Leave...
"Kapag pangit iyan, uulitin mo talaga iyan," bulong ko habang nakayukyok ang aking ulo sa lamesa.
Wala pang lunch at wala ako sa mood makipag asaran. Maagang natapos ang morning classes dahil may emergency meeting ang mga teachers at mamayang hapon na magreresume ang mga klase.
Itong si Aedree ay pinagdiskitahan ang nakatirintas kong buhok at inalis iyon. Now he's trying to braid it again pero kanina pa siya paulit ulit at tila hindi nakukuntento sa ginagawa.
"Kuya hindi marunong. You're ruining her hair!" nadinig kong turan ni Grey bago ko naramdaman ang pares ng ibang kamay na halos sumabunot na sa aking buhok.
Hindi pa din ako nag abalang mag angat ng tingin. I've gotten used to their antics. And Grey, minsan ay pinagbawalan na ako ni Aedree na makipag interact with her. Hindi na din ako nagtanong dahil minsan ay parang may kakaiba sa kanya. What's even weird is that they don't usually say that she's a Puntavega. I heard a teacher asked for her and said something about being an Allejo. And she called her Lantis.
Basta sabi ni Aedree ay isipin ko na lang na invisible si Grey minsan, which is quite hard kase nakakakilabot ang mga tingin niya madalas. May mga panahon pa na hindi ko siya napapansin at magugulat na lamang ako na nasa tabi ko na pala.
Napaungol ako ng maramdaman ang paglakas ng hila ni Grey sa aking buhok.
"Lantis," saway dito ni Aedree. Napakunot ang aking noo. Ang dami ding nickname ng babaeng ito.
Hindi ko na alam kung ano ang pinag uusapan nila ngunit naramdaman ko na lamang ang pagluwag ng paghawak ni Grey sa aking buhok kung kaya't nakahinga na ako ng mas maluwag. Parang gusto niya yata akong makalbo.
Nag angat ako ng tingin at napalingon sa direksyon ni Aedree. He was sitting sideways, ang mga hita ay nakapagitan sa bench habang ako naman ay nakaupo paharap sa lamesa. If you look at us closely ay halos nakaupo na ako sa pagitan ng kanyang mga hita.
For some reason, I started to feel uncomfortable. Masyadong...malapit. and I prefer to have my personal space.
My eyes caught his piercing stares kung kaya't nag iwas ako ng tingin.
Ayan na naman ang mga mata niyang mapang akit. I never really pay so much attention to them dahil alam ko naman sa sarili kong may itsura talaga ang lalaking ito but lately, I am starting to notice every feature of his face. At ngayon ay palagi kong napupuna ang kanyang mga mata.
Para ako nitong hinihila sa kanya palagi. Maganda din naman ang mga mata ni Enzo, bakit ako napapatulala sa mga mata niya?
But it's better now dahil last week ay ang plump lips naman niya ang napagdidiskitahan ko.
Gusto ko kong mangisay bigla kapag naaalala ko ang mga kamunduhang naiisip ko last week dahil sa labi niya. Feeling ko ang manyak manyak ko!
Bahagya pa siyang yumuko at parang wala lang sa kanyang pilit na sinisilip ang aking mukha.
"Nagbablush ka ba? Kinikilig ka no?" nang iinis na naman niyang turan. Parang may kung anong lumukso sa aking tiyan.
Ge'ez!
"Usod," pagtataray ko. Napayuko na naman siya at agad na tumingin sa akin. Ang lakas bigla ng kabog ng aking dibdib.
My God, ano ba to?
"Mas malapit? Aba naman Caitlin, baka tyansingan mo na ako nyan," nakakaloko niyang turan.
Hinampas ko ang kanyang balikat sa sobrang inis.
Ito ang bagay na nahirapan akong sanayin ang sarili ko mula ng makasama sila. Masyado niyang pinapagaan lahat ng bagay. Dinadaan niya sa biro but that's what made me feel at ease too.
Ewan ko ba, sobrang weird. But despite me being so annoyed with him, there's also something that I realized...
I trust him. I've come to trust this Puntavega kahit pa nga sobrang ikli ng panahon ko siyang nakasama kumpara kay Enzo.
With him, he doesn't filter his words when he's with me.
But he is still annoying.
Nalukot agad ang aking mukha ng imbes na masaktan ay lalo pa siyang natawa sa aking inasal.
"Sungit naman. Hindi ka ba magbabasa ngayon?" taka niyang tanong.
Madalas kase ay pumapasok ako sa library upang magbasa. Madalas din ay doon niya ako nahahanap kapag hindi ko trip makita ang mga pinsan niya.
