"NAGWO-WORRY ka ba sa kanya? Bakit kasi si Arnilo pa ang inutusan mong maghatid sa kanya? Dapat ikaw na sana mismo," sabi ni Ronniel nang tumabi ito kay Railey habang tinititigan niya ang Aston Martin na palabas ng gate. Lulan ng kotse si Vivienne na ihahatid ni Arnilo sa probinsiya. "Hindi naman ako nag-aalala. May tiwala ako kay Arnilo. Sigurado akong kaya niyang protektahan si Vivienne," sagot ni Railey ng hindi inaalis ang tingin sa papalayong sasakyan. "Kung hindi ka nag-aalala, bakit ganyan ang mukha mo?" Biglang napalingon si Railey sa kaibigan. Seryosong nakatitig ito sa kanya. "Bakit ano bang mayroon sa mukha ko?" nagtatakang tanong niya. "Sa nababasa ko sa mga mata mo, hindi ko malaman kung nalulungkot ka o natatakot ka. Alin doon?" Napabuntung-hininga si Railey. "Pati ba na

