Kabanata 2

2899 Words
Kabanata 2 Magpahinga "Bakit ngayon ka lang umuwi?" Seryoso ang mukha ko habang kaharap ang asawang isang linggong hindi umuwi. Hindi ko makitaan ng emosyon ang mukha niya. Malamig pa sa yelo. Ni hindi niya manlang ako magawang halikan sa pisnge. Kahit nga pakipagtitigan ay hindi niya magawa. Hindi siya sumagot. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto at walang sabi-sabing nilagpasan ako. Huminga ako ng malalim at gigil na pinikit ang mga mata. Pagkatapos ng masaksihan ko sa condominium, nagising akong parang nalantang dahon. Nawalan na ako ng ganang kumain. Umuwi ako na mag-isa at nalulumbay sa condo namin. Hindi rin siya umuwi ng araw na iyon, umabot pa ng ilang araw bago siya umuwi ngayon. Pilit kong kinakalma ang sarili kahit pa gusto ko ng sumabog sa galit at pighati. Hindi ko kayang maglabas ng galit lalo pa't alam kong galit din siya sa akin. Ayokong sumabog ang condo namin sa pag-aaway. Kahit pa ganito ang takbo ng pagsasama namin, gusto ko paring ayusin ang lahat ng ito. I want everything to make it right. Kahit pa ramdam ko ng ayaw na niya sa akin. I want to work our marriage. I want to stay. Mahal ko siya, at hindi ko basta-basta bibitawan ang kasal namin. Sinarado ko ang pinto at sumunod sa kanya papunta sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto at mabilis na nilagay ang kamay sa balikat niya. Hinaplos ko siya ng marahan. Inamoy ko ang leeg niya para uminit ang katawan niya pero walang epekto sa kanya. Tinanggal niya ang kamay ko sa balikat at umalis sa harap ko. Kinagat ko ang labi at ngumiti ng malungkot. Nakita kong pumasok siya sa banyo kaya nagkaroon na naman ako ng lakas na sumunod sa kanya. Mabilis kong hinubad ang kasuotan ko at pumasok sa banyo. Bumungad sa akin ang hubo't-hubad niyang katawan. Lumapit ako sa kanya at pinulupot ang kamay sa katawan niya. Patalikod ko siyang niyakap at hinaplos ng marahan ang katawan niya. Hindi ko maramdaman ang epekto sa kanya kaya nawalan ako ng pag-asa. "Nang iinit sana ako ngayon dahil sa haplos mo, pero sadyang wala ka ng bisa kaya hindi ko maramdaman." malamig niyang sabi. Napayuko ako at nahiya sa sarili. Kinuha niya ang sabon at nilinis ang katawan. Nakatayo lang ako habang hiyang-hiya sa ginawa. Hanggang sa matapos siya sa pagligo ay nakatayo lang ako. Tinalikuran niya ako at lumabas ng shower room. Namasa ang mata ko dahil sa luhang tutulo. Tumingala ako para mahinto ang luha ngunit huli na dahil mabilis iyong tumulo. Nanghihina akong sumandal sa glass wall, umiyak ng tahimik. Umiling ako at pinahid ang luha. Mabilis akong lumabas at sinuot ang damit. Hindi ako nawalan ng pag-asang ayusin ang pagsasama namin. Lumabas ako at hinanap siya sa living room ngunit wala siya doon. Pumunta ako ng kusina at doon ko siya nakita. Walang gana niyang kinakain ang apple. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "G-gusto mong kumain? Ipagluluto kita." mahina kong sabi. Umiling siya at tinapon ang buto ng apple sa basurahan. "No." maikli niyang sagot. Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin sa kanya. Tumayo siya at umalis kaya naiwan na naman ako. Ano pa ba ang pwede kong gawin para bumalik kami sa dati? Kahit pa alam kong may ibang babae siya, gusto ko paring ayusin ito. Gusto ko paring pahalagaan ang kasal namin. Kahit masakit dahil sa kaalamang may ibang babae siyang kasiping, tatanggapin ko kasi mahal ko siya at mahalaga sa akin ang kasal namin. Lumabas ako ng kusina at natagpuan siya sa living room habang nanonood ng basketball game. Pinilit kong pagaanin ang ambiance sa condo namin. Umupo ako sa tabi niya at ngumiti. Hinaplos-haplos ko ang braso niya ngunit wala paring epekto. Pinigilan ko paring hindi magalit kasi ayokong magkasigawan kami pero ng tumayo siya at kinuha ang cellphone na umaalingaw-ngaw sa ingay doon na kumulo ang dugo ko. Sinagot niya ang tawag kaya napatayo ako. "Yes? Oh, I'm sorry. I'll be there, baby." Rinig ko ang kalambingan sa boses niya. Gigil kong hinablot ang cellphone niya at galit na tinapon iyon sa kung saan. Dumilim ang mata niya sa ginawa ko. Mabilis na namuo ang luha sa mata ko habang nakatitig sa kanya. "B-bakit ka ba ganito huh!? Ginagawa ko ang lahat para mag-work itong kasal natin pero ganito k-ka! Ano ba? A-ano pa ba ang pwede kong gawin para maayos tayo? Sabihin mo sa akin!" umiiyak kong sabi. Nakipagtitigan siya sa akin habang walang epekto sa kanya ang pag-iyak ko. Tumalikod siya at pumasok sa kwarto namin. Napahinga ako ng malalim, bumukas ang pinto at lumabas siya habang may dala-dalang papel. Inabot niya iyon sa akin at pinakita. "Anong pwede mong gawin? Ito! Pirmahan mo 'to para makalaya ako sayo!" malamig niyang sabi. Natulala ako sa nakikitang annulment paper. Nandoon na ang lagda niya kaya mas lalo akong nanghihina. Kailangan pa siya nagkaroon ng ganito? Kailangan niya pa gustong makipaghiwalay sa akin? Umiling ako habang tumutulo ang luha. "B-bakit?" mahina kong sabi. Bumuntonghininga siya. "Hindi mo ba nakikita, Samantha? Hindi ako masaya! Hindi na tayo masaya! Wala! Wala na akong maramdaman sayo! Wala na akong maramdaman kahit anong haplos mo! Para ka nalang hangin na dumadampi sa akin sa tuwing malapit ka. Hindi na ako masaya sa pagsasamang ito! Ayoko na! Gusto ko ng makawala sayo!" buong lakas niyang sabi. Umiling ako habang tumutulo ang luha. "H-hindi. Hindi tayo pwedeng m-maghiwalay," punong-puno ng sakit kong sabi. Umiling siya at tumingin sa akin ng malamig. "Hindi na kita mahal. Hindi ko na ramdam yung pagmamahal ko sayo. Wala na. Awa nalang ang meron sa puso ko para sayo. Hindi ko maramdaman ang saya sa tuwing nakikita kita. Hindi ko na ramdam ang kaginhawaan sa tuwing kasama kita. Wala na akong maramdaman at gusto ko ng makipaghiwalay kasi nasasakal lang tayo sa patay na pagsasama." walang puso niyang sabi. Umiling ako at galit na kinuha ang annulment paper. Galit na galit ko 'yung pinunit sa harap niya. Habang tumutulo ang luha, pinakita ko sa kanya na hindi ako pipirma. Na hindi ako makikipag-hiwalay. Na gusto ko pang lumaban kasi umaasa pa ako sa kanya…sa pagmamahal ko at sa kasal namin. O, kay tagal na Kong nag-aantay Kahit malayo Na ang nilakbay Ayokong bitawan ang kasal namin at pagsasama kasi mahal ko siya. Umaasa akong maaayos pa ito kasi gusto ko paring maramdaman yung pagmamahal niya sa akin noon. Gusto ko paring maramdaman yung lalaking pinakamamahal ko. Lahat ng ginawa namin. Lahat ng pinagsamahan namin. Lahat ng nangyari sa amin noon, lahat ng iyon ay gusto ko paring alagaan at hawakan. "G-gusto mong makipaghiwalay kasi para sa babae m-mo! Kasi gusto mong maging malaya ka para sa kanya! A-ano ng nangyari sa ating d-dalawa, Alrus? H-hindi naman tayo ganito noon huh! M-mahal mo ako diba? M-mahal mo ako e," umiiyak kong sabi. Nandirito parin ako hanggang ngayon Bitag