ELIZA POV “Ayieeeh… ikaw na talaga ang nanalo… girl, sayo na ang korona… hehehe!!,” malakas na tili ni Rica na nakapasok na pala sa aking silid kung kaya’t naggising ako sa aking mahimbing na tulog. “Shhhh… ano ka ba Rica!!! Ang aga- aga pa ay nambubulahaw ka ng tulog ko!!!,” anghal ko pa na hindi man lang idinilat ng mga mata. “Anong aga-aga, tanghali na kaya! Kaya gumising ka na diyan at naghihintay na sa iyo ang iyong masugid na manliligaw…yieehhh… may pa flowers pa… heheh… bangon na riyan at maligo ka na… dali na… hindi dapat pinaghihintay ang poging iyon!,” daldal pa ni Rica na kinaladkad na ako patayo kaya’t napadilat na ako. “Lang hiya naman Rica… wala akong planong magpaligaw kahit gaano man iyan kapogi!,” hiyaw ko pa sa inis. Bumalik ako sa paghiga at nagtalukbong ng comforte

