Chapter 1
LIBERTY
“Damn it!” usal na mura ko. I felt so exhausted after talking sa dalawang lalaki sa buhay ko. Lalaki sila pero napaka-pakialamera nila since bata palang ako. They want me, na maging masunurin pero sila hindi magawang makinig sa mga hinaing ko.
Dumiretso ako sa tapat ng couch pagpasok sa loob ng mansyon na mistulang aalog alog dahil ako lang naman ang nakatira doon kasama ang mga kasambahay. Pag-tapat na pag-tapat ko sa couch ay walang ingat na pabagsak akong umupo doon. Hindi pa ako na kuntento sa kaginhawaan na aking nararamdaman kaya naman itinaas ko pa ang aking dalawang paa sa center table habang nakalilis ang suot kong dress. Hindi naman ako natatakot na may makakita sa akin sa ganong istura dahil may panloob naman ako.
“That’s what I called comfortable.” pagod na pagod at tila ubos ang lakas na sabi ko.
I’m doing a lots of training and workout on gym, pero hindi ako basta nakakaramdam ng pagod kahit abutin pa ako ng ilang oras. But talking to my Dad and Lolo for about 15 minutes, daig ko pa ang pinasan ang buong daigdig.
It’s not about staying with them in the same place that made me so tired. Ang nakakapagod ay ang mga advice nilang dalawa—no hindi pala advice ang tawag do’n kundi ang pakikialam nila sa buhay ko. They want me to be a plain housewife like my lola na namatay dahil sa kalaban ni Lolo sa business and also mom who died when I was a baby because she protected me. Ayokong maging mahina na kahit sarili ko lang ay ‘di ko pa mapangalagaan. Ayokong dumepende sa kahit na kanino lalo na sa isang lalaki.
Kaya nga talagang kinokontra ko ang ideyang gusto nilang mangayri. I want my life to be extra different the way they wanted. Wala akong nakikita na imahe ko na maglilinis lang ng bahay at magluluto ng agahan hanggang hapuna, tapos hihintayin na lang ang pagdating ng asawa ko na good provider nga pero maraming side chick.
Okay! Fine! I admit. I was once fooled by a man. Not literally man, bagito ata ang tamang tawag sa kanya. So after that I made a promise. Na wala ng kahit sinong may bayag ang gagawa ng katarantaduhan sa akin, at kung may mag lakas loob man—I’ll make sure na magbabayad siya ng mahal kahit kapalit pa ay buhay niya.
Hinding hindi ko makakalimutan ang lalaking ng hiya at unang dumurog ng puso ko. Lalaking akala ko totoo sa intensyon na paglapit sa akin. Good thing na lang din na nawala na siya sa lugar namin after maghiwalay ng parents niya. Masama na kung masama, but I think; ang paghihiwalay at pagkasira ng pamilya nila ang ganti ng karma.
Back in the story, sa lahat ng araw sa buong taon ang petsa na ito ang ayaw kong sasapit. Every end of the month kasi ay obligado akong maging disenteng babae sa harap ng aking pamilya. Though lagi naman akong disente sadyang iba lang ang basehan nila na hindi naman tumutugma sa standard ko.
Ito na nga ata ang araw na pinakamahirap na dinaanan ko sa tanang buhay ko. Pilit na kasi akong sinusukol ng aking Lolo at Daddy sa paglagay sa tahimik.
Bukod sa palaging pag-ungkat ng pag-aasawa. Pinipilit nila akong maging babae na na ayon sa kanilang standards. Kahit kailan hindi ko naman talaga na hiligan ang magsuot ng mga damit na akala mo ay si Mama Mary o di kaya naman ay walking sanglaan. I want to be simple woman. Dahil ang gusto kong mapansin ng mga tao ay ang dating ng personalidad ko hindi ang yaman na nakasabit sa aking alahas at kasuotan.Sapat naman na sa akin ang mga damit na kayang kaya kong gumalaw ng malaya.
I believe in God and his family. I have high respect and faith in God’s family. Pero hindi ako pwedeng maging katulad ng kadalisayan nila na gusto naman ng aking Ama at Lolo. Wala akong kinalakihan na ina. Ngunit masahol pa sa isang ina na istrikta ang pagpapalaki ng aking Ama at Lolo sa akin. Pero kahit gano’n alam ko naman na hindi talaga ako nakatadhana para maging santa. I want thrilling things. Gusto ko ang gulo kaya hahanapin ko ‘yun, at pupuksain.
“I hate it! I hate my life. Kung maaari lang pumili ng pamilya mas pipilin ko na lang na maging anak ng simpleng manggagawa.” ani ko out of frustration.
Sinong bang hindi basta makakaramdam ng frustration kung malalaman mo na halos ilang anak ng business tycoon ang naka-line up para maka-date? Ang huling naka-date ko pa naman noon ay halos i-sumpa ako matapos kong dalhin sa isang boot camp for training. Kasalanan naman kasi niya e, ang yabang. Sabi niya gusto niyang sabayan ang hilig ko kaya isinama ko siya sa talagang hilig ko.
Buong akala ko pa nga ay baka nga may lalaking makakasabay sa mga trip ko. Pero ang ending halos isang buwan sa ICU ang lalaki. At ang nakakainis pa, kahit ang yaman nila ay sa amin pa pina-shoulder ang medical expenses. Kung alam ko lang hinayaan ko na sana itong mamatay na lang para isang bayaran na lang at mas mabilis ang negosasyon. Hindi ‘yung na obliga pa akong mag alaga ng isang linggo sa lampang sakang na ‘yun.
“Mahabaging langit lady Liberty!” narinig kong ani ng babae na nagpapa-kalma lagi sa magulo kong utak. Medyo natigilan ako at pilit na inayos ang aking sarili at pagkakaupo.
“‘Wag na ‘wag mong sasabihin ‘yan. ‘Wag ganyan anak ko. Masasaktan ang iyong Ama at Lolo. Ako man ay mas masasaktan kung mawawala ka sa amin. Gusto lang naman nila ng assurance na kahit mawala sila, may mga taong magmamahal, mag-aalaga at kaya kang bigyan ng proteksyon. Kaya ganyan na lang sila na panay ang hanap ng perfect match bilang magiging asawa.” tuloy-tuloy na ani ng Ginang na siyang naging takbuhan ko at nakakaalam ng kung sino ba talaga ako.
Napapikit na lang ako dahil sa paglapit at pagdating ng presensya ni Gladys. Ang tanging taong binigyan ko ng karapatan para pakialaman ang buhay ko. She's the only one who deserves that privilege. Hindi ko man siya ka dugo, mahal at nirerespeto ko siya gaya ng pagrespeto niya sa akin—sa mga gusto ko at pangarap ko. Siya lang din ang may alam ng sikreto ko. Sikreto ikawiwindang ng aking angkan oras na malaman nila.
“Glad, I want my freedom. Ayokong mag asawa na lang at matapos na lang doon ang lahat. Marami pa akong kailangan gawin para mas maging buo ang aking sarili. Mahal ko sila at mahal kita, pero hindi ko isusuko ang gusto at mga pangarap ko para lang gawin ang tingin n’yo ay tama. Buhay ko ito kaya mas alam ko kung paano ito patatakbuhin. I’m sorry, hindi ako pasasakop sa taong may bayag nga pero mas may dignidad at tapang pa ako.” puno ng pagtutol at pagsalungat na ani ko sa babaeng mula palang ako’y musmos kasama ko na.
“Malaki ka na nga talaga. Alam mo na ang karapatan mo lalo na ang gusto mo sa buhay. Pero hindi mo ba talaga sila kayang pagbigyan? Ilang beses pa anak, then kung wala susuko na rin ako at hahayaan ka na sa lahat ng gusto mo. Magiging kakuntsaba mo na ako lalo, without hesitation.” malumanay at mukhang nakikiusap na sabi ni Glad sa akin. Isa talaga ang babaeng ito sa kahinaan ko.
“Susubukan kong harapin ang mga lalaking sinasabi nila. Kung hindi pasok sa standard ko at wala ng ibang way out; ako na mismo ang hahanap ng tamang lalaki para sa akin. Lalaking bibigyan ako ng laya at karapatan kunin ang mga pangarap ko. Kung wala akong makitang gano’n, I'd rather die alone having a man that would be a burden to my life.” sumusuko na tugon ko kay Glad na agad naman ngumiti at lumapit sa akin para ako’y yakapin.
Nasabi ko man ang mga ‘yun, ngunit mas preparado akong maging mag isa kaysa may kasamang lalaki sa aking buhay. Hindi ko na alam kung paano ito magbabago? Pero sa tuwing pupunta ako sa date na sinet nila sa akin, mukha ng binatilyong ‘yun ang nakikita ko.
“Hinding hindi kita makakalimutan Ro! You ruined my concept of love at the age of thirteen. If one day will crossed our path again— ibabalik ko sa’yo ang sakit, baka sakaling matuto akong maniwala ulit sa pagmamahal at good intention ng ibang tao lalo na sa hangarin ng isang lalaki.” ani ko sa loob ng aking isip habang yakap pa rin namin ni Glad ang isa’t isa.
“Palayain mo na siya Lib, magulo ang mundo niya noon kaya siguro na gawa niya na masaktan ka. Pareho pa kayong bata noon. Iba na ngayon Lib, Please palayain mo na ang mestisong hilaw na ‘yun.” bulong ni Glad sa akin na waring nababasa ang laman ng aking isip.
Siya lang naman kasi ang may alam ng naganap noon sa akin twelve years ago. Gusto ko namang kumawala kaso hindi ko naman magawa. Ako ang taong mahirap bumitaw ng basta, ng walang na ibabalik na ganti.
"Not that easy Glad. Lahat ng kasalanan may kaakibat na karampatang parusa." tugon ko naman sa kanya na mas humigpit ang yakap sa akin.
Dahil sa higpit ng yakap ng Ginang natauhan ako bigla at iwinaglit ang katauhan kong mapaningil. Ayokong muling makaramdam ng takot si Glad sa akin.