NAGLALAKAD sa hallway ng Mount Sinai Hospital si Railey ng di sinasadyang may bumangga sa kanya. Balak niyang dalawin ang kanyang Mama na naka-confine sa hospital na iyon. “Ouch! That hurts!” sigaw ng lalaking nakabangga niya. Napahinto si Railey at nilingon agad ito. Hinahaplos ng lalaki ang braso nitong tumama sa kanya. Matangkad ito at guwapo. Bagaman maputi at brown ang buhok ng lalaki, alam niyang hindi ito Amerikano. Malamang ay may dugo rin itong Asyano tulad niya. Napatingin din sa kanya ang lalaki. “Hey! There is something wrong with you!” asik nito. “Just what do you mean by that?” Nilapitan ni Railey ang lalaki. Natantiya niyang magkasing-tangkad lang pala sila ng lalaki. Mas mala

