mo naman yan." sagot ko. Nabuhayan siya ng marinig iyon. Napailing-iling ako sa kanya. He smirked. "Buti pa nga, doc ganda. Mabuting desisyon 'yan!" masigla niyang sabi. Umiling ako at nginisihan nalang siya. Siraulo nga talaga ito! --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD