ANG TUNOG ng alarm clock ang nagpagising kay Railey. Nang magmulat siya ng mata ay agad niyang pinatay ang orasan na nasa side table. Pinatay na rin niya ang lamp shade na umiilaw pa. Alas-otso na ng umaga. Naka-set ang alarm clock niya ng ganoong oras kapag araw ng Sabado dahil madalas na umaabot siya ng tanghali na bago magising. Iyon ang nakasanayan ng katawan niya noong nasa Amerika pa siya. Sa tagal ng paninirahan niya doon ay nahirapan ang katawan niya na mag-adjust nang umuwi siya ng Pilipinas two years ago. Kailangan pa niyang gumamit ng alarm clock para lang magising sa tamang oras. Sa mga araw na may pasok ay naka-set ang alarm niya ng alas-singko. Kailangan niyang gumising ng maaga dahil may mga morning rituals siya tulad ng jogging at exercise na nakasanayan na niyang gawi

