"MAMA I NEED to talk to you." Hinalikan muna ni Railey ang pisngi ng ina bago siya umupo sa harap nito. Inabutan niya ito sa garden set na nagko-cross stitch. Nilingon siya ng ina at ilang sandaling tinitigan siya nito. "Anong pag-uusapan natin?" Bago pa siya makasagot ay ibinalik na ng ina ang atensyon sa ginagawa nito. Huminga muna ng malalim si Railey bago siya nagsalita. "May kopya po ba kayo ng papel na pinapirmahan ninyo sa akin noon?" "Anong papel ba ang sinasabi mo?" Sumagot ang Mommy niya ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Isang malalim na hininga ang muli na namang pinakawalan ni Railey. "Ang tinutukoy ko ay iyong papel na pinapirmahan mo sa akin noong matapos ang training ko sa SEAL." Ayaw na sana niyang pag-usapan pa ang bagay na iyon. Pero kinakailangan niyang ayusi