Agad ko siyang inirapan ang hinampas na ang kanyang kamay.
"Oo nga. Magbabasa na lang ako kaysa kausapin ka. Tabi," itinulak ko siya ng bahagya at tumayo na sa bench.
Nakita ko pa si Ulap at Lexo na napatingin sa aking direksyon. Sa sobrang inis ay binelatan ko ang dalawang tukmol na mabilis namang humanti sa akin.
Bwisit talaga.
"Huwag kang manlalalaki sa loob Cait, bahala ka takot yang mga yan sakin," pang iinis niya kung kaya't nilingon ko pa siya para irapan.
Kung di ko pa alam ay pinarinig lang niya iyon sa mga babaeng dumadaan. Bwisit talaga siya, ginagawa niya akong shield!
Sa sobrang inis ay umikot ako pabalik at mabilis ang mga paang tinakbo siya tsaka pinaghahampas sa balikat, ang malakas niyang halakhak na talaga namang nakakahawa ay pumuno sa paligid.
Bigla naman akong napahinto ng hulihin niya ang aking kamay.
He then flashes his beautiful smile that made my heart waver for a bit.
Shit.
Parang bumagal ang takbo ng oras at tanging ang kanyang ngiti lang ang naging sentro ko.
"Ang ibig kong sabihin, mag iingat ka. I'll be ther if you need me. You know I got your back," nakangiti niyang turan at para na lamang akong natauhan mula sa aking pagkakatulala ng bigla niyang guluhin ang aking buhok.
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal natulala ngunit sinikap kong talikuran siya at magpanggap na walang nangyari.
Napahawak ako sa aking dibdib, "Stop stirring me up..." bulong ko.
I can't help but be terrified. I know who I like. I like Enzo. But I'm so afraid whatever I have with Aedree now is temporary.
Bitbit ang aking baunan ay dirediretso na akong naglakad patungo sa library. Imbes na sa nakaugalian at mabilis akong nagtungo sa pinadulong bahagi ng library. Madami doong libro na hindi ko pa nababasa.
Dahan dahan akong naglakad sa pinakadulong pasilyo, ang aking mga mata ay nakatutok na sa bawat librong aking matatanaw.
My free hand felt the tingling sensation crawling through my skin as I touch every book that I can....
Napapikit ako ng bahagya. Mas nakakakalma talaga sa akim ang paghawak ng libro kaysa ang magmeditate.
Masyado akong focus sa pagtingin ng mga libro na hindi ko na napansin ang pagsunod sa akin ng isang baabeng mukhang delubyo ang pagmumukha.
Nagulat na lamang ako ng madinig ang nakakabwisit niyang tinig na nagpatigil sa akin.
"Istorbo..." hindi ko napigilang bumulong.
Ayaw ko sanang lumingon but what she just said caught my attention. Mabilis akong nakadampot ng isang libro bago siya nilingon.
"I'm sorry, what?" napaawang ang aking labi sa sinabi si Catherine. Nasa pagitan kami ng mga book shelves matapos niya akong sundan ng kumuha ako ng libro. Medyo.malayo ito sa mga students at iilan lang ang nagagawi sa parteng ito ng library.
Nakakagulat na bigla niya akong sinundan. Nakasanayan ko na na magkasama sila sa ganitong oras ni Enzo. He barely have time for me these past few months.
Yes, halos patapos na ang klase ngunit hindi na bumalik sa dati ang samahan namin ni Enzo. O baka naman ako lamang ang nakaramdam noon dahil he treats me like nothing's wrong sa tuwing nakikita niya ako.
"You heard me. Ginagamit ka lang ni Aedree to get back on me dahil binasted ko siya dati. You're Enzo's friend so I care about you,"
Napaangat ang aking kilay sa kanyang isiniwalat. She cares about me daw ngunit bakit ang pakiramdam ko ay may ibang pinupunto ang tono ng pananalita niya?
There's just something in her that doesn't sit right with me.
Napahigpit ang aking hawak sa librong nadampot ko kanina, front ko sana habang kumakain. Pero ngayon ay parang nawalan na ako ng gana.
"So you mean, Aedree likes you too?"
Kinagat niya ang pang ibaba niyang labi at nahihiyang tumango. Halos mamilipit na yata ang kanyang katawan sa kakaikot.
Parang ang sarap baliin ng baywang nitong babaeng tikling na to.
Napabuga ako ng hangin at pinigilan na ang sarili na irapan siya. Okay naman sana ang tanghali ko pero sinisira niya pa e.
"I know you two are not really together. Hindi ba't si Enzo naman talaga ang gusto mo?"
