"ANONG inalok sa inyo ni Mrs. Antigua?" Hindi maipaliwanag ni Vivienne kung bakit bigla na lang siyang kinabahan sa kuwento ng kanyang ina. "Ang sabi niya sa akin ay pag-aaralin ka raw niya at gagawan niya ng paraan para hindi ka paalisin sa YPC. Siya na rin daw ang bahala sa lahat ng pangangailangan mo." "Ano naman ang hiningi niyang kapalit?" Naglalaro na sa isip niya ang isasagot ng kanyang ina. Pero sana naman ay hindi totoo ang naisip niya. "Pinapirma niya ako sa parental consent ng marriage contract ninyo ng anak niya. Pati ikaw ay pinapirma din niya. Nakalimutan mo na ba iyon?" Nasapo ni Vivienne ang sariling ulo. Ngayon lang niya naalala ang sinasabi ng Nanay niya. May pinirmahan nga siya noon na dokumento pero wala siyang ideya na marriage contract iyon. Hindi rin naman ipinal

