ENZO POV Kanina ko pa minamanmanan ang walang hiyang amain ko dito sa casino. Hindi niya ako napansin dahil abala ito sa kanyang baraha. Mukhang talo na ito sa sugal base sa mukha nitong aboredo na. Nakaantabay din ang mga agents na huhuli sa kanya. Hindi na ako dumulog sa mga kapulisan sa pagdakip sa kanya. Nabayaran niya na ang batas. Ilang taong malaya ang amain ko sa brutal na krimen na kanyang ginawa. Hindi nagtagal tumayo na si titodad at mukhang nag-usal pa ng mura sa galit nitong mukha. Ayon pa sa aking nakalap na impormasyon sa management ng casino halos gabi-gabi ay narito si titodad at madalas natatalo ng milyones. Pinagtakhan ko kung bakit may salapi pa rin si titodad kahit wala na itong access sa kumpanya at wala na itong kabuhayan. But every puzzles here in my mind were a