Lalong kumunot ang aking noo.
"Ano naman sa'yo?" hindi ko na napigilang magtaray.
Ano bang pakialam niya?
Tsaka hindi ko naman yata nadinig na may gusto sa kanya si Aedree dati o kaya naman ay nabalitaan man lang na niligawan siya nito. Masyado naman yata siyang maganda para mangyari ang bagay na iyon.
I mean, first Enzo and now Aedree?
Parang gusto ko biglang humarap sa salamin ay kwestyunin ang aking sarili. Sobrang pangit ko na ba talaga?
"Ayaw ko sanang sabihin sayo but he's trying to court me again, I mean Aedree," nakuha pa niyang ikawit ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tengga.
Napanganga na ako at nanlalaki na ang mga mata.
"Ikaw nililigawan niya? E alam niya kalandian mo si Enzo," hindi makapaniwla kong turan.
Ang feelingera naman pala talaga ng babaeng ito. E kung hilahin ko kaya ang buhok niya at isabit dito sa mga book shelves para hindi na niya problemahin pang ikawit kawit sa gilid ng tengga niya?
Binasa niya ang kanyang labi at nagpalinga linga pa sa paligid, akala mo talaga takot na takot na may makarinig ng sinasabi niya. Pinagsalikop niya ang kanyang kamay at tila hiyang hiya pa.
Come to think of it, halos namumula na ang kanyang pisngi. But the weird smile on her face didn't get past through me.
Nagsalubong na ang aking kilay at naiinis na. She looked so delusional. Naluluka na yata ang babaeng ito!
"Huwag mo na lang sanang banggitin kay Enzo o sabihin kay Aedree ang sinabi ko dahil baka kung ano ang gawin nila," mahinhin nitong turan. She wasn't even batting an eyelash while telling those lies.
My lips parted. Napakaseryoso ng kanyang ekspresyon at halos gusto ko ng maniwala but my mind refuse to believe what she just said, lalo na sa part na gusto siya ni Aedree.
I've known him for some time now. Buwan na at kahit kailan ay hindi ko siya nakitang may nilingon man lang na babae. And everyone in the school started assuming that we were dating kahit pa nga wala akong sinasabi tungkol sa bagay na iyon.
"Excuse me but I don't think Aedree likes you even for one bit. Kase kung gusto ka niya, you wouldn't be dating Enzo now."
Totoo naman ang bagay na iyon. I don't think Aedree is the tyoe to let go of someone he likes. So kung totoong gusto niya si Catherine, I doubt she and Enzo will be together.
"And to be frank?" pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa at inalala kung paanong lampasan ng tingin ni Aedree ang bawat babaeng dumadaan para magpacute sa kanya.
Alam ko iyon dahil kahit kasama nila akong magpipinsan ay may lumalapit pa din sa kanila. Para silang magnet na kusang nahihila palapit sa kanila ang nga tao kahit pa nga hindi nila ito gusto.
Naisuklay ko ang aking kamay sa gilid ng aking buhok bago siya muling tinitigan, "I don't think you're actually his type," dugtong ko na ikingulat niya.
Napansin ko ang kanyang naging paglunok at pagkabalisa bago pilit na ngumiti.
Hindi ko napigilang mapangisi. Naging malikot ang kanyang mga mata at nawala na hinhin na palagi niyang ipinapakita sa lahat.
"What do you mean?"
"What I mean is, hindi ka kagandahan para bastedin ang isang Aedree Puntavega,"
Naisip ko pa lang na maging girlfriend ni Aedree ang babaeng ito ay natatawa na ako. Baka literal na pagulungin siya nila Ulap at Alexo pag nagkataon. I don't think she's the type who can deal with those guys. Tsaka kung niligawan siya ni Aedree, imposibleng hindi ko malaman dahil sa sobrang tabil ng bibig ni Ulap. Ang bansot na iyon, kaya niya yatang ikwento ang buong pagkatao ng mga kuya niya!
Napaawang ang aking labi ng mag iba ang kanyang ekspresyon at bigla ng napangisi.
"Paano mo nasabi? Si Enzo nga na patay na patay ka ay nagkagusto sa akin. How sure are you na hindi ako type ni Aedree? Bakit, sa tingin mo ba ay sa isang tulad mo siya magkakagusto?"
Parang bigla na lamang nag init ang aking ulo sa kanyang sinabi at tila sasabog na ito. This girl is really pushing me to my limit!
Lumabas din ang tunay na kulay ng bruha! Napakakati! Una ay si Enzo, ngayon naman ay maging si Aedree ay gusto yatang akitin ng makating babae na ito.