ng lahat ng emosyon Paano nga ba kumawala? He smirked sarcastically. "Stop it, Samantha! And yes! May ibang babae ako! At sa kanya ko nararamdaman lahat ng naramdaman ko sayo noon! Yung saya, yung kaginhawaan, yung lahat ng naramdaman ko sayo, nasa kanya na! Sa kanya ko na nararamdaman lahat, Sam! And I want you to set me free because I am serious with my girl right now." he said directly. Paano lumaban kung suko ka na? Paano umibig kung ayaw mo na? Ika'y nanatili sa aking tabi At pinaalala mo sa akin Nandito ka parin I shook my head. Mabilis akong lumuhod sa kanya habang hindi magkamayaw ang luha ko. Lumuhod ako habang umiiling-iling. "P-parang awa mo na, wag mong gawin sa akin ito, Alrus. G-gagawin ko ang lahat h-honey. Wag mo lang ako iwan. P-parang awa mo," I said pleadingly. Nakikipaglaban Sa bawat hakbang Nagpapanggap na Ako'y matapang Naalala ang mga nakaraan Lahat ng mga natalong laban Ang pagsisisi, tinanggal sa huli Hinila niya ako patayo ngunit hindi ako nagpatinag. Niyakap ko ang hita niya, sinubsob ko ang mukha doon habang bumubuhos ang marami kong luha. He tried to pull me up again but I didn't move. "f**k! Tumayo ka dyan! What are you doing, Samantha!" he said frustratedly. I shook my head while crying. "P-parang awa mo na, Alrus. Don't do this to me. I l-l ove y-you. M-mahal na mahal kita honey," I said pleadingly. Paano lumaban kung suko ka na? Paano umibig kung ayaw mo na? Ika'y nanatili sa aking tabi At pinaalala mo sa aking Nandito ka parin "Stop it! f**k! Stand up, Anne Samantha! I said stand up." he said furiously. Hindi ako nakinig. Mas lalo ko siyang niyakap. Hindi ko siya bibitawan. Hindi ako bibitaw kasi mahal ko parin siya. Mahal na mahal ko siya! Ayokong lumisan siya sa akin. Ayokong bumitaw. Ayokong sumuko. Gusto kong ayusin lahat ng ito. Gusto kong bumalik kami sa dati. Gusto kong manatili. Ayokong bumitaw. At kahit maling nadaanan Hindi mo iniwan At ako'y pinaglaban Lahat man ay naglaho Tinupad ang pangakong Hinding-hindi ka magbabago "W-wag mo akong iwan. Wag mong gawin sa akin 'to. Wag mo akong iwan, p-parang awa mo." pagmamakaawa ko parin. Mahirap lumaban 'pag suko ka na Ako'y 'yong inibig kahit nasaktan kita Ikay'y nanatili sa aking tabi at Pinaalala mo sa akin Ako'y sa'yo parin He sighed heavily. Malakas niya akong tinulak palayo sa kanya. Umatras siya at galit akong tinignan. Lumapit pa ako sa kanya habang nakaluhod, pilit inaabot ang lalaking ayaw kong bitawan. Umiling siya at tinalikuran ako. Pumasok siya sa kwarto namin kaya nanghihina akong tumayo para sumunod. Bumungad sa akin si Alrus na nagmamadaling pinapasok ang mga damit niya sa isang bag. Umiling ako habang tumutulo ang luha, pinipilit kong hablutin ang bag sa kanya ngunit masyado siyang malakas. "A-anong ginagawa mo? Aalis ka talaga! Iiwan mo talaga ako, Alrus? Ganito na ba kawalang kwenta ang kasal natin huh? Dahil sa nabigong mga anak natin, iiwan mo ako! Ganun ba? Gusto mong makipaghiwalay dahil hindi ko nabuhay ang mga anak natin?" punong-puno ng hinanakit kong sabi. Tumigil siya sa paglalagay ng damit sa bag. Madilim na madilim ang mga mata niya ng humarap sa akin. Magsasalita na sana ako ng mabilis na tumilapon ang kamay niya sa pisnge ko. Napanganga ako sa ginawa niya. Gulat na gulat, sumabay pa ang luha ko. Kumirot ang pisnge ko at alam kong bumakat ang kamay niya doon. "You don't have the right to say it in front of me! Hindi mo pinahalagahan ang mga anak natin! You killed them! You killed my child!" asik niya. Namamanhid na ako sa sampal niya, sumabay pa ang mga salitang tumusok sa puso ko. H-hindi ko sila pinatay! Hindi ko ginustong mawala ang mga anak namin! Hindi ako mamamatay tao! Mahal ko sila! Mahal ko sila! Gigil at galit niyang hinawakan ang magkabilaang balikat ko. Ramdam ko ang galit niya sa pagkakahawak sa akin, at alam kong magkakapasa ako doon. "Wala kang kwentang asawa! Wala kang kwentang ina! You let them die! You let my children died! Anong klaseng ina ka huh!? Anong klaseng babae ka!? Kaya kahit lumuha ka ng dugo o lumuhod ka ng paulit-ulit, hinding-hindi mo na maibabalik ang sigla sa atin! Matagal ng patay, sabay sa pagkawala ng mga anak ko!" he said frantically. Padabog niya akong binitawan, dulot ng panghihina ng katawan ay bumagsak ako sa sahig. Manhid na manhid na ako sa lahat ng ginawa niya. Hindi ko na alam ang sasabihin. Naubusan ako ng lakas kaya kahit ang pigilan siya ay hindi ko na magawa. "Kung bibigyan ako ng pagkakataon na magmahal at bumuo ng pamilya ulit, hinding-hindi ko pipiliin ang katulad mong babae. Wala kang kwentang tao. Ayoko na sayo at hindi na kita mahal. Kaya please lang, palayain mo na rin ako." malamig niyang sabi. I was lost for words. Hindi ko na siya napigilan ng tuluyan na siyang umalis. Hinang-hina ako at ramdam na ramdam ko ang pagdurugo ng puso ko. Sobrang sakit ng mga sinabi niya. Sobrang sakit ng pinamukha niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang punyal ang mga sinabi niya at sinaksak iyon ng maraming beses sa puso ko. Yumuko ako kasabay ng maraming luha na umagos. Hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyari dahil nilamon ako ng kadiliman. Rinig ang mga tawa ng baby, napamulat ako sa tinig na iyon. Napatulala ako habang nakatitig sa pintong nilabasan ng asawa ko. Nakahiga ako sa sahig at nilalamon ng lamig ang katawan ko. H-hindi ko pinatay ang mga anak namin. Hindi ko sila pinatay. Hindi ko ginustong mawala sila. Hindi ko sila pinatay. Paano lumaban kung suko ka na? Paano umibig kung ayaw mo na? Ika'y nanatili sa aking tabi At pinaalala mo sa aking Nandito ka parin Mahal na mahal ko sila. Mahal ko ang anak namin. Hindi ko gugustuhing mawalan ng anak kasi alam kong iyon ang ikakasaya ni Alrus. Alam kong gusto na niyang magkaanak. Hindi ko kailanman gugustuhing mawalan ng mga anak. Mahirap lumaban 'pag suko ka na Ako'y 'yong inibig kahit nasaktan kita Ikay'y nanatili sa aking tabi at Pinaalala mo sa akin Ako'y sa'yo parin Umiling ako at mahinang umupo. Tumutulo ang luhang ubod ng sakit. Huminga ako ng malalim at tumayo. Kitang-kita ko ang mga nakalat na damit. Nanghihina kong pinulot ang mga damit at binalik isa-isa sa lalagyan namin. Pagod na pagod akong lumabas ng kwarto, bumungad sa akin ang papel na pinunit ko kanina. Muling bumalik sa aking mga alaala ang nangyari kanina. Gusto niyang pirmahan ko ang annulment paper na hinanda niya kasi gusto na niyang makalaya sa akin at magsama na sila ng babae niya. He want to get rid of me. He want me gone. P-pero hindi ko pa kaya. Hindi ko pa siya kayang palayain. Ayaw ko pang bitawan ang mga alaala namin. Gusto ko pang sumubok sa amin. Gusto ko pang manatili. Mahal na mahal ko siya, at ayokong bitawan ang ugnayan namin. Nilinis ko ang lahat ng kalat. Pagkatapos ay lumapit ako sa cellphone at tinawagan ang mata ko kay