ISANG linggo na ang nakaraan mula ng dumating si Katheryn sa mansion ng mga Antigua. Sa panahong inilagi niya sa mansion ay ramdam niya ang kakaibang pakikitungo ng mga kasamahan ng kapatid niya sa trabaho lalo na si Aling Elsie. Araw-araw siya nitong kinukulit na lumipat na ng tulugan sa guest room. Pero tinatanggihan lang niya ito. Para sa kanya ay kalabisan na kung matutulog pa siya ng guest room gayong katulong lang naman ang kapatid niya sa mansion. Sobrang nagpapasalamat na nga siya dahil bukod sa libre ang pagtira niya sa mansion ay magiliw pa sa kanya ang lahat ng tao. Bisita kung ituring siya ng mga ito kaya nga ayaw siyang pagtrabahuin. Pero gumagawa siya ng p