"Are you playing with them? Are you playing with Enzo?!" halos mag apoy na ang aking mga mata sa sobrang galit.
Despite what's happening between the two of us, hindi pa din ako makapapayag na saktan na lamang niya ang bestfriend ko ng ganon. Hindi ako nagparaya at nagtiis na lumayo sa kanya para lang gaguhin siya ng lintang ito.
"I'm done playing. Sinasabihan lang kita para hindi ka magmukhang tanga kapag iniwan ka na naman ng isa pang lalaki mo,"
"So si Aedree naman ang puntirya mo ngayon? Kating kati ka ba? Kelangan mo ba ng kakamot sayo?"
Napalunok siya at inirapan ako.
"I can get him if I want. Kaya kung ako sayo ay lumayo layo ka na din sa kanya,"
Ang pagtitimping kanina ko pa kinakapitan ay parang marupok na sinulid na bigla na lamang nalagot.
Paano niya naiisip ang mga ganitong bagay?
Sa sobrang inis ay naitulak ko siya kung kaya't halos mapaupo na siya sa sahig, nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat sa aking inasal.
Nanggigigil ako sa kanya. Pakiramdam ko ay nanginginig na ang aking kalamnan sa sobrang inis. Sisipain ko to!
Tumaas baba ang aking dibdib sa paghahabol ko ng aking hininga. Kulang na lamang ay magdilim ang aking paningin sa mga sinabi niya.
"What kind of girl are you? Anong tingin mo sa kanila, laruan? Dyosa ba ang tingin mo sa sarili mo?" hindi makapaniwala kong turan.
Ang kapal ng mukha niyang paglaruan si Enzo! Tapos ngayon ay maging si Aedree ay gusto niya yatang idamay sa mga kalokohan niya.
Galit na tumingin siya sa akin. Malayong malayo ang kanyang itsura sa maskarang araw araw ay nakapaskil sa kanyang mukha. Now I can see how wicked she looked.
"Mahirap bang tanggapin na ang mga bagay na hirap kang makuha ay ganoon kadali lang nakukuha ng iba? Nadudurog ba ang ego mo dahil ang mga lalaking pinapantasya mo ay parang mga bagay na nilalaro ko lamang sa palad ko?"
Natawa ako ng mapakla sa kanyang tinuran.
"Baliw ka palang talaga. Hindi ba naituro sayo yung nouns? Pag identify lang ng tao at bagay hindi mo pa alam. Sabagay, mukhang puro kakatihan lang ang alam mo. Saan mo iyan natutunan? Malamang hindi dito dahil hindi naman ako ganyan. I always pay attention sa mga klase. O baka ganoon lang kase, mas matalino lang siguro talaga ako kumpara sayo?"
"You're crazy! Sino ka ba sa akala mo?"
Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Wala na ang dating mahinhin at hindi makabasag pinggan niyang itsura. All I see is a desperate girl who's clouded with so much greed and she's starting to scare me.
Nagulat na lamang ako ng imbes na tumayo ay bigla na lamang siyang sumigaw sigaw at nag umpisang pagkakalmutin ang kanyang mga braso. Ginulo pa niya ang mahaba niyang buhok bago sinampal ng ubod ng lakas ang kanyang pisngi.
"Xantha, ano ba? Nasasaktan ako!" malakas niyang sigaw.
Umawang ang aking mga labi at parang gulong gulo na sa kanyang pinag gagawa.
Is she crazy?
Nagulat ako ng isa isa ng nagsulputan ang mga estudyante sa paligid at buong paghuhusgang tinignan kami. Others even took out their phones and recorded everthing while she sits there crying.
"I..." walang salitang lumabas sa aking labi, gulong gulo sa nangyayari.
"Bakit ka ba ganyan Xantha? Kinakausap naman kita ng maayos dahil kaibigan ka ni Enzo but why do you hate me?"
Lumakas ang kanyang hikbi at lalo akong hindi nakapagsalita.
Sobrang lakas na ng naging bulong bulungan sa paligid. They were judging me. I know since I've been going through this a lot for a few months now.
I looked around at ni isa ay wala man lang lumapit sa akin para mag usisa. Sa mga mata nila ay ako ang may kasalanan. I know people knew as someone mean but I don't bully people.
"Xantha?" napalingon ako ng madinig ang boses ni Aedree. He was walking at my direction, suot ang seryoso niyang mukha, taliwas sa itsurang aking nakasanayan.
By this time, a lot of students have already gathered around us.
Gusto ko siyang tawagin. Gusto kong tumakbo sa kanya at magsumbong sa mga kalokohang ginagawa ng babaeng ito. I want to cry to him like a baby. Kase pakiramdam ko ay mag isa lamang ako at wala akong kakampi. I feel like everyone is against me.
Nang makita ko siya ay pakiramdam ko mayroon ako agad kakampi.
"Aedree," humihikbing turan ni Catherine bago nagkunwaring nahihirapan siyang tumayo.
Parang nalaglag ang puso ko ng bigla akong lagpasan ni Aedree at mabilis na tinulungan si Catherine. Sobra pa niyang kapit dito na akala mo talaga ay nalumpo na.
"Anong nangyari?" tanong ni Aedree na ang mga mata ay na nasa akin na.
"Caitlin, anong ginawa mo?" he was looking at me like he was so disappointed at what I did.
Parang piniga ang aking puso sa kanyang naging tanong at ang tiwalang kanina ay parang pader na nakatatak sa aking isipan ay parang bula nang natutunaw.
I felt like my chest was hit like a truck. Bakit ang sakit?
"I'm asking you what you did," ulit niya sa kanyang tanong. Ang kanyang mata ay napawi na ang kislap at para akong nilalamon ng galit na aking nararamdaman.
Nagtama ang aming mga paningin at hindi ko nakuhang itago ang sakit na bigla kong naramdaman. How could he? Bakit ako yata bigla ang ginigipit niya?
I watch as his hands surrounds her, guiding her so she can stand. Damang dama ng babaeing ito ang kunwaring p*******t ko sa kanya at talagang napapaniwala na ang lahat.
Ang hindi niya alam ay baka maunahan pa siya ng babaeng iyan sa takbuhan.
A weird laugh escaped on my lips at bahagya akong nag iwas ng tingin. Parang tinatambol ang aking dibdib sa lakas ng t***k niyon.
Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na pati siya ay parang kaya na akong talikuran when for months ay ni hindi niya pinansin ang lahat ng nangyayari sa paligid ko.
Umakto siyang parang kaibigan at sinamahan ako sa lahat ng panahon na iniwan ako sa ere ni Enzo.
But now....
"Bitawan mo siya..." hindi ko napigilang turan at mukhang ikinagulat niya. Wala na akong pakialam kung magmukha akong sobrang sama lalo sa paningin ng lahat.
I don't care.
Pero hindi ko matatanggap na sa pagitan namin ni Catherine ay sa kanya siya papanig.
I've lost Enzo. Bakit naman pati si Aedree ganoon na lamang kung bitawan ako?
Ang mumunting pag asa sa aking dibdib ay agad sumibol ng makita ang paglamlam ng kanyang mga mata. He was looking at me desperately that for a moment, I thought he'd come closer.
Akma sana siyang bibitiw ng biglang magdrama na naman si Catherine na akala mo matutumba. Gusto ko ng mapangiwi dahil hindi ko na masikmura ang palabas na ginagawa niya.
"Sabi ko bitawan mo siya Aedree. Nadinig mo ba ko?" may bigat na ang aking tinig. My face now stoned of emotion.
Kung mayroon man akong nararamdaman ngayon ay baka galit na lamang.
I'm so angry at Catherine for doing this ngunit mas nagagalit ako dahil hindi siya binibitawan ni Aedree. He looked so conflicted.
"Bakit kailangan mong pag isipan? I thought you said you got my back?"
"Huwag kang maniwala sa kanya Aedree. Naiinis yata siya sakin dahil naging kami ni Enzo. Feeling niya pati ikaw ay aagawin ko. Sinampal na lang niya ako bigla,"
Naikuyom ko ang aking kamao at pinigilan ang sariling totohanin ang mga bagay na ibinibintay niya sa akin.
Napabuga ako ng hangin. At this point, I just feel so betrayed.
Nanginginig na ako sa galit at parnag gusto ko na lamang maiyak sa sobrang emosyon.
Bakit parang mas masakit? Mas masakit ngayon kaysa nung ipagsawalang bahala na lang ako ni Enzo?
Was it because I trusted him too much?
Puno ng hinanakit ko siyang tinignan. Wala na akong pakialam sa kung anong sinasabi ng iba.
"Xantha..." tawag niya sa aking pangalan. Nakita ko ang tangka niyang paghakbang ngunit hindi talaga siya binitawan ni Catherine.
Ngumiti ako ng peke.
People will pretend they'll stay with you,.promise they'll never leave but they will the very first chance they got.
May bigat man sa dibdib ay dahan dahan akong tumalikod at iniwan na sila.
I didn't mind the whispers.
I didn't care about everything.
I just want to leave.