THIRD PERSON POV Napangiti ako ng pagak habang binabaybay ko ang daan pauwi sa aking tinutuluyang apartment. Ang nirentahan kong matutuluyan ni Eliza habang naririto siya sa siyudad. Gamit ang aking Yamaha Aerox 155 na palagi kong kasakasama sa aking ekspidisyon saang panig ng bansa o lugar. Pakiwari ko ay hari ako ng kalsada sa tuwing pinapatakbo ko itong motorsiklo. Sa mundong ginagagalawan ko na bawat kilos ay alerto at maliksi. Hindi puwede ang papatay- patay at palamya-lamya. Hindi ko man ninais ang ganitong buhay pero wala akong pagpipilian pa. Kailangan kong mabuhay at panagutin ang mga taong naging dahilan ng aking kasawian at kalungkutan. Isa akong putok sa buho. Walang nagmamahal, walang pamilya. Nag-iisa sa buhay ngunit dahil kay Eliza nagkaroon ng saysay ang buhay ko. Kat

