Chapter 20 - Morning Rituals

1200 Words

PAGLABAS ni Railey  ng banyo ay tulog pa rin si Vivienne. Dinampot niya ang mga damit nito sa sofa at isinama sa laundry basket niya. Pagdating niya ng kusina ay idineretso niya sa washing machine ang laman ng laundry basket. Habang umaandar ang washing machine ay nagluto siya ng almusal. Pagkatapos niyang magluto kumain muna siya. Saka niya hinango ang nilabhan sa washing machine. Inilagay niya ang mga ito sa hanger at iniwan sa banyo. Paglabas niya ng banyo ay nadatnan niya si Vivienne na nagsesepilyo sa lababo. "Good morning!" nakangiting bati niya rito. Tumaas lang ang kilay nito nang lumingon sa kanya. "Breakfast is ready," anunsiyo niya nang makitang tapos na itong magsepilyo. Pinaghila niya ito ng upuan saka binigyan ng plato at kubyertos. "Mabuti naman at naisipan mong patun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD