ELIZA POV Kahit anong kuskos ko sa buo kong katawan ay pakiramdam ko pa rin ay ang dumi- dumi ko na. Hindi ko maintindihan ang aking sarili magmula ng magkasalubong na naman muli ang landas namin ni Enzo ay para akong pinapatay ng aking konsensiya. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Wala naman kami. Ang aming pinagsaluhan ay pawang dala lamang ng init ng aming mga katawan. Bunga ng kahapong pagsinta ng aming kabataan at nang muling magtagpo ay hindi na napigilan ang mga sarili. He is just a fantasy of my teenage past. Hindi siya ang nararapat para sa akin. Si Anton na ang aking ngayon at ang aking hinaharap. Siya ang tunay na nagmamahal sa akin. Nandiyan parati sa oras ng aking pighati at kahirapan. Hindi dapat ako nakokonsensiya dahil wala naman kaming relasyon at wala naman kaming pinan