Alrus. "Yes, doc?" Napabuntong-hininga ako. "Ramona, can you find him?" "Sure, doc." Si Ramona Esmael ang naging mata at tagasunod ko kay Alrus. She was a waitress before when I get her to stalk my husband. I trust her. Siya ang nangangalap ng impormasyon sa mga ginagawa ni Alrus. Siya ang naging katulong ko sa mga nangyayari ngayon. "Doc, nakita ko na siya. Nasa isang fine restaurant sila. Kasama niya ang kabit habang nagsusubuan sila ng pagkain." My assistant said. Yumuko ako at nawalan na naman ng pag-asa. Malungkot akong ngumiti. "P-pwede ba tayong lumabas? Kailangan ko kasi ng iiyakan ngayon e." "No prob, doc! Kita tayo sa Luneta Park." Tumango ako at pinatay ang tawag. Pumasok ako sa loob ng kwarto at nagpalit ng damit. Suot-suot ang sweater, matamlay akong umupo sa tabi ni Ramona. May limang beer sa gitna namin, ang isa ay bukas na para sa akin. She give it to me, so I accept it. I smile sadly. "Wala talagang kwenta ang asawa mo." paunang salita niya. Bumuntonghininga ako. "Pinapanood ko sila habang kumakain sa restawran na iyon. Naku, gusto kong sampalin at saktan yung kabit! Bwesit na bwesit ako!" inis niyang sabi. I smiled sadly. "H-he wants me to sign the annulment paper, Ram." mahina kong sabi. Natigilan siya sa pag-inom ng beer. "Seriously?" I nodded and sighed deeply. Ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko. Punong-puno na ako ng hinanakit sa kanya. "O-oo. He tell me that he was serious with the girl now. He want to get rid of me. Pinamukha niya sa akin na wala akong kwentang tao. Na mamamatay tao ako kasi napabayaan ko ang anak namin. G-galit na galit siya. Suklam na suklam sa akin." nanghihina kong sabi. She caressed my back. Mabilis na nagsihulugan ang mga luha ko sa mata. Ang sakit lang marinig na sasabihin niya iyon sa akin. Of all the people, siya pa talaga ang magsasabi nun? Asawa ko pa talaga? "Na lahat ng nararamdaman niya sa akin noon ay naramdaman niya sa ibang babae ngayon. Alam mo 'yun? Ako yung nauna, pero sa iba ang wakas." umiiyak kong sabi. "Shhh, it's alright doc. Minsan, mas makabubuting umiyak din at ilabas lahat na naipong galit at hinanakit e. Minsan kailangan ding mapag-isa para makahinga. Hindi naman magbibigay ng pagsubok si God kung hindi natin makakaya. Sa ngayon, Oo umiiyak ka at nasasaktan pero alam kong dadating ang panahon na ikaw naman ang iiyakan at pagmamakaawaan." she said. Tumango ako kahit pa umiiyak. Mabilis kong tinungga ang beer at ininom iyon. Hindi na ako sumagot, inubos ko lahat ng beer na binili niya. Nagpakalasing ako para makalimutan ang nangyari ngayon. Nagpakalasing ako para makalaya ng pansamantalang sakit na nararamdaman. Sakit na naidulot niya. Pinikit ko ang mata habang hindi na alam kung nasaan ako. Basta'y bigla ko nalang naramdaman ang malambot na kama. Naramdaman ko ding may tumatanggal sa suot kong sapatos kaya umungol ako. "Shhh, matulog ka na doc. Minsan, mabuti ding magpahinga. Magpahinga mula sa nakamamatay na mundo. Rest, Sam." Boses ni Ramona iyon. Napangisi ako dahil hinatid niya pa ako dito sa condo. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang pumapasok sa isip ko. Lasing na lasing ako at gusto ko ng magpahinga. Magpahinga mula sa masakit na pinagdaanan ngayon. Magpahinga saglit at susubok ulit kapag malakas na. Kapag matibay na muli ang puso at handang masaktan sa panibagong pag-ulit. --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD