Alone...
Naging usap usapan sa school ang nangyari sa library, how I threatened the sweet girl of the campus, my bestfriend's girlfriend. It's funny actually. Para akong isang kontrabida sa isang lovestory na sa totoo lamang ay hindi naman itinadhana. Yes I'm calling it. There's no way that she's the right girk for Enzo.
The students branded me as desperate woman and a bully. But like always, I didn't care.
Wala naman akong pakialam sa kung anong sinasabi sa akin ng mga tao kahit noon pa. Mas lalo nilang pinaniwalaan si Catherine lalo pa nga't hindi na bigla pumasok sila Aedree. Lahat silang magpipinsan ay bigla na lang nawala at walang nakakaalam kung ano ang nangyari. Two weeks na lang din naman at tapos na ang klase. Exams are over too at kailangan na lamang naming magpasa ng mga requirements.
And that made me feel even worse.
Suddenly, I felt used and abused. Pakiramdam ko ay ginamit niya lamang ako para iwasan ang mga babaeng lumalapit sa kanila.
"Hindi ka niya pinaniwalaan. Hindi ka importante," iyan ang sabi sa akin ni Catherine nang minsang harangin na naman niya ako sa library. Ipinagmayabang niya pa sa akin na nagtatawagan silang dalawa.
Imbes na patulan siya ay walang gana ko siyang nilampasan. Kahit pa nga may kung anong pilit na pumipiga sa dibdib ko.
She and Aedree can rot in hell together, for all I care.
Ganoon siguro talaga. Minsan ay hindi magandang ibinibigay mo ang tiwala mo ng basta basta. Masakit kasing umasa. Masakit paniwalain ang sarili na may pakialam ang isang tao sa'yo kahit hindi ka naman sigurado. Mahirap mag assume.
But what I like about what happened is that Enzo found time to be with me again.
Nang gabi ding iyon ay pinuntahan niya ako sa bahay to make sure I was okay. Dahil si Enzo, alam niyang hindi ako magsisinungaling sa kanya. When I told.him what happened, he believed in me.
Enzo has always been like that to me. He knew I am a brat but I never lie. Parati niya akong pinaniniwalaan. He broke up with Catherine and I spent my remaining days in school pissing her off.
I don't need to utter a word to make her feel inferior. Bahala siyang manginig sa galit. She can keep Aedree. Gawin niyang boyfriend tutal sabi niya ay binasted niya ang bwisit na iyon dati!
It's weird though. All this time ay si Enzo ang gusto kong bumalik sa akin ngunit nang mangyari iyong sa library, I wanted Aedree to come to me instead. Gusto kong sabihin niya na naniniwala siya sa akin. Akala ko kase ay totoo ang pinagsamahan namin.
Kahit sa maiksing panahon, pakiramdam ko noon ay mahalaga ako para sa kanya.
For some reason, I want him to tell me na "Xantha, I trust your words" kase iyon ang akala ko e. Akala ko nasa likod ko siya.
But I was wrong.
Mabilis na natapos ang school year at hindi ko na nakita ni anino ng mga Puntavega. And then I heard from Mom that they moved.
Mas mabuti nga siguro. I don't need those kind of people in my life, yung papaasahin ka tsaka ka biglang iiwan.
Mabuti na lang din at hindi naman ako naging malapit masyado sa kanila. Siguro baka kung nagtagal pa ang naging pagsama ko sa kanila ay nadurog ko talaga na parnag paminta sila Lexo at Ulap.
But my heart hurts. My heart hurts because of what happened.
"It's because you like him," nang iinis na turan ni Enzo. Sinimangutan ko siya at walang habas na hinampas siya sa braso. Nakwento ko sa kanya ang bagay na iyon at sa tuwina ay iyon na lamang ang kanyang bukambibig.
"I don't like him! Ang kapal ha, baka siya ang may gusto sa akin!"
Ginulo niya ang aking buhok at ngumisi. "Feeling ko hindi ka din niya gusto. Masyadong may itsura iyon para sa'yo!"
Sa sobrang gigil ay kinurot ko ang kanyang tagiliran na ikinatawa niya lamang lalo.
"Siya ang may crush sakin! I can easily have him if I want. Baka siya ang paiyakin ko!"
He reached for my hands and smiled. That kind of smile I'm so used to seeing on him, "Xantha, you don't play with someone's feeling. Baka magulat ka na lang ay ikaw na pala ang nabalikan. Because between him and you, he's more capable of breaking your heart,"
Hindi na lamang ako kumibo sa bagay na iyon. But deep inside, ayaw kong pumayag. I'm Xantha Caitlin Montano. Hindi isang Aedree Puntavega ang wawasak sa puso ko. One day, mapapatunayan ko din kay Enzo ang bagay na iyan.
Tumagal ang panahon at naging mas vocal ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Mas matanda siya sa akin habang ako ay magkacollege na.
"Bakit ba ayaw mo akong maging girlfriend? I'm not ugly naman!" pangungulit ko sa kanya. Nandito siya ngayon sa bahay dahil may importante daw siyang sasabihin sa akin. Siguro ay yayayain na niya akong magdate.
Tinawanan niya lamang ako sa aking tiruran bago ginulo ang aking buhok. Hinampas ko ang kanyang kamay ay naiinis na inirapan ito. He always treat me as a kid. Nakakinis
"You don't love me Xantha. You're just used to the thought of being with me. Aminin mo na lang na broken hearted ka sa first love mo,"
"Hindi sabi! You're so mean!"
Ngumiti lamang siya at bumuntong-hininga. Enzo and I have been friends for God knows how long. Kaya ang simpleng pag hinga niya na ganyan ay alam ko nang may nilalaman.
Bigla ko tuloy napansin ang madalas na pagbagsak ng kanyang mga balikat at tila alinlangan na bumabalot sa kanyang mukha.
It was as if he wants to tell me something but he can't.
"Ano iyon?" hindi ko na napigilang itanong. We were at the balcony on the second floor at doon napiling magkwentuhan. Kanina ay hinatidan kami ni mama ng meryenda.
Bakasyon naman at ilang lingo na lamang ay magsisimula na naman ang pasukan. Hindi pa ako nakakapag enrol but doon din naman ako sa school ni Enzo mag aaral. Imagine how boring my last year in high school is lalo pa nga at wala siya doon.
Bigla siyang lumingon sa akin at para akong biglang kinabahan. May kung anong umalon sa aking tiyan at parang gusto ko siyang awatin sa kung anuman ang nais niyang sabihin. Kase kilala ko si Enzo. Sobrang kilala ko na siya na alam ko na hindi magandang balita ang sasabihin niya.
"I'm leaving, Xantha..." umpisa niya.
Nalaglag ang aking panga sa kanyang tinuran at para na din akong nabingi sa kanyang sinabi.
Mali ba ako ng nadinig?
Pakiramdam ko ay biglang may gumuho sa aking harapan at bumigat na ang aking pakiramdam. Masyado akong nagulat.
Kase si Enzo, parati lang naman siyang andiyan. Kapag tinawagan ko siya ay pwede ko na agad siyang makita.
He's leaving? Why?
Ayaw na ba niya sa akin?
Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ko dahil bumalot agad ang lungkot sa kanyang mukha. He reached for me and pulled me for a hug.
"Sa ibang bansa ko na daw itutuloy ang pag-aaral ko so I need to leave," bulong niya habang hinahagod na ang aking likod.
Halos mamanhid ang aking katawan sa kanyang tinuran at hindi talaga makapaniwala. My mind refused to process everything that he just told me.
"Mag aaral ka din naman Xantha. Magiging busy ka din," Nagsimula na akong humikbi. Mukhang mas lalo naman siyang nataranta at lumayo bigla.
"I will call you if I can. Kapag bakasyon ay iuwi ako, I promise,"
Kung ano anong pangako na ang kanyang tinuran at ni hindi napagaan noon ang aking nararamdaman.
Hindi ako sanay ng mag-isa.
Umiyak lamang ako ng umiyak ng gabing iyon at maging sila mommy ay hindi ako agad napatahan. Halos ayaw ko ng pauwiin si Enzo ng magpaalam siya. It turns out that he only have one week left to stay at nahirapan lang talaga siyang magpaalam sa akin .
For the rest of the week ay tumambay lamang siya sa aming bahay kahit pa nga hindi ko naman siya agad kinausap.
Sobrang sama ng loob ko. I know it's his parents' decision but I'm just not use to it. Paano na ako? Paano na kapag wala akong classes? Sino na magiging kasama ko?
I have never wished for time to stop but I did. Bakit ganoon? Bakit ang bilis bilis ng oras?
Dumating ang araw ng kanyang pag alis at hindi na ako pinasama sa airport. Walang tigil ako sa pag iyak at talagang hindi agad siya binitawan. If not for Mom na humingi na ng pasensya kila tito, I will really cling into him.
So when he left, pakiramdam ko ay sinama na niya ang diwa ko.
Nagkulong lang ako sa kwarto ng ilang araw. Hindi ko sinagot ang mga tawag ni Enzo kahit pa nga gustong gusto ko siyang makausap. Nagtatampo kase ako. Pwede naman sana akong sumunod para doon na din mag aral but they won't let me.
"Anak, Enzo has responsibilities and a lofe of his own. Kailangan mong respetuhin ang desisyon niya at ng pamilya niya. Hindi habang buhay ay pwede mo siyang kapitan. He has a life too," pangaral ni dad sa akin.
I was so upset. Hinding hindi yata ako masasanay ng wala siya.
Two weeks before the classes starts ay pinuntahan ako nila mom and Dad sa room.
"Baby, I know this is sudden pero it's something that we have to do," kumunot ang aking noo sa tinuran ni Dad.
My mom sat beside me habang nakaupo din ako sa kama.
"We have to move. At doon ka na din magaaral ng college. Maganda naman doon, new environment at siguradong malilibang ka,"
Hindi na ako tumutol sa naging desisyon nila Dad. Besides, it's not like I can do something about it. Trabaho ang dahilan ng paglipat namin and I know that had been struggling dahil madalas siyang umaalis.
Tutal ay wala naman din si Enzo dito. What's the point in staying?
Mabilis na naayos nila mom ang enrollment ko sa bagong school. Malaki din ang bahay na aming nilipatan na halos doble yata ng dati naming bahay. Mas maganda na daw iyon sabi ni Dad dahil umuuwi din minsan ang mga pinsan ko doon.
So the semester started and I am alone...
"Baby, don't worry. I'm sure you'll find a new friend im school," my mom kissed me on the cheeks and wished me a good luck. It's my first day in school and all she wanted was for me to find a friend.
Tough luck though, I don't think may magiging kaibigan ako sa school na to.
Because me, Xantha, is not really a people person. Baka may tusukin lang ako sa mata dito or balibagin ng ballpen. Kung anong mas convenient....