ELIZA POV Abalang- abala ako sa maghapon na hindi ko na napansin na alas singko na pala. Ang dami kong papeles na nireview at pinirmahan. Hindi nga magkaugaga si Rica sa pagbitbit ng mga dokumento para matapos ko lang lahat sa araw na ito. “Time check its 5:02 in the afternoon… time to go home!,” may paunat- unat pa ng katawan na sinabi ni Rica ng matapos na nitong mailigpit ang mga gamit sa desk nito. “Oi… saan ka pupunta? nakalimutan mo bang mag- oovertime tayo ngayon, ha?,” pigil ko sa kanya. “Haist… Madam Chairman, awat na!!! Haist… maaga yata akong magkakawrinkles nito… may bukas pa naman… please!!! The night is young and I am free to enjoy… babuuu!!,” hindi ito nagpatinag at derederetsong lumabas ng opisina. Napabuntong- hininga na lang talaga ako sa kawalan sa inasta ni Rica. O

